BIKGV-30

3.4K 129 22
                                    

"Thank you Ma'am." Hawak ang librong hiniram ko ay lumabas ako ng library. Mag isa lang ako ngayon dahil pinauna ko nang umuwi si Sydney. May reporting kase kami sa isang subject namin at isa ako sa mga magrereport next week kaya kailangan ko ng magsimulang pag aralan ang topic ko.

"Nerd tabi!"

Hindi paman ako nakakalingon sa kung sinong sumigaw sa likod ko ay meron ng bumangga sa balikat ko kaya napasalampak ako sa sahig at nabitawan ang librong hawak ko.

"Sinabi na kaseng tumabi!" Singhal sakin ng kaklase kong si Mitchi bago ako iniwan.

"Grabe kasalanan ko pa." Nasabi ko nalang habang pinupulot ang librong nahulog ko.

Alas sais na ng hapon at konte nalang ang studyante dito sa IU dahil hanggang alas kwatro lang naman ang pasok ng Jr high. Liliko na sana ako sa isang corridor ng makita ko si Grey na naglalakad na parang may hinahanap.

Tumalikod agad ako at naghanap ng ibang pwedeng daanan palabas ng building namin para hindi ko sya makasalubong. Lakad takbo ang ginawa ko pero mukang malakas ngayon si Grey sa itaas kaya naabotan nyako.

"Zerah." Hinawakan nito ang kamay ko para huminto ako sa paglalakad. Lumingon naman ako dito at tiningnan sya na parang inosente.

"Grey, ikaw pala. May kailangan kaba?"

"Bakit hindi kapa umuuwi?"

Itinaas ko ang librong hawak ko para ipakita sa kanya ang dahilan kung bakit nasa school parin ako. Tiningnan naman nya ito at mukang nakuha naman nya ang gusto kong sabihin.

"Halika na. Maggagabi na kaya ihahatid na kita." Pagpepresenta nito.

"Hindi na kaya ko namang umuwing mag isa. Mauna nako." Paalam ko sa dito at tatalikoran na sana ito pero muli ako nitong pinigilan.

"Ihahatid na kita." Maawtoridad na saad nito.

"Kaya ko ngang mag isa." Medyo napipikon naman na tugon ko.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabing ihahatid na kita." Nauubosan ng pasensyang sabi nito.

"Bakit ba ang kulit mo? Sabing kaya ko ngang mag isa!" Inis na sagot ko naman.

Tumahimik ito ng ilang saglit bago huminga ng malalim.

"Baby please...ihahatid na kita." Pagpapakumbabang sabi nito.

Napabuntong hininga nalang ako bago napipilitang tumango dito. "Okay."







"Hindi pa ba tayo aalis?" Mahigit limang minuto na kami sa loob ng sasakyan nito pero mukang wala parin syang balak na paandarin ang sasakyan nya.

"There's nothing between me and your Ate. We're over." Biglang usal nito na medyo ikinagulat ko.

Seryoso akong lumingon dito kaya nagsalubong ang mga tingin namin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Zerah matagal na kaming wala ng Ate mo. From the day she left without a single word I considered our relationship over." Huminto ito sa pagsasalita at sumandal sa upoan. "At first it was hard... I can't accept the fact that she dump me without even saying it. I know it was my fault... marami akong pagkukulang. I was never a good girlfriend for her when all she did was to love and be faithful to me."

Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa mga sinasabi nito.

"I only realized how worth it she was when she's already gone. I was mad at her to the point that I cutted all of connections...but despite of that, I always hope she'll comeback." Hindi ko maiwasang malungkot dahil ramdam ko ang sinsiredad sa tono ng boses nito. "I never had a serious relationship after her." Dagdag nito na nagpaisip sakin.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now