BIKGV-2

6.1K 206 6
                                    

Hindi ko inaasahan na muli kong makikita ang kulay abong mga nito. Kumurap kurap pa ako dahil baka namamalikmata lang ako pero ganun pa rin ang nakita ko. Kung ganun ay dito rin pala sya nag aaral.

"Are you blind or you're just stupid?! You should look where you're going, stupid kid!"

Kita ko ang galit sa mga mata nito habang sinisigawan nya ako, hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan and at the same time ay mahiya dahil halos pinagtitinginan na kami o mas mabuting sabihin kong ako ng ibang mga studyante.

"I-im sorry, hindi ko naman sinasadya." Paghingi ko ng paumanhin dito.

"I don't care kung sinadya mo man o hindi, you see that?" Tinuro nito ang mga papel na nahulog at nabasa dahil sa nahulog na frappe. Pansin ko rin na medyo nabasa rin pala ang damit na suot nya.

"I need to pass those papers right now but you just fucked it up!" Dagdag na sigaw nito sakin.

Hinawakan ng kaibigan nito ang braso nya para pakalmahin sya pero bakas pa rin ang galit sa mukha nito. Kulang nalang ay umusok na ang tenga at ilong nya dahil sa sobrang galit.

"And all of you!" Tinuro nito ang mga studyanteng malapit sa kinaroroonan namin. "Leave!"

Mabilis na nagsialisan ang lahat ng mga studyante at kaming tatlo nalang ng kaibigan nya ang natira. Luh? Talagang sinunod nila ang babaeng to?

"I'm really sorry po pero hindi ko po talaga sinasadya."

Pinagpagan ko ang palda ko ng makatayo ako at kinuha ang panyo sa bulsa ko bago lumapit dito para sana punasan ang damit nito na nabasa.

"Pasensya na tal--" Pupunasan ko palang sana ang damit nito pero sa kasamaang palad ay natapilok ako dahilan upang bumagsak ako sa ibabaw ng katawan nito.

"Ahh!" Nakapikit na daing nito dahil sa biglaang pagbagsak nya.

"Oh my god! Grey!" Sigaw ng isang pamilyar na babae. Sya si Celeste Irvine, ang anak ng may ari ng pinapasukan kong paaralan.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat sa biglaang pangyayari at dahil na din sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko na kung gagalaw ako ng konte ay mahahalikan ko na sya.

Inayos ko ang salamin ko na muntik ng mahulog dahil medyo malaki ito sakin. Mabuti nalang at mahigpit ang kapit nitong salamin ko hindi katulad ng ex mo, kundi baka nabasag na ito.

Nagmulat ito ng mata ang babaeng tinawag nyang Grey at halata ang pagkabigla sa mukha nito ng mukha ko agad ang nakita nya.

Tumihaya ako bigla sa sahig ng itulak ako nito ng malakas.

"Aray!" Daing ko dahil sa biglaang pagtulak nito.

Mabilis itong tumayo matapos akong itulak at pinagpagan ang sarili nya. Sumunod naman akong tumayo kahit pa masakit ang likod ko dahil sa malakas na tukak nito.

"What the fvck is you problem kid‽" Muling sigaw nito sakin habang tumatayo ako.

"Grey calm down, bata pa yan." Pagpapakalma dito ni Celeste.

"I don't give a fvck Celes, this kid is getting into my nerves!"

Sunod sunod ang naging paglunok ko dahil sa takot sa babaeng kaharap ko ngayon na kulang nalang ay bumuga ng apoy. Halos matatala na ang mga ugat nito dahil sa galit sakin. Halos sunugin na rin ako ng mga tingin nito.

Sayang, ang ganda ganda pa naman sana ng mukha nya kaso ang sama naman ng ugali. Hindi ko naman sinasadya pero kung makasigaw ito sakin akala mo talaga ay nakapatay ako ng tao. Lamok palang po ang napapatay ko.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon