BIKGV-16

4.1K 150 2
                                    

Kinabukasan maaga akong papasok sa school dahil napaaga ang gising ko. Habang nag aabang ako ng masasakyan papuntang Irvine University ay may sasakyan ang huminto sa harapan ko. Kahit hindi paman lumalabas ang driver ng sasakyang iyon ay alam ko na kung sino sya. Sya lang naman ang kilala kong may ganito kagandang sasakyan.

Lumabas si Grey sa driver seat suot ang uniform nya. Lumapit ito sakin na may bitbit na paper bag.

"Good morning." Bati nito sakin.

"Good morning too." Naiilang na bati ko sa kanya pabalik. Hindi ko alam kung bakit nandito sya, wala naman syang nasabi na pupunta sya dito.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya.

"I just want to give you this." Sagot nito at inabot sakin ang paper bag na hawak nya.

"Ano to?" Takang tanong ko habang binubuksan ito.

Agad na numula ang mukha ko dahil sa kahihiyan ng makitang ang mga damit na naiwan ko sa guestroom ng bahay nila ang laman ng paper bag na binigay nya.

Naalala ko na kinuhanan pa nya iyon ng picture at sinend sakin. Bakit ba nawala sa isip ko ang bagay na yon?

"Nilabhan ko na yan."

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi nya. Sya talaga ang naglaba non? Nakakahiya talaga.

"T-thank you." Nahihiyang sabi ko ng hindi sya tinitingnan.

"You're turning red Zerah." Natatawang sambit nito.

Pakiramdam ko ang ganda ng pangalan ko kapag sya ang tumatawag sakin non. Dati puro stupid, doughhead, at kid ang tawag nya sakin pero ngayon tinatawag nya na ako sa pangalan ko. Mas lalo ko tuloy naappreciate ang ganda ng pangalan ko.

"Papasok kana?"

Obvious ba?

Gusto kong barahin ang tanong nya kaso nakakahiya kaya sa susunod nalang. Tumango nalang ako sa sagot nya bago pinasok sa loob ng bag ko ang paper bag na binigay nya. Mabuti nalang malaki ang bag ko kaya nagkasya iyon.

"Sabay na tayo." Sagot nito at binuksan ang front door.

Wow gentle dog.

Walang salita akong pumasok sa loob ng sasakyan nito at agad na nagseatbelt. Mahirap na kailangan safety first palagi.

Nakakapagtaka na hindi mabilis ang pagpapatakbo ni Grey ng sasakyan nya. Kumbaga chill lang syang nagdadrive habang nakikinig ng music na nakaconnect sa cellphone nya.

Hindi ako nagsasalita dahil wala naman akong sasabihin at isa pa nahihiya din akong mag start ng conversation sa kanya. Nagiging mahiyain na ata ako.

"Yesterday...why we're you in Viana's office?" Saglit akong sumulyap kay Grey ng magtanong ito pero deretso lang sa kalsada ang tingin nya.

"May pinahatid lang sakin si Ma'am." Sagot ko dito.

"Yun lang? Wala syang ibang sinabi o ginawa?"

Gusto ko sanang sabihin na medyo kakaiba si Ma'am kahapon nang tanungin ako nito sa kung anong meron samin ni Grey pero baka nag over react lang ako. Baka bigla lang talaga ni Ma'am naisip na itanong ang bagay na yon tapos ako naman masyadong oa magreact sa isip.

"Wala naman."

Pagdating namin sa school ay nagpaalam na agad ako kay Grey. Naiwan si Grey sa loob ng kotse nya dahil may tatawagan pa umano sya.

Paalis na ako ng parking ng mapansin ko ang babaeng nakasilip sa likod ng isang sasakyan. Nakatingin ito sa kotse ni Grey pagkatapos ay tumingin sakin. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba ng magtama ang mga mata namin. Matalim ang titig nito sakin kaya mabilis akong umiwas ng tingin at naglakad paalis ng parking lot.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat