BIKGV-13

4.1K 148 7
                                    

Habang nagdadrive si Grey ay kinain ko na ang binigay nya saking pagkain maliban sa chocolate roll. Sa bahay ko nalang iyon kakainin.

Nakakapanibago dahil hindi harurot ang pagdadrive ngayon ni Grey. Medyo natutuwa ako dahil hindi ko kailangang ipaglaban ang buhay ko habang nandito sa sasakyan nya ngayon at hindi ko narin sya pinuna dahil baka bigla syang sapian tapos paandarin nanaman ito ng mabilis.

Pagkatapos kong kumain ay ibinalik ko sa paper bag ang basura at bumaling kay Grey.

"Anong gagawin mo don sa beer?" Baling na tanong ko dito.

"Ipangkakape.." walang ganang sagot nito. Kailan pa naging kape ang beer?

"Ang pilosopo mo sumagot!"

"Ang tanga mo magtanong!"

Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa sinabi nito. Pwede naman kaseng sumagot ng maayos magpipilosopo pa.

"San pala punta mo?"

"Bahay nyo." Greyyyyyy!

"Bukod sa bahay namin. San ba talaga sana punta mo?" May bahid ng pagkapikon na tanong ko.

"Anywhere, where these wheels leads me." Madalas na mukang walang gana syang sumagot pero ngayon mukha syang malungkot.

"Sama!" Saglit itong tumitig sakin dahil sa sinabi ko. Hindi ito nagsalita at mukang sinusuri nya kung seryoso ba ako sa sinabi ko kaya ngumiti ako sa kanya ng malapad para siguradohin na gusto ko talagang sumama.

Nang alisin nito sakin ang tingin nya ay mabilis itong mag U-turn at pinaandar ng sobrang bilis ang sasakyan nya. Nanlaki ang mga mata ko at napakapit sa sasakyan nya dahil sa bilis nitong magdrive.

"G-grey!"

Alam kong sinabi ko na gusto kong sumama kung san man sya pupunta pero kung sa kamatayan sya tutungo binabawi ko na.

Ilang sasakyan na ang bumusina sa kanya dahil sa delikadong pag overtake nya sa ibang mga sasakyan pero mukang walang pakialam ang babaeng to. Tuloy tuloy lang sya sa pagmamaneho ng mabilis na tila nakikipagkarera.

Napapikit nalang ako dahil sa sobrang kaba at hindi na nakapagsalita.

Matapos ang mahigit isang oras ng pagdadrive ni Grey ay huminto kami sa isang malawak at tahimik na lugar sa malapit sa tabing dagat. Walang tao o kahit na bahay sa parteng ito habang nasa kabilang parte naman ang port pero medyo malayo iyon dito.

"Anong gagawin mo dito?" Hindi sumagot si Grey sa tanong ko at lumabas ng kotse dala ang plastic na may lamang mga beer.

Umupo si Grey sa medyo bitak bitak na pader at inilapag ang plastic sa tabi nya. Medyo madilim sa bahaging ito ng lugar at tanging street lights sa hindi masyadong kalayuan ang nagbibigay ng konteng ilaw maliban sa buwan.

Bumaba ako ng kotse at lumapit sa tabi ni Grey. Kumuha ito ng isang beer at mabilis na nilagok ng mabuksan iyon. Umupo ako malapit sa tabi ni Grey at kumuha ng isang beer sa plastic na napapagitnaan namin.

Akmang bubuksan ko na sana ito ng mabilis itong agawin sakin ni Grey.

"You can't drink kid." Sambit nito at ibinalik sa plastic ang beer.

Tumayo ito at bumalik sa loob ng kotse. Maya maya pa ay bumalik na ito at inabot sakin ang dalawang sterilize na gatas.

"Gatas nanaman." Kumakamot na reklamo ko dito.

"Milks are good for kids." Sagot nito at muling naupo sa kaning pwesto nya.

Wala akong choice kundi inomin nalang ang gatas habang nakatanaw sa kumikinang na tubig ng dapat. Malinaw ang buwan kaya maganda ang repleksyon ng ilaw nito sa dagat. Kalmado rin ang tubig sa dapat at tahimik ang lugar kaya masyadong relaxing ang lugar na ito.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon