BIKGV-4

5.2K 175 1
                                    

"Sige na Zerah pumayag kana, pleaseeee." Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako napipilitang tumango kay Sydney.

"Yesss! Wala ng bawian." Natutuwang sambit nito.

Meron kase kaming exam sa susunod na linggo at itong si Sydney ay nakiusap na sa bahay nila ako mag overnight bago ang exam para maturuan ko sya ng mga lesson namin dahil mas naiintindihan nya pa umano ako kesa sa mga teachers namin.

Hindi sana ako papayag dahil baka magkita kami ng pinsan nyang dragon pero dahil madalas naman itong wala sa bahay nila at masyadong makulit si Sydney ay pumayag na lang ako. Hindi naman siguro kami magtatagpo sa bahay nila dahil bukod sa sobrang laki non ay palagi namang wala doon ang pinsan nyang si Grey tuwing nadadalaw ako sa kanila.

"Ipagpapaalam pa ba kita kay Tita?" Tanong sakin ni Sydney habang inaayos ko ang mga gamit ko.

"Oo para narin hindi na si mama magtanong ng marami."

Kapag kase aalis ako ng bahay at hindi naman sa school ang punta ko ay masyado pang maraming tinatanong si mama. Pero kapag si Sydney ang nagpaalam para sakin ay mabilis lang itong pumayag dahil tiwala umano sya kay Sydney at halatang marunong tao daw ito.

"Sumabay kana lang sakin mamaya para maipagpaalam na kita." Tinanguan ko nalang si Sydney sa sinabi nito.

Ayos lang naman sana kahit sa susunod na araw nya pa ako ipagpaalam dahil sa susunod na linggo pa naman iyon.

PE class namin ngayon at kakatapos lang naming magbihis ng PE uniform namin. Kulay gray na pants ang PE uniform namin dahil terno ito sa uniform namin na gulay gray rin ang skirt. Merong white na linya pababa sa gilid ng pants namin. Kulay puti na may design na kulay gray naman na pa slant ang t shirt namin. Meron rin itong maliit na logo ng school namin sa parteng gilid.

Muli kong tinali ng maayos ang buhok ko at inayos ang suot kong salamin bago pumunta sa school gym kasama si Sydney.

"Tuturuan raw tayong magvolley ball ngayon, excited nako!" Natutuwang sambit ni Sydney habang papunta kami sa gym.

Kung si Sydney ay natutuwa kabaliktaran naman ang nararamdaman ko. Hindi ako marunong maglaro ng volleyball o kahit anong ball games. Kapag nakikita kong palapit na sakin ang bola ay namemental block ako at napapako sa kinatatayuan ko ng hindi alam ang gagawin. Isa yon sa mga dahilan kung bakit ayaw ko ng PE subject.

"Okay class magsilapit kayo dito!" Tawag samin ni Sir Sulpico, ang PE teacher namin.

"Since naituro ko naman na sa inyo ang lahat ng tungkol sa volleyball kasama na ang history at rules and regulations ng volley ball ay pagaaralan naman natin ang uri ng pagseserve." Paliwanag samin nito habang hawak ang isang bola ng volleyball.

"Okay ang una ay ang underarm serve....." Ipinaliwanag samin ni Sir Sulpico kung paano ginagawa ang underarm serve pagkatapos ay pinakitaan kami nito kung paano iyon ginagawa.

Nilingon ko ang katabi kong mukang tuwang tuwa habang pinapanuod kung paano ginagawa ang pagseserve na iyon habang ako naman ay halos lamunin na ng kaba dahil baka mapahiya ako mamaya kapag pinaglaro na kami.

Syempre kinakabahan din kaming matatalino. Hindi naman madadala ng math formula ang pagserve ng bola.

"Ngayon kayo naman ang gagawa isa isa..." Matapos ipaliwanag ni Sir Sulpico ang tatlong types ng pagseserve ng bola ay pinapila na kami nito isa isa, syempre according sa height.

Kung inaakala nyong nandon ako sa pinakaunahan ay nagkakamali kayo, dahil andon ako sa pang apat. Technically, I'm not the smallest in the class.

Isa isa naming susubukan ang mga tinuro ni Sir at syempre lahat ng yon ay may grades.

Unang sumubok ang pinakamaliit sa amin at halos magulat ako ng ang lakas palang tumira non. Ano kayang tinitira nya at ang lakas nya?

Nanginginig ang mga paa kong hinakbang ito papunta kung saan si sir. Inabot nito sakin ang bola at tinanggap ko naman iyon na puno ng pag aalinlangan.

"Ayos kalang Zerah?" Tanong sakin ni Sir ng makitang mukang kinakabahan ako.

