BIKGV-11

4.3K 157 3
                                    

Kanina pako pagulong gulong dito sa kama ko pero hindi ko parin magawang matulog. Sinulyapan ko ang relo para tingnan kung anong oras na at halos sabunutan ko na ang sarili ko ng makitang alas tres na ng umaga.

Muli akong gumulong sa kama ko dahil sa inis. May pasok pako bukas pero hindi parin ako nakakatulog. Bakit ba kase hindi mawala wala sa isip ko iyong nangyari kanina.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko. Pagsilip ko kanina sa pasilyo kung saan pumunta si Grey at nakita kong kausap nito si Ma'am Aguas. Base sa reaksyon ni Ma'am Aguas ay tila nakikipagtalo ito kay Grey habang si Grey naman ay nanatiling walang reaksyon at tila hindi nagustohan ang sinabi ni Ma'am.

Hindi sumagot si Grey sa kung ano man ang sinabi ni Ma'am Aguas kaya marahas nitong inabot ang batok ni Grey at mabilis na hinalikan. Nanatiling walang reaksyon noon si Grey pero hindi sya tumutol sa halik ni Ma'am Aguas. Bagkos ay hinawakan rin nito ang batok ni Ma'am Aguas at tumugon sa mga halik nito.

"Arghhhh!!! Patulogin mo naman ako!!" Para akong batang nagpapapadyak sa higaan ko. Well, bata pa naman talaga ako, baby face pa nga.

Pinilit kong alisin sa isip ko ang mga nakita kong iyon pero hindi ko magawa. Para itong sirang plaka ma paulit ulit na nagpi-play sa isip ko. At ang mas nakakainis pa ay para akong naiinis na hindi ko maintindihan dahil sa nasaksihan ko.

Kinabukasan ay para akong zombie na naglalakad papasok ng campus. Inayos ko pa ang salamin ko dahil tila mahuhulog pa iyon habang naglalakad ako. Maya maya pa ay napahinto ako sa paglalakad ng may gumulong na aqua flask sa paanan ko. Pinulot ko ang aqua flask na iyon at inabot sa kung sino man ang may ari.

"Thank you, Zerah..." Bigla akong napaayos ng tayo ng marinig ko ang mahinang boses ni Ma'am Aguas.

"Y-youre welcome po..." Nauutal na sagot ko dito at nginitian lang ako nito.

Muling bumalik sa isip ko ang mga nakita ko kahapon. Alam kong hindi nila ako nakita dahil nakatago naman ako pero hindi ko maiwasang hindi mailang ngayon na kausap ko si Ma'am.

"M-mauna na p-po ako." Paalam ko at mabilis na nilagpasan ito.

Pero habang naglalakad ako ay biglang pumasok sa isip ko ang babaeng tumawag Kay Grey. Muli akong napahinto at lumingon kay Ma'am Aguas na ngayon ay naglalakad na rin paalis.

Kaya pala pamilyar sakin ang boses na yon. Kaya pala parang narinig ko na kung kaninong boses iyon dahil si Ma'am Aguas ang tumawag kay Grey ng umagang iyon.

Kung ganun may relasyon si Grey at si Ma'am Aguas? Pero mas matanda si Ma'am Aguas kay Grey ng ilang taon. At isa pa, teacher si Ma'am Aguas at studyante si Grey, hindi iyon pwede.

Pakiramdam ko ang gulo gulo ng isip ko. Kasalanan to ni Grey, dapat wala naman akong pakialam sa buhay nya pero niiintriga akong masyado na malaman ang totoo kung ano man ang meron sa kanila ni Ma'am Aguas. Hindi kaya si Ma'am Aguas din ang tinatawag nyang Cham? Nag away siguro sila kaya nagpakalasing si Grey.

"What the fvck nerd!" Natigil ako sa pag iisip ng bumangga ako sa likod ng kung sino. Pero base sa sigaw at sa boses nya parang alam ko na kung sino iyon. Sa dinami rami ba naman ng mababangga ko bakit sya pa.

"Apat na nga ang mata mo hindi mo parin makita ng maayos ang dinaraanan mo." Inis na sabi ni Grey sakin.

"Nakaharang ka kase sa daaanan." Kalmadong sagot ko sa kanya.

"Ang laki ng hallway bakit hindi ka sa gilid dumaan?" Mas inis na sambit nito.

"Nakatayo kalang naman bat hindi ikaw ang pumunta sa gilid?"

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now