BIKGV-10

4.4K 147 8
                                    

"Ano ba naman kaseng naisip mo at nagpakalasing ka?! Tingnan mo ngayon...ni hindi mo kayang hubarin ang sapatos mo! Usog nga!"

Para akong nanay na sinisermonan ang lasinggerang anak. Panu ba naman paglingon ko kanina ay ang lasing na si Grey ang sumalubong sakin. Halos susuray-suray itong naglalakad at hindi ko kayang isipin na nagdrive sya na ganun ang lagay. Ni hindi ba sya marunong magpahalaga ng buhay nya at talagang umuwi pa sya ng ganto kalasing? Pwede naman syang magpasundo marami naman silang driver.

"Sabing umusog ka Grey kundi mahuhulog ka dito sa kama mo!" Pinilit kong iusog si Grey pagitna para hindi sya mahulog. Medyo nahirapan akong iusog sya dahil mas malaki sya sakin, mabuti nalang at nakinig ito at medyo umusog ng konte.

"Tagilid ka! Payat ka din naman pero ang bigat mo, tagilid nga!" Hinubad ko ang suot nitong jacket para mas komportable syang matulog. Balak ko rin sanang hubarin ang pants nya pero tuwing naiisip ko na hindi straight si Grey ay parang pakiramdam ko illegal ang gagawin kong iyon.

Umupo ako sa gilid ng kama para ayosin ko ang unan ni Grey at alisin ang suot nitong relo.

"Ang baho mo amoy alak ka! Dito kalang kukuha ako ng pamunas."

Tatayo na sana ako para kumuha ng pamunas sa kanya ng hawakan nito ang kamay ko.

"Hmm.." she groans.

"Kukuha lang ako ng pamunas." Sinubukan kong alisin ang kamay nya sa braso ko pero mas hinigpitan nya lang ang pagkakahawak sakin.

"Kukuh--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla ako nitong higitin pahiga sa kama nya at mahigpit na niyapos ng mga braso nya.

"Stay with me...please, don't leave."

Hindi ko alam kung paano ako gagalaw ngayon dahil sa posisyon namin ni Grey. Mahigpit ang yakap nya sakin gamit ang isa nyang kamay habang hawak hawak naman nya ang isa kong braso. Nakatagilid ako paharap sa kanya at sobrang lapit ng mukha ko sa leeg nya.

Amoy na amoy ko ang mabango nyang pabango na humalo sa amoy ng alak na ininom nya. Rinig ko ang bawat paghinga nya at ramdam ko iyon sa ulo ko.

Pinilit kong gumalaw para tumayo at umalis sa pagkakayakap nya pero tuwing gagalaw ako ay mas lalo nyang hinihigpitan ang kapit sakin.

Parang tuko namam tong si Grey kung makadakit.

Chansing ka Grey ah!

Muli akong tumihaya ng dahan dahan pero kinabig lang nito ang bewang ko dahilan upang bumalik ako sa dati kong posisyon na nakatagilid paharap sa kanya.

"Don't leave..." Mahinang sambit nito habang nakapikit parin ang mga mata.

Iniisip ko ang dahilan kung bakit nya akong umalis ngayon sa tabi nya. Mainit palagi ang ulo nya sakin at halos baliin nya na ang maliliit kong buto tapos ngayon kung makakapit daig pa ang tuko.

Nag angat ako ng tingin sa mukha ni Grey at nakitang tulog na tulog ito. Ang ganda talaga ng mukha nya. Kung titingnan mo sya ngayon habang natutulog iisipin mo na mukha syang anghel kabait pero tuwing gising naman sya...nvm.

Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko na medyo naiipit ng katawan namin ni Grey dahil sa mahigpit na yakap nito. Mukang malalim naman ang tulog nya kaya marahan kong hinaplos ang mukha nito.
Ang kinis at ang lambot ng kutis nya. Pidaosdos ko naman ang daliri ko sa ilong nito pababa sa may labi nya.

"Dimo naman agad sinabi na crush mo pala ako Grey." Natatawang bulong ko dito habang nakatingin parin sa mukha nya.

"Hmm.." Mabilis kong ibinaba ang kamay ko ng marahan itong dumaing. Nagbaba rin ako ng tingin dahil baka bigla itong magmulat at makita nya pang nakatingin ako sa mukha nya.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now