BIKGV-7

4.6K 170 10
                                    

Nagising ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago sinuot ang salamin ko. Inabot ko ito sa tabi ng kama pagkatapos ay tiningnan kung sino ang nagtext at nakitang si mama iyon. Tinatanong nya kung papasok na ba ako sa klase.

Halos lumuwa ang mga ko ng icheck ko ang oras ay mapansing malapit ng mag alasyete ng umaga. Napabalikwas ako ng bangon at malakas nanniyugyog ang katawan ni Sydney para magising na ito.

"Syd wake up!" Panggigising ko dito. Masyado kaseng tulog mantika kaya mahirap gisingin.

Muli kong niyugyog ang balikat nito pero tumagilid lang ito ng higa.

"Malilate tayo Syd, gising na!" Pag hindi pa talaga to nagising papaliguan ko sya dito mismo sa kama nya.

"Hmm..." nag unat unat muna ito bago nagmulat ng mga mata.

"Bakit ba?"

"Anong bakit ba? Tingnan mo!"

Itinapat ko sa mukha nito ang cellphone ko para makita nya kung anong oras na at katulad ko ay nagulat din ito. Mabilis itong bumangon sa pagkakahiga pagkatapos ay tumakbo papuntang bathroom.

"Sa guestroom kana maligo Zerah para mabilis tayo!" Sigaw nito bago tuluyang makapasok sa bathroom.

Lumabas na ako ng kwarto ni Sydney para pumunta sa guestroom na malapit sa kwarto nya. Hindi iyon nakalock kaya pumasok na agad ako.

Kahit nagmamadali ako ay hindi ko maiwasang tingnan muna ang palibot ng buong guestroom dahil sobrang laki din nito ang kompleto ang gamit. Malaki din ang kama at may sariling tv.

Pagpasok ko sa bathroom ay kompleto din ang mga gamit at halata mong bago pa. Kumuha ako ng toothbrush na hindi pa nagagamit at nagsipilyo muna bago magshower.

Inabot ko ang twalya na nakasabit sa gilid pagkatapos ay pinunasan ang katawan ko na basang basa dahil kakatapos ko lang maligo. Magbibihis na sana ako pero agad kong nasapo ang noo ko ng maalalang naiwan ko pala ang damit ko sa kwarto ni Sydney.

Nagtingin tingin ako kung may damit ba akong pwedeng suotin dito pero isang kulay puting roba lang ang nahanap ko. Dahil wala akong choice ay isinuot ko na iyon pagkatapos ay ipinulupot ang twalya sa ulo ko at muling sinuot ang salamin ko.

Sinilip ko muna kung may tao ba sa labas ng guestroom. Nang makita kong walang tao ay agad na akong lumabas at nagmadaling maglakad.

Ngunit bigla nalang akong napahinto ng matapat ako sa isang kwarto na medyo nakaawang ang pinto.

Dahil sa medyo may pagkachismosa ay si sinilip ko kung anong nasa loob ng kwarto at ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita si Grey na nakasuot lamang ng brallete at cycling. Nakataligilid ito sa gawi ko habang inaayos ang pagkakasuot ng brallete nya.

Napasinghap na lamang ako ng magawi ang tingin ko sa mahaba at makinis nitong legs. Ang puti nya at parang ang soft soft ng kutis nya.

Aalis na sana ako para tumuloy na sa kwarto ni Sydney ng bigla naman akong sinapian ng katangahan. Paalis na sana ako kaso bigla kong nasagi ang pinto dahilan upang maagaw ko ang atensyon ni Grey.

Halata ang gulat sa mukha nito ng makita ako pero agad rin naman iyong napalitan ng galit.

"H-hindi ko sinasadya." Agad na depensa ko sa sarili ko.

"Peeping, huh!" She said and arch her brow.

"O- h-hindi," sagot ko naman dito habang nakataas ang dalawang kamay.

"Really nerd?"

"H-hindi ako naninilip no!"

Marahan itong naglakad papalapit sakin habang nakangiti. Pero hindi iyon yung klase ng ngiti na nakakatuwa o masisiyahan ka. Isang iyong ngiti na sana hindi nya nalang ginawa.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat