BIKGV-6

4.7K 176 8
                                    

"Sakto kaseng pauwi na din sya non tapos dadaan lang naman sya don kaya pinasabay na kita." Pagpapaliwanag ni Sydney ng sumbatan ko sya kung bakit ang pinsan nya ang pinasundo nya sakin kahit pa alam naman nyang sobrang init ng dugo sakin non.

"Kahit na, marami naman kayong driver sana sila nalang pinasundo mo. Halos patayin na kaya ako ng pinsan mong yon!"

"Ganun talaga magmaneho yon akala mo may siyam na buhay but don't worry magaling magmaneho yon."

"Oo na lang." Sagot ko dito.

Hinalungkat ko ang mga dala kong gamit sa skwela para ihanda na ang mga gagamitin ko mamaya para turoan si Sydney. Nagbasa basa na rin ako ng konte para mamaya ay sya nalang ang pagtutuunan ko ng pansin.

Habang abala ako sa pagbabasa ng mga notes ko ay may biglang kumatok sa labas ng pinto ni Sydney.

"Pasok!" Sigaw ni Sydney na abala sa laptop nya.

"Miss Sydney kakain na daw po." Sabi ng katulong nila ng makapasok ito sa kwarto ni Sydney.

"Sige susunod kami." Sagot ni Sydney ng hindi lumilingon dito.

Itinabi ko muna ang notebook na hawak hawak ko ng makalabas na ang katulong nila. Isinara na rin ni Sydney ang laptop nya at tumayo na.

"Tara Zerah." Magkasunod kaming bumaba ni Sydney papunta sa dining area.

Nakaupo sa dulo ng isang mahabang mesa si Tito Fred at nasa kaliwang parte naman nito si Tita Veronica habang nasa kanan naman si Grey.

"Zerah, kamusta kana hija?" Tumayo si Tita Veronica at lumapit sakin para yakapin ako.

"Ayos lang naman po ako, good evening po." Sagot ko naman dito.

"Good evening po Tito." Bati ko kay Tito Fred. Ngumiti naman ito sakin bago ako binati pabalik.

"Anyway here's my daughter Grey, I think this is the first time you see each other right?" Pagpapakilala ni Tita Venorica kay Grey sakin.

"Ahh op--"

"We already know each other Mom, let's just eat." Malamig at tila walang ganang singit naman ni Grey.

Kahit pala kila Tita ay ganun sya makipag usap.

Umupo so Sydney sa tabi ni tita Veronica at naupo naman ako sa tabi ni Sydney. Habang kumakain kami ay kinumusta ni Tito Fred ang pag aaral namin ni Sydney. Maiksi lang ang mga naging sagot ko dito dahil naiilang ako kay Grey, kanina pa kase sya sulyap ng sulyap sakin. Akala nya siguro hindi ko sya nakikita pero nagkakamali sya.

Konteng sulyap nalang talaga iisipin kong may gusto sya sakin.

"How about you Grey?" Napatingin ako kay Grey ng balingan ito ni Tito Fred ng tanong.

"School is fine Dad." Sagot nito ng hindi inaalis ang mga tingin sa pagkain.

Natapos ang pagkain namin ng halos si Tita Veronica at Sydney lang ang nagsasalita. Sumasagot lang ako kapag tinatanong nila ako pero kung hindi naman ay hindi na ako nagsasalita. Nakakaconscious kase masyado ang mga tingin ni Grey.

Mukang ako yata ang gusto nyang kainin.


"Aakyat na po kami Tita kailangan pa po kase naming mag aral." Tumango samin si Tita Veronica ng magpaalam na kami ni Sydney na aakyat na.

Pagdating namin sa taas ay nagsimula na agad kaming mag aral. Isa isa kong pinaliwanag sa kanya ang mga dapat nyang malaman at maintindihan. Tinanong ko naman sya kung saan sya nagugulohan pagkatapos ay ipinaliwanag ko ito sa kanya para mas maintindihan nya.

Hindi naman mahirap turoan si Sydney. Sa totoo lang matalino din naman sya sadyang hindi lang sya kaseng bilis matuto ng iba o baka depende din talaga sa nagtuturo.

Pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya ang mga lesson namin ay tinatanong ko sya ng mga posibleng tanong sa exam namin at natuwa naman ako ng nasasagotan nya ang lahat ng tinatanong ko.

