BIKGV-5

4.8K 171 6
                                    

Naglalakad ako ngayon papunta sa optical clinic para kunin ang pinagawa kong bagong salamin. Hindi ko na kase magamit ng maayos ang salamin ko dahil sa basag nito.

"Good afternoon Miss, how can I help you?" Tanong ng babaeng sumalubong sakin.

"Ah kukunin ko na po yung salamin na pinagawa ko." Sagot ko sa babae.

"Name?"

"Zerah De Luna po." Magalang na sagot ko dito. Meron naman itong tiningnan na kung ano pagkatapos ay muling humarap sakin.

"Paid na pala iyon, did you bring the receipt?" Nakangiting tanong nito sakin.

"Opo," sagot ko dito bago kinuha ang resibo sa loob ng wallet ko.

Saglit lang ito nitong tinitigan pagkatapos ay muling ibinalik sakin.

"Upo ka muna." Sabi nito pagkatapos ay umalis.

Umupo muna ako sa upuan sa gilid habang hinihintay na bumalik ang babaeng iyon.

"Sorry wala si Dr. Paschal ngayon may importante kase itong pinuntahan anyway pwede mo nang subukan itong salamin at kung may problema ka dito pwede mo namang iwan muna at ako na ang bahalang magpaalam kay Doc." Saad ng babae pagkabalik nito.

Inabot nito sakin ang salamin na agad ko namang tinanggap.

"Try it."

Sinukat ko ang salamin na pinagawa ko at nagustohan ko naman iyon. Ngumiti muna ako sa babae bago nagsalita.

"Ayos na po ito. Maraming salamat po."

"Walang anuman." Nakangiting sagot sakin ng babae.

Lumabas ako ng clinic na suot suot na ang bago kong salamin. After a week maayos nanaman ang paningin ko dahil hindi ko na kailangang pagtyagaan ang nasira kong salamin.

Tatawid na sana ako ng kalsada para pumunta sa parada ng mga jeep ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis akong tumakbo pabalik ang pumasok sa loob ng Minimart para sumilong.

Wala kase akong dalang payong dahil puro damit at gamit sa skwela ang laman ng bag ko. Ngayon kase ako pupunta kila Sydney para mag overnight at turuan sya ng mga lesson namin.

Nilabas ko ang cellphone ko para tingnan sana kung anong oras na dahil naiwan ko ang relo ko pero napansin kong may text message dito galing kay Sydney.

'Nasan kana? Sundoin paba kita?'

Iyon ang text message ni Sydney. Nagreply naman ako sa kanya na hindi ako makaalis sa minimart dahil sa sobrang lakas ng ulan. Ilang saglit pa ay nagring ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Sydney.

"Saang minimart ba yan?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Malapit sa optical clinic na pinagawan ko ng salamin." Sagot ko dito.

"Sige dyan kalang ipapasundo nalang kita." Sagot nito pagkatapos ay agad na pinatay ang tawag.

Sinunod ko naman ang sinabi nito at nanatili nalang muna sa loob ng minimart. Pinanuod ko mula sa loob ang malakas na pagbuhos ng ula. Parang kanina lang mainit pa ang panahon tapos ngayon bigla nalang uulan. Grabe na talaga ang climate change. Kasalanan ito ng mga lalaki.

Mahigit kalahating oras pakong naghintay sa loob ng minimart bago tumawag saking muli si Sydney.

"Sobrang lakas pa ba ng ulan dyan?" Tanong nito.

Sinulyapan ko naman ang labas at nakitang hindi na gaano kalakas ang ulan.

"Hindi na katulad kanina." Sagot ko dito.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now