BIKGV-20

4.1K 154 7
                                    

"Ano ba? Mag usap na nga kayo... Gusto ko nang matulog..." Hindi ko pinansin ang nagpapapadyak na si Sydney habang nakaupo sa kama nya. Kanina pa ako nito pinipilit na buksan ang pinto dahil kanina pa katok ng katok si Grey na halos sirain na ang pinto.

"Ayoko ngang kausap ang pinsan mo. Matutulog nalang ako." Tumagilid ako patalikod sa pwesto ni Sydney at inayos ang comforter ko. Wala akong balak kausapin si Grey dahil ngayon palang ako tinatablan ng hiya dahil sa ginawa ko kanina.

"Gusto naring matulog pero panu ako matutulog kung halos sirain na ni Ate ang pinto?" Hindi ako sumagot kay Sydney at hinayaan lang ito.

Maya maya pa ay wala na kaming narinig na katok muka sa labas. Wala na rin kaming narinig na ingay o pagtawag mula sa labas. Siguro ay naubos na ang pasensya ni Grey at umalis na.

"Hystt... Makakatulog din." Saktong pagkasabi non ni Sydney ay narinig naming pumihit ang pinto. Sabay kaming lumingon dito at nakitang hawak ni Grey ang isang susi na ginamit nya sa pagbukas ng room namin.

"Don ka muna sa labas." Utos nito kay Sydney na pahiga na sana sa kama nya.

"Ano‽ Pero inaantok nako!" Pagrereklamo nito.

"You can sleep in my room." Seryosong tugon nito.

Nag aalangan pa sana si Sydney nung una pero sa huli ay tumayo nalang ito at lumabas ng kwarto namin. Paglabas ni Sydney ay bumaling sakin si Grey kaya muli akong tumagilid patalikod sa pwesto nya at ipinikit ang mga mata.

Nagkunwari akong matutulog na at hindi pinansin ang nakatayo habang nakatingin sakin na si Grey.

Ilang minuto itong nanatiling tahimik kaya napaisip ako kung anong ginagawa nito. Ayoko namang lingunin sya dahil ayoko munang makausap sya. Nahihiya parin ako sa ginawa ko kanina. Hindi ko akalain na ginawa ko ang bagay na yon.

"I know you're still awake Zerah..." Paninimula nito. Hindi ako sa kanya sumagot pero naramdaman ko ang paglubog ng kabilang parte ng kama, senyales na naupo sya roon. "Let's talk." Dugtong pa nito.

Pumikit ko ng mariin at pinilit na hindi sya pansinin. Siguro naman kung hindi ako sasagot ay iisipin nyang tulog na nga talaga ako.

"About what happened earlier.... I'm sorry..." Hindi ko alam kung bakit sya humihingi ng tawad. Kung tutuosin ako dapat ang magsorry sa kanya dahil sa ginawa ko kanina. Wala akong karapatan na gawin yon at hindi rin naman iyon tama.

"I... I don't really wan-- okay... I did that on purpose... I'm sorry." Hindi parin ako kumibo at nanatiling nakapikit. Wala parin akong balak na kausapin sya. Kanina kung makaiwas sya akala mo may sakit akong nakakahawa tapos ngayon magsosorry sya kahit ako ang nakagawa ng mali?

"I know you're still mad at me...I'm sorry..." Pinilit kong hindi gumalaw sa kinahihigaan ko para magmukang tulog na talaga ako. Hinintay ko kung may sasabihin pa sya pero nagpaalam na ito.

"I'll go ahead." Naramdaman ko ang pag angat ng kabilang parte ng kama. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago gumalaw para masigurado na nakaalis na sya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagmulat na ako ng mata at laking gulat ko ng tumambad sakin ang mukha ni Grey na sobrang lapit sa mukha ko. Napakurap kurap pako para siguradohin na hindi ako namamalik mata.

"Ba-bakit n-nandito kapa?" Nauutal na tanong ko sa kanya.

Hindi ito sumagot at hindi ito gumalaw sa pwesto nya. Nanatili lang itong nakatitig sakin.

"U-umalis kana." Pagtataboy ko rito.

Tatalikoran ko sana ito pero pinigilan ako nito sa pamamagitan ng paghawak sa balikat ko. Binalik ako nito sa pagkakatihaya sa kama bago nito muling pinagmasdan ang mukha ko.

Napalunok nalang ako kasabay ng pag iwas ko ng tingin dahil sa pagkailang sa ginagawa nya. Hinawakan nito ang kabilang pisnge ko at pilit akong iniharap sa kanya.

"You're so beautiful Zerah..." Napapaos na bulong nito.

"Those expressive eyes of your..." Sambit nito habang nakatitig sa mga mata ko. "That cute little nose..." Bumaba ang tingin nya sa ilong ko at marahang pinadaosdos roon ang kanyang daliri.

Marahang nitong hinaplos ang pisnge ko habang mapupungay ang mga matang nakatingin sakin. "Those rossy cheeks..."

Pigil ko ang hininga ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayong malapit sakin si Grey. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay tinutunaw ako ng mga tingin nya.

"And...this kissable lips." Pakiramdam ko ay nakikiliti ako sa marahang paghaplos nya ng kanyang daliri sa labi ko.

Mapupungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aking labi. Hindi ko maiwasang mas lalong kabahan at mamula dahil sa ginagawa nyang iyon. Dahil sa pagkailang ay hindi sinasadyang kagatin ko ang pang ibabang labi ko dahilan upang kumurte ang ngiti sa kanyang mga labi.

Saglit nitong binalik ang kanyang tingin sa mga mata ko bago ito ibinalik sa labi ko. Dahan dahan syang lumapit sakin at itinukod ang kanyang braso sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

Sunod sunod ang naging paglunok ko ng halong ilang pulgada na lamang ang lapit ng aming mga mukha.

"Ghad... You look so hot when you're biting your lips." Napapaos na bulong nito.

Para akong naestatwa sa hinihigaan ko habang hinihintay ang paglapat ng labi nya sa labi ko. Kinakabahan ako pero at the same time parang may parte sakin ang nae-excite sa gagawin nya.

Tila may mga paro-parong nagliliparan sa loob ng tyan ko ng tuluyang halikan ni Grey ang gilid ng labi ko.

Isa iyong maingat at mabilis na halik pero halos nagwawala ang dibdib ko dahil don. Hindi ako nakagalaw at nanatiling natingin lang sa kanya.

"I like you Zerah... I really do." Bulong nito sakin matapos ang mabilis na halik na iyon.

"Do you like me too?" Dugtong na tanong nito.

Marami ang tumakbo sa isip ko ng sabihin ni Grey ang mga salitang iyon katulad nalang ng bakit? Kailan nagsimula? Paanu nangyari? At pati narin ang sitwasyon nila ni Ma'am Aguas.

"Do you like me too Zerah?" Muling bulong na tanong ni Grey. Napatango ako ng wala sa sarili dahil don.

"I want you to say it Zerah. Do you like me too?"

"Y-yes..." Nauutal na sagot ko.

"I want it clear Zerah... Do you like me?"

"I... I like you Grey."

Malaki ang naging ngiti ni Grey dahil sa naging sagot. Inilayo na nito ang mukha nya sa tenga ko at umayos ng upo sa gilid ng kama ko.

"Good girl..." Nakangiting anito habang hinihimas ang ulo ko.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot at hindi nagsalita. Inayos naman nito ang comforter ko pati narin ang pagkakahiga ko. Hiniwa nito ang ilang buhok na nasa mukha ko bago muling ngumiti sakin.

"It's late, you should sleep now." Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

"Good night Zerah." Anito pagkatapos ay dinampian ng halik ang noo ko.

"Good night Grey." Tugon ko sa kanya.

Ngumiti lang sakin si Grey at umalis na sa pagkakaupo sa kama ko. Sinundan ko ito ng tingin ng maglakad ito. Akala ko ay aalis na sya at babalik sa kwarto nya pero inayos nya lang pala ang pagkakasara ng pinto. Pagkatapos non ay bumalik ito at nagtungo sa katabing kama na dapat ay kay Sydney. Inayos nito ang mga unan pati na ang comforter sa kama bago ito sumampa at nahiga roon.

Tumagilid ito paharap sa gawi ko bago ako muling nginitian. "Sleep tight Zerah. Dream of me." Anito at kumindat.

Napatawa nalang ako sa inasta nito. Hindi ko maikakaila na kinikilig ako sa mga ginawang iyon ni Grey. Parang nawala lahat ng inis ko sa kanya kanina dahil don.

Pumikit nalang ako at natulog ng may ngiti sa mga labi.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now