BIKGV-17

4.1K 149 0
                                    

Sabado ng umaga ng may matanggap akong bulaklak galing sa hindi kilalang tao. Maaga itong idiniliver sa bahay namin at kanina pa si mama tanong ng tanong kung sino daw ba ang manliligaw ko. Tuwing sasabihin ko naman na wala o hindi ko alam ay hindi naman sya naniniwala.

"Ano ka ba naman anak, hindi naman ako magagalit. Sino ba iyang manliligaw mo?" Hindi ko alam kung pang ilang tanong nya na yan. Kanina ko pa sinabing wala naman saking nanliligaw pero panay parin sya kulit sakin.

"Mama wala nga po, isa pa hindi ko rin alam kung kanino galing ang mga bulaklak na to." Tiningnan lang ako ni mama ng may nang aasar na tingin.

"Wala namang problema sakin kung may manliligaw na sayo anak. Basta ba dito ka sa bahay magpapaligaw at hindi sa labas, nagkaintindihan ba tayo?"

"Opo ma."

Nilapag ko sa ibabaw ng maliit na study table ko sa kwarto ang pinadala saking bulaklak. Napansin kong may message ako sa cellphone ko kaya tiningnan ko iyon.

"A flower cannot blossom without sunshine, and I cannot live without love." Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa sa message sakin ni Grey.

Napangiti nalang ako ng maisip na sa kanya pala galing ang bulaklak na to. Parang kailan lang sobrang init ng dugo nya sakin tapos ngayon may pa bulaklak bulaklak pa sya.

Ano Grey crush mo na ako nito?

Pababa na sana ako sa kusina para mag agahan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang celler at nakita ang pangalan ni Sydney sa screen ng phone ko.

"Good morning Syd, bakit ka napatawag?" Pagsagot ko sa tawag nito.

"Good morning Zerah mah friend, asan si Tita? Kausapin ko." Sagot ni Sydney sa kabilang linya.

"Ha? Bakit?" Kunot na noong tanong ko.

"Biglang naisipan nila Tito na magrelax ngayong weekends at pupunta kami ngayon sa resort na pagmamay-ari lang din naman ng mga Vasille. Sabi ni Tita isasama ka daw namin kaya ipagpapaalam kita kay Tita."

Lumabas ako ng kwarto para hanapin si mama pero si Rona ang naabotan ko sa baba. Si Rona ang kasama namin dito sa bahay. Kinuha sya ni mama bilang katulong para hindi kami mahirapan sa mga gawaing bahay.

"Ate Rona si mama?" Natigil ito sa pagwawalis at bumaling sa gawi ko.

"Andon sa labas Zerah nagdidilig ng mga halaman nya."

Nang maipagpaalam ako ni Sydney kay mama ay nag ayos na kaagad ako ng mga gamit na dadalhin ko. Sabi ni Sydney ay mag oovernight kami doon at Sunday ng hapon pa uuwi kaya nagdala ako ng ilang extra na damit.

Isang hindi kalakihang bag lang ang dala ko. Kumain muna kami ni mama sa kusina habang hinihintay ang driver nila Sydney dahil sabi nya ay ipasusundo umano ako sa driver.

Mahigit isang oras na ang lumipas ay wala parin ang susundo sakin. Tatawagan ko na sana si Sydney makarinig ako ng busina galing sa labas ng bahay.

Sinilip ko muna sa bintana kung ang driver na ba iyon nila Sydney pero ang sasakyan ni Grey ang natanaw ko.

Sinamahan ako ni mama palabas ng bahay . Agad namang nagmano si Grey kay mama ng makita ito. Ibinilin pako ni mama dito bago kami tuluyang umalis.

"You like the flowers?" Tanong ni Grey habang nagmamaneho.

"No." Agad na sagot ko.

"Why?" Til dismayadong tanong sakin nito.

"Because I love it." Nangingiting sagot ko sa kanya dahilan upang mapangiti rin sya.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now