"Sabi ko naman sayo hindi ka masyadong mahihirapang intindihin to." Komento ko sa kanya matapos ang tanongan naming dalawa.

"Magaling kalang talagang magturo Zerah." Pambobola naman nito.

Tatlong oras lang ang ginugol namin sa pag aaral pagkatapos ay napagdesisyonan naming manuod nalang ng movie. Mabuti nalang at may tv naman sa kwarto nya kaya hindi na namin kailangang bumaba sa sala.

Kumuha muna ako ng popcorn, chips at juice sa baba para may makain kami habang nanunuod. Samantalang si Sydney naman ay inaayos na ang papanuorin naming palabas. Horror movie ang napili nyang panuorin kaya pinatay namin ang lahat ng ilaw kaya ang Tv nalang ang syang nagbibigay ng ilaw sa kwarto nya.

Nasa kalagitnaan kami ng panunuod kung saan masyadong exciting at nakakatakot ang mga palabas ng mapansin kong wala na palang laman ang juice ko.

"May juice kapa?" Tanong ko kay Sydney na tutok na tutok sa pinapanuod namin habang yakap yakap ang unan na ginagamit nyang taguan tuwing may magpapakitang multo.

"Ubos na." Sagot nito ng hindi lumilingon sakin.

"Ubos na din sakin, kuha ka sa baba."

"Ano? Ikaw nalang!"

"Ikaw na!"

"Ikaw na nga lang!"

"Ikaw na kase!"

"Natatakot akong bumaba, atleast dito kung may magpapakita mang multo magtatalukbong lang ako ng comforter okay na."

Natatakot man ako ay wala na rin akong nagawa kundi ang bumaba na Lang sa kusina para kumuha ng juice.

Hating gabi at halos tulog na ang lahat ng tao sa buong bahay pati na ang mga kasambahay maliban sa mga guard nila. Nakapatay na rin ang ilaw sa sala pati na rin sa ibang mga kwarto. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko dahil madilim na at baka mahulog pako sa hagdan ang taas taas pa naman non.

Pagdating ko sa kusina ay nadatnan kong nakabukas ang ilaw. Dederetso na sana ako sa fridge ng mapansin ko si Grey na nagtitimpla ng kape nya. Nagtago muna ako sa gilid upang hindi nya ako makita at pinanuod itong seryosong naghahalo ng kape nya.

Maya maya pa ay iniwan nito ang kape nya sa ibabaw ng mesa at pumasok sa isang pinto ng kusina nila na hindi ko alam kung ano ang nasa loob.

Mabilis akong umalis sa pinagtataguan ko at kumuha ng dalawang soda sa loob ng fridge nila at isang maliit na bottled mineral water para dalhin sa kwarto ni Sydney dahil wala na akong balak na bumaba ulit.

Pagkatapos kong makuha ang mga kailangan ko ay kinuha ko ang bote ng suka pagkatapos ay ibinuhos ko ito sa kape na tinimpla ni Grey. Hinalo halo ko muna ang kape nya bago ibinalik ang suka kung saan ko ito kinuha.

Narinig kong pumihit ang pinto kung saan pumasok si Grey kanina kaya nagmadali ako sa paglagay ng suka at mabilis na tumakbo palabas ng kusina.

Muli akong nagtago sa madilim na parte sa labas ng kusina tyaka binuksan ang flashlight ng phone.

Nakangiti akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ni Sydney. Pagdating ko sa kwarto ay inilapag ko na agad ang mga kinuha bago tumabi kay Sydney.

"Bakit ngingiti ngiti ka dyan?" Nagtatakang tanong sakin nito ng makitang nakangiti ako.

"Nakita ko si Grey sa kusina."

Mas lalong kumunot ang noo nito dahil sa naging sagot ko sa kanya.

"Diba ayaw mo kay Grey, bakit nakangiti ka?" Takang tanong parin nito.

"Nakita ko syang nagtitimpla ng kape kaya habang nandon ako sa kusina ay nagkaroon ako ng ideya kung paano nakakaganti ang kyut na katulad ko." Nakangiti at taas noong sagot ko sa kanya.

"Anong ginawa mo kay Grey?"

Ngumiti muna ako kay Sydney bago sinagot ang tanong nito. Sabay kaming tumawa ng malakas ng ikwento ko sa kanya ang ginawa ko.

Ano ka ngayon Khione Grey?

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Where stories live. Discover now