BIKGV-32

3.4K 123 5
                                    

Akala ko pagkatapos naming kumain sa restaurant na iyon ay ihahatid nya na ako pauwi pero mali. Ang sabi ni Grey ay ipapakilalala nya umano ako sa lola nya.

Huminto kami sa tapat ng isang private cemetery kaya nilingon ko si Grey ng may nagtatakang muka.

"She died 5 years ago." Anito ng makitang nagtataka ang muka ko. Tumango nalang ako sa kanya at sabay kaming pumasok.

Hindi paman kami tuluyang nakakalapit ay napansin kong meron matangkad na babae ang nakatayo sa loob ng magandang glass house.

Walang salitang binuksan ni Grey ang pinto ay pinauna akong pumasok. Mukang napansin naman ng babae ang pagdating namin kaya lumingon ito sa gawi namin at ngumiti.

"Grey..." Nakangiting anito habang nakatingin kay Grey bago naglipat ng tingin sakin.

Maganda at matangkad ang babaeng ito. Muka rin syang mayaman dahil ang classy ng dating nya.

Muli nitong binalik ang tingin kay Grey pagkatapos ay lumapit at hinalikan ito sa pisnge.

Aba Teka! Sino ba to?

"Ehem!" Medyo napalakas ata ang tikhim ko. Sabay silang lumingon sakin at hindi parin nawawala ang ngiti ng babae.

"Hi," nakangiting sabi sakin ng babae. "Who's this kid Grey?" Baling na tanong nito kay Grey.

Kid daw!

"Quinn this is Zera--"

"Zerah De Luna, Grey's girlfriend." Pagpuputol ko sa sasabihin ni Grey pagkatapos ay inilahad ang kamay ko sa babaeng nagngangalang Quinn.

Natawa naman ang babae dahil sa sinabi bago tinanggap ang kamay ko.

"I'm Quinn, Grey's cousin. Nice to meet you Zerah." Malaking ngiting anito.

Bigla naman akong nahiya dahil sa sinabi nito. Bat di nya agad sinabi na pinsan sila. Lumingon ako sa gawi ni Grey at napansing nakangiti ito sakin habang naiiling.

Nahihiya naman akong ngumiti kay Quinn na malaki parin ang ngiti sakin.

"You didn't told me you like minors." Natatawang biro nito kay Grey.

Nagpaalam na ang babae sa amin ni Grey dahil may pupuntahan pa daw sya. Naiwan naman kami ni Grey na malaki parin ang ngiti sakin.

"Girlfriend, huh." Nangingiting anito.

"Shut up!" Singhal ko dito.

Lumapit si Grey sa puntod ng Lola nya at nagsindi ng kandila. Lumapit ako sa tabi nito at tiningnan ang puntol.

'Leonora C. Vasille' basa ko sa isip ko sa pangalan ng lola ni Grey.

"Hey My... It's been a long time since the last time I visited you. I'm sorry I got busy." Pag kausap ni Grey sa puntod ng Lola nya.

Nakatingin lang ako sa puntod at hindi nagsasalita. Hinayaan ko lang so Grey na kausapin ang puntod ng kanyang lola.

"Do you still remember what you told me when I was 14? I asked you how will I know if someone is the right person for me and you told me, 'when you know, you know'." Grey chuckled. "I thought that was nonsense cause it sounds like that.... But now I realize, it actually make sense." Nakangiting dagdag nito.

"I found her, My. I know she's the one." Tumingin sakin si Grey at hinawakan ang kamay ko.

"My, this is Zerah... I know she looks too young for me but I know she's the right person. I love her with all my heart and I promise that I'll be faithful to her and love her despite of every challenges that we may encounter, just like how you love Dy." Ngumiti ako habang nakatingin sa mga mata ni Grey. Alam kong medyo madrama pakinggan pero naluluha ako dahil sa sinabi. Idk, I feel so special and loved.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now