BIKGV-38

3.1K 92 3
                                    

It's been two days at sa loob ng dalawang araw na yon ay pansin ko ang mga kakaibang kilos ni Grey. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magduda dahil don. Tuwing tinatanong ko naman sya ang palagi nyang sagot ay "nothin'."

Kahapon din nalaman namin na hindi na pala sa school namin magtuturo si Ma'am Aguas. Ang sabi sabi ay lumipat ito ng school na pagtatrabahoan nya. Pumasok na din samin kahapon ang kapalit na teacher ni Ma'am Aguas at hindi ko maiwasang hindi magtaka dahil ayon sa kanya ay settled na ang lahat ng grades namin bago umalis si Ma'am Aguas, kahit ang grades ko ay wala na rin umanong problema.

"Baka malunod ka." Nilingon ko si Sydney na kumakain ng sandwich dahil break time namin. Hindi ako umimik sa kanya at nag iwas lang ng tingin bago muling nagpangalumbaba. "Ano bang iniisip mo?" Ibinaba ni Sydney ang sandwich na hawak nito bago deretsong tumingin sakin.

"May problema ba si Grey?" Hindi na ako nagdalawang isip sa tanong ko dahil noong nakaraan ko pa gustong itanong sa kanya yon. Hindi agad ito sumagot at nanatili lang nakatingin sakin kaya sinalubong ko ang mga tingin nito.

Kalaunan ay nag iwas din ito ng tingin bago muling kinuha ang sandwich nya at kumagad dito.

"Wala syang nasabi sakin," tanging sagot nito.

"Sa bahay nyo? Wala bang problema?" Ilang araw na kase kaming hindi nakakapag usap masyado ni Grey. Hindi na rin sya nagtetext madalas katulad ng dati. Kanina rin ay hindi na naman nya ako nasundo at hindi na naman sya nagpasabi kaya muntik na naman akong malate. Alam kong wala kaming relasyon ni Grey kaya wala akong karapatang magreklamo pero kase.... Hindi naman sya ganun.

"Wala namang nabanggit sina Tita na kahit ano..." Napabuntong hininga nalang ako sa sagot ni Sydney. Kung walang problema sa bahay nila Grey baka may personal syang problema. Pero bakit hindi man lang sya nagsabi?

Kung may problema sya, andito naman ako para damayan sya. Kung kailangan nya ng oras at space ibibigay ko naman yon sa kanya. Hindi naman ako dadagdag sa problema nya. Hindi yung ganito... Para akong mababaliw kakaisip kung anong problema nya.

"Kesa tumunganga ka dyan tawagan mo nalang." Hindi ako sumagot kay Sydney pero sinunod ko ang sinabi nito. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Grey. Nakailang ring pa muna ito bago sumagot.

"I said I'll call you later!" Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko ng malakas na boses ni Grey ang sumalubong sa kabilang linya. Nagtataka naman ang tingin sakin ni Sydney dahil sa naging reaksyon ko.

"G-grey?" Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Parang nawala lahat ng naisip kong itanong sa kanya kanina dahil sa pag sigaw nya.

"Zerah?" Bakas ang pagtataka sa boses ni Grey ng banggitin nito ang pangalan ko. Sandaling natahimik sa kabilang linya kaya naman magsasalita na sana ako pero naunahan ako nito. "I-Im sorry, I-I t-thought it wa-- I'm sorry for shouting. I-I didn't know it was y-you." Halata ang pagkataranta nito sa kabilang linya na mas lalong nagpagulo sa isip ko.

"May problema ba Grey?"

"N-no! I mean... Walang problema, everything's fine. Why did you ask?" Hindi ko alam kung nagsasabi ba sya ng totoo pero hindi ko kase kayang maniwala sa sinasabi nya.

"Sigurado ka ba? Pwede kang magsabi sakin kung may problema ka..." Hindi ito sumagot sa kabilang linya bagkos ay isang malalim na paghinga lang ang narinig ko. "Nandito lang ako Grey kung kailangan mo ng kausap..."

"I know....don't worry I'm fine Zerah."

Hindi pa man ako nakakasagot sa sinabi nya ay ibinaba nya na ang tawag. Wala na akong nagawa kundi ang ibaba ang cellphone ko at sumandal sa upoan ko.



