BIKGV-8

4.6K 164 7
                                    

Buong byaheng tahimik at seryoso si Grey, mas matanda sya sakin but I don't feel like calling her Ate. Kami naman ni Sydney ay tahimik lang din dahil sa takot na baka lumipad na ang sinasakyan namin.

"That's the reason why I don't want to have a ride with her!" Pagrarant ko kay Sydney habang naglalakad kami papunta sa room.

"I can't blame you. Kahit nga sanay na ako na ganun sya magdrive kinakabahan parin talaga ako. Maayos at maingat lang syang magdrive kapag kasama nya sina Tita."

Ilang minuto pagkapasok namin ni Sydney sa room ay dumating narin ang teacher namin. Ilang minuto lang ang lumipas ay pinaayos na nito samin ang mga upoan para magkaron ng distansya ang bawat studyante.

Mabilis kong iniscan gamit ang mga mata ko ang mga tanong sa test paper ng ibigay ito samin ni Ma'am. Hindi ko maiwasang hindi matuwa ng lahat ng nireview namin ni Sydney ay nasa exam.

Rinig ko naman ang mahinang pag "yes!" ni Sydney ng makita nya rin ang lahat ng tanong sa test paper.

Pagkatapos ng tatlong exam namin ay lunch break na. Sabay kaming pumunta ni Sydney sa cafeteria para kumain ng lunch ng mapansin kong naiwan ko ang cellphone ko kay Ma'am Mirabite na syang nagbantay samin kanina habang nag e-exam.

"Mauna kana sa cafeteria Syd babalikan ko lang ang phone ko."

Mabilis akong naglakad pabalik sa room para tingnan kung nandon pa si Ma'am pero nakaalis na ito. Naglakad ako papunta sa faculty office para tingnan kung andon ba si Ma'am pero habang naglalakad ako papunta don ay nakarinig ako ng ingay mula sa office ng prefect of discipline ng junior higher, which is si Ma'am Aguas, ang Filipino Teacher namin.

Nacurious ako dahil sa ingay na yon kaya ng mapansin kong nakaawang ang pinto ng office ni Ma'am ay sinilip ko agad iyon.

Kitang kita ko ang itsura ni Ma'am Aguas habang matalim na nakatingin sa kung sino man ang kaharap nito. Bakas ang galit sa mukha nya at halos maiyak na ito dahil doon. Lukot lukot na ang papel na hawak nito dahil sa sobrang pagkuyom ng kamay nya.

Hindi ko makita kung ang kaharap ni Ma'am dahil hindi ko iyon masilip pero hindi ko maiwasang hindi magulat sa reaksyon ngayon ni Ma'am Aguas dahil ngayon ko lamang sya nakitang ganito.

Kahit pa sya ang prefect of discipline ay masyado pa rin itong mabait. Kapag nagkami ang studyante at pinapadala sa kanya ay pinangangaralan nya ito habang kalmado sya.

"I can't believe this is happening, fvck you!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Ma'am Aguas. Mabilis akong umatras dahil sa gulat at dahil narin sa takot na baka mahuli nya ako na sumusilip sa office nya.

Puno ng pagtataka ang isip ko habang naglalakad ako papunta ng faculty office. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang dahilan ng pagkakagalit ni Ma'am at kung sino ang pinapagalitan nya. Wala naman kase akong nabalitaan na napaaway o ano. Madalas naman kapag may pinapatawag sa prefect of discipline ay nalalaman namin dahil usap usapan iyon.

Pagdating ko sa faculty office ay naabotan ko si Ma'am Mirabite na nag aayos ng mga gamit sa table nya.

"Good morning Ma'am..." Magalang na bati ko dito.

"Yes Zerah?"

"Kukunin ko lang po sana yung cellphone ko nakalimutan ko po kaseng kunin kanina pagkatapos ng exam."

Pagkatapos kong sumagot sa kanya ay may kinuha ito sa ilalim ng table nya.

"Sayo ba ito?" Tanong ni Ma'am habang pinapakita sakin ang cellphone ko.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now