BIKGV-14

4.1K 151 6
                                    

"Zerah gising na tanghali na." Nagising ako dahil sa pagyugyog ni mama sa balikat ko.

"Inaantok pako Ma." Humihikab na sagot ko dito bago muling gumulong padapa sa kama ko.

"Aba't mag aalas dyes na ng umaga Zerah bumangon kana dyan at nang mamakakain kana. Bakit ba naman kase madaling araw na kayong umuwi ni Sydney?"

Medyo napatagal ang tulog ni Grey kagabi kaya madaling araw na kami nakauwi. Pagdating namin sa bahay ay sinalubong agad kami ni mama. Pinakilala ko si Grey bilang pinsan ni Sydney dahil totoo naman iyon pero nagsinungaling ako kay mama na kasama namin si Sydney kagabi at nakatulog lang sa sasakyan kaya hindi bumaba.

"Susunod nalang ako sa baba ma." Tinatamad pang sabi ko habang nakapikit ang mata.

"Oh s'ya sige, bumangon kana dyan."

Rinig ko ang paglabas ni mama sa kwarto ko kaya muli akong nagtalukbong ng kumot at natulog.

Linggo ngayon kaya walang pasok. Wala naman akong planong gawin ngayon maliban sa pag aaral kaya hindi naman siguro masama kung matutulog muna ako ulit. Inaantok pa talaga kase ako.

Hindi paman nagtatagal ang pag idlip ko ng maramdaman ko nanaman ang pagyugyog ni mama sa balikat ko.

"Five minutes pa ma." Inaantok na sagot ko dito habang nakapikit.

Hindi sumagot si mama at muling niyugyog ang balikat ko ng mas malakas. Imbis na makatulog ako ay parang nawala pa ang antok ko dahil sa malakas na pagyugyog ni mama.

"Mama naman kase..." Parang batang naiiyak na sabi ko.

"Don't call me mama, call me mammeh if you want."

"Aray!/Ouch, the fvck!" Sabay na daing namin dahil sa biglaang pagbangon ko.

"Bakit ka nandito?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Akala ko si mama ang gumigising sakin pero hindi ko inaasahan na si Grey pala iyon. Tyaka ano bang ginagawa nya dito?

"Don't ask. Take a bath and brush your teeth, your smell sucks." Sagot nito at umupo sa paanan ng kama ko.

Mabilis naman akong but bumangon at tumakbo palabas ng kwarto para magtoothbrush. Gagi naman kase tong si Grey hindi nagsabi na pupunta sya rito.

Pagkatapos kong magtoothbrush ay naligo nako. Nakatapis lang ako ng twalya papunta sa kwarto ng maalala ko na andon pala si Grey.

Hindi ko tuloy alam kung paano ako papasok ng hindi nya nakikita. Maliit lang kase ang kwarto ko at wala akong sariling banyo don kaya imposible na hindi nya ako makita pag pumasok ako.

"Oh Zerah ano pang sinisilip silip mo dyan? Bilisan mo na at nag aantay ang bisita mo." Saway sakin ni mama ng makita ako.

Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papasok sa kwarto. Naabotan ko si Grey na nakahiga sa kama ko at nakapikit ang mga mata. Mukang nakatulog sya kaya nakahinga ako ng maluwag at nagmadaling kumuha ng damit.

"Are you familiar with turon?" Lumingon ako kay Grey ng bigla itong magsalita at nakitang nakapikit parin ito.

"Oo naman..." Sagot ko sa kanya. Paboritong meryenda ko yon kaya alam ko yon.

"You look like turon." Pinukol ko ito ng masamang tingin dahil sa sinabi nya kahit pa alam kong hindi nya naman ako nakikita dahil nakapikit sya.

Hindi ko na sya kinibo at nagbihis nalang. Dolphin short lang ang suot ko ay shirt na may design na maliit na panda.

Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay napansin ko na bumangon si Grey.

"Yan ang susuotin mo?" Nagtatakang tanong nito sakin.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now