"Oh ano?" Imbis na sagotin ang tanong ni Sydney ay nagpakawala nalang ako ng isang malalim na hininga. Base sa ginawa ko ay alam nya na ang sagot kaya hindi na ito muling nagtanong pa.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room. Pinilit kong makinig at magfocus sa lesson namin dahil kailangan kong bumawi sa mga subjects ko. Well hindi naman ako bumagsak pero pakiramdam ko my grades are not good enough last quarter.


Pagkatapos magturo ng teacher namin ay nagbigay ito ng group activity. Hindi kami magkagrupo ni Sydney pero ayos lang yon. Kahit papanu I manage to communicate with my group mates naman kahit pa hindi ko talaga sila close at nakakausap. This time, dahil group activity ito at acads ang usapan ay wala silang choice kundi ang pansinin ako. Well, I don't want to brag pero dahil honor student ako ay malaki ang tiwala nila na tama ang mga maisasagot ko.


Habang ginagawa namin ang group activity namin ay madalas na sumagi sa isip ko si Grey. To be honest, hindi talaga ako kumbinsido sa sagot nya kanina. Pero syempre hindi naman pwedeng yon nalang ang isipin ko palagi. Sa ngayon kailangan kong magfocus sa paggawa ng activity namin. Tatawagan ko nalang ulit sya mamaya para mas makapag usap kami. Hindi ko kase sigurado kung maihahatid nya ba ako pauwi dahil mukang hindi na naman sya pumasok.


After doing our group activity ay balik na sa dati ang mga kaklase ko kaya mag isa nalang akong nakaupo sa upoan ko at nakatulala sa labas ng bintana. Habang ang mga kagrupo ko ay nag uusap usap o nagkukwentohan dahil hindi pa tapos ang ibang grupo. Gusto ko sanang lumipat ng upoan muna malapit kay Sydney pero hindi pa tapos ang grupo nya. Kapag natapos na lahat ay saka lang kami makakabalik sa dating upoan namin.


Ayokong isipin to pero pakiramdam ko talaga may kakaiba kay Grey. Narealize nya na siguro na hindi nya talaga ako gusto at hindi nya lang yon masabi sakin. O baka naman may iba na syang nagugustohan at hindi nya na kayang maghintay hanggang sa umabot ako sa legal age? Hystt.. hindi ko alam kung anong dapat isipin.


"Okay class, go back to your proper sit." Sabay sabay na nagsitayuan ang mga kaklase ko para magsibalik sa kanya kanya nilang upoan. Tumayo na din ako at kinuha ang notebook ko sa arm chair para bumalik sa proper sit ko.

Nang makabalik kami sa proper sit namin ay pinag explain ng teacher namin ang mga sagot namin sa group activity. Dahil hindi naman kailangan ng mahabang explanation ay leaders lang ang naatasan na mag explain and at usual, ako ang leader sa grupo namin.


Seryoso lang akong nag eexplain ng ginawa namin sa unahan ng biglang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na pigura ng isang babae. Nakatayo ito sa hallway di kalayuan sa room namin kaya nasisilip ko sa bintana. Pinagmasdan ko ito ng mabuti para masiguro kung sya ba iyon dahil nakatalikod ito at hindi ko makita mukha.

Hindi ko pa man tuluyang nasisiguro kung sya nga ba iyon ng may lumapit ditong isang babae na may dalang hindi kalakihang box. Tumagilid ang babaeng nakatalikod para humarap sa kadarating lang din na babae. Pinilit kong kilalanin ang mukha nito ng nakatagilid na ito sakin pero hindi ko rin ito natitigan ng matagal dahil matapos nitong kunin ang box na hawak ng bagong dating na babae ay naglakad na sila paalis kung saan hindi ko na sila masilip.

"Miss De Luna?" Rinig ko ang mahinang pagtawa ng ilang kaklase ko ng tawagin ng teacher namin ang pangalan ko. Nakalimutan ko na nage-explain pala ako dito sa harap.


"I'm sorry Ma'am," paghingi ko ng tawad.

"Continue Miss De Luna." Nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag ng ginawa namin at mabuti nalang ay naipaliwanag ko rin iyon ng maayos.


Hindi na nawala sa isip ko ang dalawang babae kanina sa hallway. Ayokong isipin na tama ang hinala ko pero hindi ako pwedeng magkamali. Pero....bakit?

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon