BIKGV-18

4.1K 155 7
                                    

"Galit kaba?"

"Naiinis ka?"

"Alam kong tahimik ka talaga pero kase mukang galit ka."

Kanina pa ako nagsasalita pero hindi ako pinapansin ni Grey. Masama parin ang timpla ng mukha nya simula ng umalis kami ng fast food chain na iyon.

Kahit hindi nya sabihin halata naman na galit sya. Kahit anong sabihin o itanong ko ay hindi ako nito sinasagot. Minsan bigla nyang patatakbohin ng mabilis ang sasakyan nya tapos kapag sinigawan ko sya ay saka nya lang babagalan.

"Kanina pa masama ang mood mo, ano bang problema mo." Nakita ko ang pagtiim bagang nito bago muling pinaandar ng mabilis ang sasakyan nya.

"Grey!" Muli nitong binagalan ang takbo ng sasakyan ng sigawan ko ulit sya.

"Kanina kapa! Bakit kase hindi mo nalang sabihin kung anong kinakagalit mo at hindi yung aarte ka ng ganito!" Nauubos na ang pasensya ko sa kanya. Hindi sya marunong kausapin ng maayos. Pwede nya namang sabihin kung bakit bigla bigla nalang syang nagagalit pero umaarte sya ng ganito.

"Ano bang problema mo Grey?!"

"Ikaw!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Grey.

Hininto nito ang sasakyan nya sa gilid ng kalsada bago humarap sakin.

"Ikaw ang problema ko Zerah!" Muling sigaw nito sakin.

"T-teka... B-bat ako?" Inosenteng tanong ko dito.

Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang masama sa kanya para magalit sya. Wala rin naman akong nasabing hindi maganda dahil hindi naman kami nag uusap.

Napasabunot nalang si Grey sa sarili nyang buhok dahil sa inis bago pinaghahampas ang manibela.

Hala nabaliw na.

"H-hoy Grey! Tigilan mo nga yan. Muka kang tanga." Pagsaway ko dito.

Tiningnan naman ako nito na parang hindi makapaniwala bago napahilot sa kanyang sentido.

"Hindi ba obvious Zerah? Ikaw ang problema ko!" Mataas ang tono ng boses na ani nito.

"Bakit naman ako?"

"Isn't obvious? I'm jealous Zerah. I'm jealous!" Sagot nito bago muling hinampas ng malakas ang manibela.

Hala gago Grey ang mahal mahal ng kotse mo tapos hahampasin mo lang ng kamay ko. Kawawang kotse.

Pero teka... Ano daw? Jealous?

Jealous....

Nagseselos sya? Bakit naman sya magseselos? Tyaka, kanino?

Ibubuka ko palang sana ang bibig ko para magsalita pero inunahan na ako nito.

"Wag mokong tanungin kung kanino. Hindi ka tanga para hindi mo malaman."

"Ano ka ba naman Grey! Hindi mo kailangang magselos." Nangingiting tugon ko sa kanya.

"Bakit?" Seryosong tanong nito.

"Kase..." Nakatingin lang sakin si Grey habang hinihintay ang sagot ko.

"Kase walang tayo." Kase gusto kita.

Agad ko namang pinagsisigan ang sagot ko ng mabakas ang pagkadismaya sa mukha ni Grey dahil dito.

"Yeah, you're right."

Pagkatapos non ay hindi na ako muling kinibo ni Grey. Buong byahe syang hindi nagsasalita at ni hindi ako nito tinatapunan ni tingin. Kapag may tinatanong naman ako ay tatango lang sya o iiling.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon