BIKGV-25

3.4K 112 6
                                    

Sabado ng umaga at napag utosan ako ni mama na muling tumao muna sa convenience store namin dahil late na makakapunta ang cashier namin dahil may emergency umano ito.

"Ang aga aga nakabusangot ka baka wala tayong maging customer maghapon." Sabi ni Ivan ng makitang nakatunganga ako sa counter.

"Hystt! Kailan ba darating yung cashier?" Bored na tanong ko kay Ivan.

"Otw na daw kaya wag kanang mainip, mamaya makakauwi kana at mayayakap ang mga libro mo." Mapang asar na sagot nito sakin.

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Masaya dahil uuwi na si ate pagkatapos ng ilang taon at malungkot dahil hindi parin tumatawag o kahit text man lang so Grey. Hindi ko tuloy alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon.

"Hoi! Busangot kana naman." Ani Ivan matapos akong sikohin.

"Alangang tumawa ako ng mag isa dito." Pambabara ko sa kanya na tinawanan lang nito.

Magkakalahating oras pa ang itinagal ko sa convenience store namin bago dumating ang cashier. Agad akong nagpaalam sa kanila ng dumating ito at umalis na ng convenience store.

Napagdesisyonan ko na pumunta kila Grey dahil hindi ito nagreply ng itext ko sya kanina. Tinanong ko naman si Sydney kung may problema ba si Grey pero hindi nya naman alam. Ayon pa sa kanya ay umalis daw si Grey kagabi at hindi nya alam kung anong oras umuwi kaya hindi ko tuloy maiwasang hindi mag alala.

Pinara ko ang taxi at agad na sumakay dito. Sinabi ko ang address ng bahay nila Grey at tinext si Sydney na darating ako.

Agad akong pinapasok ng guard dahil kilala naman na ako dito at sanay na sila na pumupunta ako dito. Pagpasok ko sa loob ay agad akong umakyat para sana pumunta sa kwarto ni Sydney pero bigla kong naisip na sa kwarto nalang ni Grey tumuloy.

Pagdating ko sa tapat ng kwarto nya ay nakabukas ang pinto kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumasok. Naalala ko pa ang unang beses na makapasok ako sa kwarto ni Grey pati na ng makita ko syang nagbibihis dito.

"Grey?" Tawag ko sa kanya habang nililibot ang paningin sa kwarto nya.

Lumapit ako sa isang pinto at sinubukang buksan iyon para tingnan kung nandon ba si Grey.

"Grey?!" Napagalaman ko na walk-in closet pala iyong nabuksan ko kaya agad ko ring sinara. Sinubukan ko ring kumatok sa bathroom ng kwarto nya pero wala rin sya sa loob non.

Nilibot ko nalang ang kwarto ni Grey habang hinihintay sya na dumating. Malinis at maayos ang mga gamit dito sa loob ng kwarto ni Grey. Kulay Grey at puti naman ang karaniwang kulay na makikita dito.

Habang nililibot ko ang tingin sa buong kwarto nya ay naagaw ang pansin ko ng isang picture frame na nakataob sa ibabaw ng mini table nya. Nilapitan ko ito at kinuha para tingnan ang larawan pero mukha lang ni Grey ang makikita dito. Nakasuot sya ng formal na damit, tuxedo na kulay puti, habang ang katabi naman nya ay nakasuot ng dress na kulay puti rin.

Napakunot ang noo ko dahil mukang pamilyar sakin ang damit na iyon pati na rin ang katawan ng babae dahil may takip ng kulay navy blue na sticker ang mukha ng babae sa picture.

Balak ko sanang alisin ang sticker na nakatakip sa mukha ng babae sa picture ng biglang dumating si Grey.

"Zerah?" Gulat na tawag nito sakin.

"Grey..." Ibinaba ko ang picture frame at lumapit sa kanya.

"What are you doing here?" Nagtatakang tanong nito.

"Hindi ka kase sumasagot sa tawag at text ko kaya naisip ko na puntahan ka nalang dito. May problema kaba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito sakin bago lumapit at hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. "Do you miss me?" Tila nang aakit na tanong nito.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now