Chapter 26 : Dream

256 12 1
                                    

HER POV

Monday came, wala masyadong nangyari kahapon maliban sa nagkulong at natulog lang ako maghapon sa dorm. Nag aya pa si Nathalie para magikot sa Academy pero dahil tinatamad ako ay dinicline ko at hindi sumama.

Lakad takbo ako ngayon papuntang History Clss ko dahil malapit na ang time. Mabait man si Ms. Ingrid pero strito sa oras kaya ayokong ma-late at baka kung anong parusa ipagawa nito sa akin. Last time na may na-late sa klase ay pinaglinis ito ng C.R. sa building namin. Hindi na man siya nagiisa dahil ganun din pala ang mga Prof. sa ibang year at section.

Patuloy lang ako sa pagtakbo at salamat naman dahil nakahabol ako sa klase. Dumating akong wala pa si Ms. Ingrid kaya nakangiti akong pumasok sa room namin ng hindi na kumakatok.

"Oh nandito na pala ang manloloko. Layo tayo ng kaunti baka traydor pala yan hindi lang natin alam at bigla tayong patayin." nakangising bungad sa akin ng bruhang si Nicole. Hindi ko nalang ito sinagot at pinansin dahil masisira ang araw ko kaya napasimangot nalang siya dahil nilagpasan ko siya. Pero pansin ko ang pagbubulungan ng classmate ko t titingin sa direksyon ko kapag napapatingin ako sa kanila ay nagiiba sila ng tingin. A typical tsismosa. Pero hindi ko nalang sila pinansin.

"Narinig ko ancient Gift pala ang kidlat." lipores ni Nicole 1

"Oo nga, I remembered my mom telling me about that story nung bata pa ako. Sabi ni Mom, bago pa mawala ang Lightning Gift 70 years ago, may kwento na na only brother of Samiya Dimension Creator can wield that Gift. Knowing that meron ngaong kayang gamitin ito at babae is napaka imposible. Dahil one Mago can only wield that Gift in every generation. Meron na ngayon at babae pa, napakaimposible talaga." nagmamagaling na alipores ni Nicole 2

"Kaya nga lahat tayo ay niloloko na ng isa jan simula palang. Making your Gift a secret is a crime. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi pa siya hinuhuli hanggang ngayon para sintensyahan na." malakas na anunsyo ni Nicole na sinangayunan naman ng mga bugok kong classmate.

"Instead of thanking me for saving your ass last friday, this is all what I got. Tsismis. Sana pala hindi nalang ako gumawa ng barrier para nadamay kayo nung sugod ang mga demonyong iyon. Sana pala hindi nalang ako nakipaglaban para sana hindi ko na naririnig yang tsismisan niyo. Imbes na magpalakas kayo tsismis inaaatupag niyo." sabat ko sa mga ito dahil sabi ko nga konti lang ang pasensya ko, well tama rin naman sila. Telling lies about your gift is a sin not a crime, tanga lang yang Nicole na yan ee.

After telling them that ay napayuko nalang sila while Nicole only gritted her teeth kasi natalo na naman siya sa argument. Hindi na natuto ang walang hiya.

Hindi rin nagtagal ay dumting na rin si Ms. Ingrid and start the lesson. On the last part of her discussion, nabanggit niya ang ancient gift the Lightning, Life/Creation and Death/Destruction Gift. Kaya mas naging aktibo ang classmate ko lalo na si Nicole.

"About po jan Ms. Ingid. No woman can wield the Lightning Gift dahil regalo ito ng Samiya Creator sa kanyang kapatid na lalaki, that is what our parents told us. Bakit si Amelia can wield that Gift?" Nicole.

"It is stated on our history na lalaki palang ang nasa listahan ang kayang manipulahin ang Lighting peeo hindi nakasaad dito na tanging lalaki "LANG" ang kaya itong gamitin at nabibigyan ng ganitong kapangyarihan. Magkaiba hindi ba? I heard your argument earlier before ako pumasok. Do not spread rumors like that na lalaki lang ang pwedeng gumamit ay makagamit ng Kidlat. Hindi yun totoo. Kaya, if Amie can wield that Gift then be thankful dahil may possiblity na dumami ang wielder ng kapangyarihan na ito." Ms. Ingrid explained making Nicole's face become red because of shame. Ayan kasi nagmamagaling.

Pagkatapos ng klase ay Potion na, dito ko nalaman na hindi lang pala sa klase namin ang may maling tsismis na kumakalat tungkol sa Lightning Gift. But the professor defend or corrected the heresay circulating in every class kaya nabago na din ang pananaw ng lahat, maliban nalang siguro kay Nicole na ang tingin niya ay tatraydorin ko sila.

Lunch past, Weapon and Combat class finished ngayon ay Power Manipulation na namin. Prof. Stella now let me join my classmates on the activity dahil I can wield lightning. The class was smoothly finished as well. I saw Derrick kanina na tulala, hindi ko alam kung bakit. Pero hindi ko na ito nilapitan baka masipa pa ako nito pero ramdam ko ang mga tingin nito sa akin kanina na parang magmy gustong sabihin pero hindi ako malapit-lapitan, kaya hinyaan ko nalang siya.

After ng lahat ng klase ko ay nagtungo na ako sa dorm ko para makaligo at bihis na dahil talagamg pinagpawisan ako sa mga activity na ginawa namin kanina, kaya parang pinag sisisihan kong ipakita ang kapangyatihan ko dahil sinama na ako sa mga activity namin. Nakakapagod.

Nang makaligo ay nag luto natin ako ng hapunan para makatulog na din. Before ako matulog ay nagbasa muna ako ng libro para antukin. Hindi rin naman nagtagal ay nilamon nadin ako ng antok.

*****

Nagising nalang ako sa sigaw ng mga tao sa paligid. Inaapoy na ang buong paligid pero hindi ko ramdam ang init mula dito. Naglakad pa ako para makita ang buong paligid pero wala akong makita kahit anong pamilyan na lugar. Hindi rin ako nakikita ng mga taong nagtatakbuhan dahil kanina pa ako nilalagpasan ng mga ito at tumatagos lamang sila sa katawan ko.

Sa hindi kalayuan makita ko ang isang babaeng yakap ang isang paslit, hindi ko maaninag ang mukha nito ngunit alam kong hindi ito nakakakita dahil panay ang kapa nito sa kanyang gilid na pra bang may hinahanap.

Nawala ang ingay sa paligid ng may kumikinang na bola ang lumitaw at kllumulutang sa harap ng babae kanina, nababalot ito ng ibat ibng kulay. Hinawakan ito ng babae at unti-unti siyang nabalot ng nakakasilaw na ilaw. Agad din naman itong nawala at napansin kong nasaksak na ito kasama ang hawak na paalit.

Natauhan naman ang babae at biglang pinagaling ang sarili tila bigla itong nakakita base narin sa mga naging galaw nito. Nagbago ang anyo nito na nabalutan siya ng puting armor at inumpisahan na ang pakikipaglaban hanggang sa natapos ito dahil naging mabilis ang pangyayarin hanggang sa nakita ko nalang ang babae na nakahiga sa damuhan habang yakap ng isang binatilyo.

Naguusap ang dalawa or mas-madaling sabihin na napapaalam na ang babae sa binata dahil ramdam ko ang hinagpis nito kahit hindi ko naririnig ang kanilang pauusap. Lumiwanag ang binata at napansin kong may nabuong peklat sa kanang likod ng balikat nito, isang hugis kidlat na peklat.

I don't have any idea why I am seeing this. But I think I know it is achingly familiar to me. Sa tingin ko ito ang pangyayari kung paano nabuo or nagumpisa ang alamat tungkol sa Ancient Gift, Lightning. The girl embraced by the lad earlier might be the god they are talking about on the myth and the lad was her brother the first wielder of Lighting Gift.

Bago ipikit ng babae ang kanyang mga mata, hindi ko sigurado pero nakita kong tumingin pa ito sa direksyon ko at binigyan ako ng ngiti. Ng maipikit na niya ang kayang mga mata ay siya ring pgbabalik ng maaliwalas na paligid.

*****

Ringgggg..... Ringgggg..... Ringgggg.....

Nagising ako dahil sa tinog ng alarm clock kaya bumangon na ako. Malinaw ko pang naaalala ang mga naganap sa panaginip ko, I know it's a vision. Hindi ko lang alam king para saan, maliban sa gusto ko na hanapin ang lalaking iyon. I'm the savior chosen by the Gods so I'm different from the others. I know that, that young man was already born on this generation. Kaya gagawin ko ang lahat para mahanap ko siya.

The Lightning Scar is the only hint that I have to find him and It's enough for me.

*****

ITUTULOY

FATE : Amelia Celine (Completed ✔)Where stories live. Discover now