"Kaya mo yan, wag kang masyadong kabahan." Pagpapakalma sakin nito na tinanguan ko naman.

Hindi pumasok ang subok ko ng unang pagserve pero ang mga sumunod naman ay nakapasok. Ngumiti sakin si sir dahil don kaya medyo nabawasan na ang kaba ko.

Sunod sunod na nagsisubok ang mga kaklase ko habang ako naman ay nanunuod nalang sa gilid. Nasa may hulihan si Sydney dahil medyo matangkad sya sakin, hanggang tenga nya kang kase ako.

Tuwang tuwa itong nag serve ng bola at nakakamangha dahil lahat pumasok.

Nang konte nalang ang magseserve ay pumasok si Ma'am Aguas sa loob ng gym at tinawag si Sir Sulpico. Sumenyas naman si sir na saglit lang at pinatapos muna ang mga magseseve.

Nang matapos na ang lahat ay hinati kami nito sa apat na grupo at isa isa munang maglalaban ang bawat grupo. At sa kamalas malasan ko ay kasali ako sa grupo ng unang maglalaro. Mukang buong laro nanaman akong iilag.

Iniwan naman na kami ni Sir at lumapit na kay Ma'am at mukang may pinag uusapang importante.

Nagsimula nang magserve ang kabilang grupo at laking pasasalamat ko ng hindi iyon sa gawi ko napunta. Matagal na ang naging rally ng bola ng biglang magspike ng malakas ang kagrupo ko kaya nakascore kami.

Habang abala kami sa paglalaro ay napansin kong may dalawang babaeng pumasok sa gym. Nakasuot ng uniform nila si Celeste at Grey. Kulay puting longsleeve ang uniform nila na itinuck-in sa mini skirt na kulay grey at kulay grey na blazer. Meron ring kulay grey na necktie. Bagay na bagay sa kanila ang uniform nila dahil matangkad sila at payat.

Medyo magkapareho ang uniform ng jr highschool sa kanila dahil kulay puting na long sleeve din ang close namin na nakatuck in sa skirt na kulay gray. Sa senior high school naman ay kulay puting blouse na may gray na necktie na tinernohan ng kulay gray na fitted skirt.

Kitang kita ko kung paano dumapo ang tingin ng kulay abong mga mata ni Grey sa akin habang naglalaro ako. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa mga titig nito.

"Go Zerahhh!" Malakas na cheer sakin ni Sydney na nanunuod sa gilid dahil mamaya pa maglalaro ang grupo nila.

Nagserve na ang kagrupo ko at nasalo iyon ng kabilang grupo. Katulad kanina ay medyo matagal ang naging rally ng bola pero sa hindi inaasahan ay nagspike ng malakas ang kabilang grupo dahilan kaya hindi ko agad nakita ang bola na papunta sa gawi ko.

"Zerahh!!" Malakas na sigaw ni Sydney ng bumagsak ako sa sahig. Mabilis ako nitong dinaluhan at ganun din ang iba kong mga kaklase.

Pinulot ko ang salamin ko na bumagsak sa sahig para suotin muli. Pansin kong may konteng basag na iyon sa kabila. Mukang bibili na ako ng bagong salamin.

"Sorry Zerah hindi ko sinasadya." Nag aalalang paghingi ng paumanhin ng kaklase ko na syang nagspike ng bola.

Sobrang sakit ng pagtama ng bola sa ulo ko pero masakit rin ang likod ko dahil sa naging pagbagsak ko. Mabuti nalang at hindi gaanong naging malakas ang pagbagsak ng ulo ko kung hindi baka kung ano ng nangyari sakin.

"Bakit mo naman kase nilakasan masyado?!" Galit na sigaw ni Sydney sa kaklase namin na ngayon ay nakayuko nalang.

"What happened?!" Tanong naman ng PE teacher naming si Sir Sulpico ng makalapit ito samin.

Sapo sapo ko ang noo ko na tinamaan ng bola. Nakita kong lumapit na din samin si Ma'am Aguas habang nakatingin sakin at halatang nag aalala.

"Kaya mo bang tumayo Zerah?" Tanong sakin ni Sir na tinanguan ko nalang.

"Let's bring her to the clinic." Suhestiyon ni Ma'am Aguas na tinanguan naman ni Sir.

Inalalayan ako ni Sydney at ni Sir Sulpico habang papunta sa clinic. Nakasunod naman samin si Ma'am Aguas.

"Stupid." Rinig kong usal ni Grey ng dumaan kami sa tabi nila habang naiiling iling na nakatingin sakin.

Sinamaan ko naman ito ng tingin habang sapo sapo ko parin ang noo ko pero mukang wala lang iyon sa kanya.







Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now