BIKGV-26

3.2K 108 18
                                    

Hinintay muna ni Grey na makapasok ako bago ito umalis. Inaya ko syang tumuloy muna pero tumanggi ito.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong nagtaka dahil sa mga maletang nasa sala. Nakarinig naman ako ng ingay mula sa kusina na parang may kausap si mama kaya agad akong nagtungo rito.

Labis ang pagkagulat ay sayang naramdaman ko ng makita kung sino ang kausap ni Mama.

"Ate!" Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap ito ng mahigpit.

"Sissy!" Masayang tugon nito ng yakapin ko sya. "Grabe dalaga kana." Sabi pa nito habang yakap ako.

"Namiss kita ate..." Malambing na sabi ko at hindi parin kumakalas ng yakap.

"I miss you too Sissy." Masayang tugon nito.

"Oh tama na ang yakapan at baka magkapalit na kayo ng mukha." Natatawang biro samin ni mama.

"Ayos lang ma magkamukha naman kami ni Sissy." Natatawang sagot naman dito ni Ate bago kumalas sakin ng yakap.

"Mabuti pa'y kumain nalang tayo." Pag aaya ni mama habang naghahanda ng pagkain.

Masaya kaming kumain ng sabay sabay habang nagkukwentohan. Ilang taon na rin simula ng kumain kaming tatlo ng sabay sabay. Ilang taon na rin kaseng hindi umuuwi dito si Ate dahil sa ibang bansa sya pinag aral ng lola namin, ina ni papa.

"Dito kana ba mag aaral ulit Ate?"

"Oo Sissy, sabay na ulit tayong papasok."

Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Ate. Noong elementary pa ako ay sinasabay ako ni Ate papuntang school ko bago sya papasok sa school nya. Nagbago lang yon nung sa Irvine University na sya nag aaral dahil maaga ang schedule nya non kaya hindi nya ako nasasabay.

Noong nagcollege si Ate ay nagpresenta si Lola na paaralin si Ate sa ibang bansa kung saan sila nakatira ngayon. Noong una ay ayaw na ayaw ni Ate sa ideyang iyon pero isang araw biglang sya na mismo ang nagpresenta na sa ibang bansa mag aral. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko narin sya non natanong dahil masyadong mabilis ang naging pag alis nya.

Noong nasa ibang bansa na sya ay sobrang dalang naming mag usap dahil masyado syang busy at hindi rin nagtutugma ang oras namin. Noong una ay sobrang lungkot ko pero habang tumatagal ay medyo nasanay na ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagkwentohan pa muna kami sa sala. Kinuwento samin ni ate kung ano ang naging buhay nya sa ibang bansa at pati narin ang tungkol sa mga naging kaibigan nya doon.

Pagkatapos ng kwentohan sa sala ay sinamahan pa muna ako ni Ate sa kwarto ko at doon kami nagkwentohan ulit. Masyadong maraming kwento si ate dahil sobrang tagal rin naming hindi nagkausap.

Napansin ni ate ang mga bulaklak na sa kwarto ko kaya agad itong nagtanong kung kanino iyon galing. Sabi ko naman ay tyaka ko nalang sa kanya ipakilala kapag may pagkakataon. Tinanong nito ang pangalan pero hindi ko na sinabi dahil hindi nya rin naman kilala si Grey.

Pinilit pa ako ni Ate na magkwento tungkol umano sa manliligaw ko kinuwento ko sa kanya kung paano ko ito unang nakilala kaya grabe ang naging tawa ni ate. Medyo nainis lang ito sa part na sinaktan ako ni Grey ng mabangga ko sya pero agad rin naman iyong nawala.

Pinilit pa nito na sabihin ko sa kanya kung sino at ipakilala ko na umano sa kanya agad agad pero sinabi ko na darating rin naman kami sa parteng yon. Saka ko nalang ipapakilala si Grey kapag nasabi ko narin kay mama ang tungkol sa panliligaw nya.

Dahil usapang love life kami ni ate ay bigla nyang naikwento ang girlfriend nya umano bago sya umalis ng bansa noon. Nagulat pa ako dahil hindi ko alam na nagkakagusto rin pala sa babae ang ate ko pero agad rin naman akong nakabawi.

Sinabi rin ni Ate na ito ang dahilan kung bakit bigla nyang naisipan na umalis ng bansa noon at doon na sa ibang bansa mag aral. Meron umano silang hindi pagkakaintindihan at naging malabo ang relasyon nila. Natakot si Ate na baka makipaghiwalay na sa kanya ang girlfriend nya kaya ang ginawa nya ay umalis sya ng bansa ng hindi nagpapaalam dito.

Medyo tanga sya sa part na natakot syang makipaghiwalay sa kanya ang girlfriend nya pero iniwan nya. Ang rason nya naman ay atleast hanggang ngayon ay sila pa raw.

Simula ng umalis si ate ng bansa ay nawalan na rin sila ng komunikasyon ng girlfriend nyang iyon kaya agad nya ring pinagsisihan ang biglaan nyang pag alis pero huli na ang lahat. Hindi na sya makabalik ng Pilipinas non dahil wala naman syang sapat na pera at hindi na sya makatanggi kay Lola.

Balak ni ate na puntahan ang girlfriend nya sa bahay nito bukas para ayosin umano ang relasyon nila na tinakasan nya dati. Hindi ko alam kung tama ba na iyon ang gawin nya pero dahil kapatid ko sya ay hinayaan ko nalang sya na gawin iyon. Wala namang masama kung susubokan nya dahil baka kahit papaano ay pwede pa namang maayos ang relasyon nila.

Nais ng ate ko na sumama ako sa kanya bukas sa pagpunta nya sa bahay ng girlfriend nya. Ayoko naman na pumunta sya don ng mag isa kaya umoo na ako sa kanya.

Matapos ang kwentohan namin ni Ate ay pumunta na ito sa kwarto nya. Pag alis ni ate ay tiningnan ko ang phone ko at nakitang may mga text dito si Grey.

Nakangiti kong binasa ang mga message nito bago ito nireplyan. Naikwento ko sa kanya ang tungkol sa pag uwi ni ate at katulad ng inaasahan ay nagulat ito dahil hindi nya naman alam na may kapatid ako. Ang akala nya umano ay only daughter lang ako. Akala ko don e, joke.

Tinanong naman ni Grey kung pwede kaming lumabas bukas pero ang sabi ko sa kanya ay hindi pwede dahil sasamahan ko si ate. Naintindihan naman iyon ni Grey kaya ang sabi nya ay sa susunod nalang.

Pagkatapos ng saglit na pagtetext namin ay pinatulog na ako nito. Tumawag pa ito sakin para lang sabihin ang salitang--

"Good night baby. Dream of me." Malambing na sabi nito sa kabilang linya.

"Good night too Grey." Nakangiting sagot ko.

Kinabukasan ay nagising ako dahil kay Ate. Lumundag lundag ito sa gilid ng kama ko dahilan upang magising ako.

"Wake up sleepyhead." Anito habang kinikiliti ako.

"A-ate! Hahah-- ate!" Tumayo ako at lumayo sa kanya para hindi na nya ako makiliti. Kinusot kusot ko ang mata ko at habang si ate naman ay tumatawa dahil sa itsura ko.

"Ang aga mong mangbulabog ate." Ani ko.

"Sasamahan moko ngayon diba? Maligo kana!" Natatawang sagot nito at binato ako ng twalya.

Wala na akong nagawa kundi ang maligo na. Pagkatapos non ay nagbihis nako ng susuotin ko para sa pag alis namin ni ate. Napansin ko naman na nakabihis na pala ito.

Aba may excited.

Pagkatapos kong mabihis ay sabay kami nila mama na kumain ng agahan. Pagkatapos non ay umalis na si mama para mamalengke habang kami naman ni ate ay nag abang na ng taxi papunta sa bahay ng girlfriend nya.

Hindi ko narinig ang address na sinabi ni Ate sa taxi driver dahil busy ako sa pagreply sa text ni Grey. Kakagising lang nito at hindi pa naghihilamos pero nagtext na agad sakin.

Abala ako sa pagreply kay Grey kaya hindi ko namalayan kung saan ang punta namin. Si ate naman ay todo panalamin sa cellphone nya sa tabi ko habang inaayos ang buhok nya.

"Ayos lang ba ang make up ko Sissy?" Humarap ito sakin kaya nag angat ako sa kanya ng tingin.

"Oo naman ate. Maganda, bagay sayo." Papuri ko dito.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa cellphone ko at nakita ang text ni Grey na mag aalmusal muna sya kaya pinatay ko na ang phone ko pagkatapos kong magreply.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Tinatanaw ko ang dinaraanan namin dahil tahimik si ate sa tabi ko at mukang excited na kinakabahan.

Habang nakatanaw sa labas ng bintana ay bigla kong napansin na pamilyar ang dinaraanan namin. Napakunot ang noo ko dahil parehong pareho ang daan na pinuntahan namin.

Maya maya pa ay magkahalong kaba at pagtataka ang naramdaman ko ng huminto ang sinasakyan naming taxi sa mataas na gate ng mansion nila Grey.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pababa ako ng taxi. Pinagdarasal ko na sana ang mansion sa tapat nito ang sadya namin ni Ate.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora