BIKGV-33

3.1K 108 12
                                    

"I know you're still young but I can't stop this feeling anymore. I don't want to go to bed and woke up bearing the fear that someone might steal you from me. I can wait 'til you become 18 but can you please... Let me court you Zerah?"

Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko habang nakatingin kay Grey na nakaluhod sa harap ko.

"Grey..." Hindi ko alam ang isasagot o sasabihin ko. Ang alam ko lang ay natutuwa ako dahil sa kanya.

"Umoo kana!" Napalingon ako sa gilid kung saan ako nakarinig ng sigaw. Nakita ko si Sydney sa gilid kasama sina Tita at Tito, narito rin si Shan at ang mas ikinagulat ko ay andito rin sina mama ate.

"Go na Sissy!" Natatawang sigaw ni Ate.

Muli akong lumingon kay Grey at ngumiti dito.

"Mamaya kana umiyak kapag sumagot kana." Natatawang sabi ni Grey kaya naman tumingala ako para pigilan ang luha ko dahil sa sobrang tuwa.

"Ano na? Ang tagal Zerah ah. Mamaya kana magmaganda!" Nilingon ko si Sydney at sinamaan ng tingin dahil sa pagsigaw nanaman nito.

Lumingon ako kay Grey at yumuko sa kanya. Hinaplos ko ang pisnge nito at marahang tumango sa kanya.

"Yes?" Tanong nito kaya mas lalo akong tumango sa kanya.

"Yes!" Sigaw nito at mabilis na tumayo para yakapin ako.

Rinig ko ang iba't ibang reaksyon ng pamilya namin na nasa gilid. Ang boses ni Ate at mi Sydney ang nangingibabaw sa kanilang lahat.

"I love you so much Zerah...I will always love you." Bulong sakin ni Grey habang yakap yakap ako.

"I love you too Grey..." Naiiyak na sagot ko.

"Hoy yung singsing!" Natatawang kumalas ng yakap sakin si Grey dahil sa sigaw ni Sydney. Isinuot nito sakin ang singsing na hawak nya kanina.

"It's a promise ring baby. I promise I will never hurt you. I promise that I will never stop loving you. " Anito habang sinusuot sakin ang singsing.








It's been 2 days simula ng gabing iyon pero grabe parin ang kilig na nararamdaman ko kapag naaalala ko iyon.

"Sissy nandyan na ang sundo mo!" Mabilis ang kilos ko habang nag aayos sa harap ng salamin dahil ayokong paghintayin ng matagal si Grey.

"Bababa na ako ate!" Sagot ko dito bago kinuha ang bag ko sa ibabaw ng kama.

Mabilis akong bumaba ng hagdan at naabotan ko si Grey na nakaupo sa sala habang hinihintay ako.

"Tara na." Aya ko dito kaya tumayo na ito.

Panay ang kwento ko kay Grey tungkol sa napanuod kong movie kagabi habang papunta kami sa school. Nakikinig naman ito sakin at sumasagot habang nagdadrive sya para ipakitang interesado sya sa mga kinukwento ko ko kahit alam ko naman na hindi sya mahilig sa mga ganung palabas.

Pagdating namin sa school ay balak pa sana akong ihatid ni Grey sa room pero sabi ko ay ako nalang mag isa dahil baka malate sya. Ayaw pa sana nito pero mabuti nalang at napilit ko ito.

Pagpasok ko sa room ay halos kompleto na ang mga kaklase ko. Hinihintay nalang talaga ng pagdating ng teacher namin.

Ngayon ang end ng third quarter kaya halos lahat ay abala sa paghahabol ng grades. Hindi nagdidiscuss ang mga teacher dahil nag announce lang ito ng mga kailangang requirements para makompleto at maipasa ang subject nila.

Pagdating sa Filipino subject ay maraming studyante ang chill lang dahil bukod sa hindi masyadong mahirap ang subject ay halos lahat naman pasado dito. Wala kase itong masyadong project at isa pa mabait kuno na teacher si Ma'am Aguas.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now