Chapter 57

242 3 0
                                    


THIRD PERSON POV

Panibagong buwan na naman ang nakalipas. Maraming nagbago sa nagdaang buwan na ito, ramdam na ng mga Samiyan ang kanilang taglay na lakas ag naging mas higit pa mula ng tinutukan ni Amie ang kanilang ensayo, lalo na sa estudyante ng Samiya Academy of Magic.

Sa nagdaan na buwan, hindi naman huminto ang kabilang panig sa pag-atake sa ibat ibang parte ng Samiya, bagamat mayroon pananggalang na nagsisilbing proteksyon ng lahat ay hindi mapigilan ng ibang mamayan, lalo na ang mga walang taglay na kapangyarihan, ang mabahala sa kanilang kaligtasan.

Dahil dito mas pinag igting ng mga sundalo ng palasyo ang pag papatrolya sa bawat sulok ng Samiya ganun nadin ang kanilang ensayo, na siyang  sinubaybayan naman ni Amie. Kaya sa nagdaang buwan, alam nila sa sarili nila handa na sila sa kahit ano mang laban.

Tungkol naman sa mga estudyanteng nahimay, tatlong araw matapos ang insidente ay sila rinm'y nagising. Ngunit tila mga wala itong alam sa nangyayari. Maliban sa pagkawala nila ng memorya ay wala naman ng nakita pang kakaiba ang mga healer kaya't nagpatuloy na ang mga ito sa kanilang ensayo.

*****

Dark Continent..

"Kailan po natin uumpisahan ang unang malawakang paglusob, Panginoon?" tanong ng isang Heneral ng Demonyo.

Kasalukuyan ngayon silang nagpupulong upang pagusapan ang kanilang magiging hakbang sa nalalapit nilang paglusob.

Nakaupo sa pinakasentro ang kanilang pinuno. Bagamat isang nakakatakot na nilalang dahil pinuno ng Demonyo ay hindi maipagkakaila ang angkin nitong kagwapuhan, sobrang layo sa tipikal na hitsura ng mga demonyo sa kontinente. Siya lamang ang nagiisang nilalang sa kontinente ang may normal na wangis tulad mg isang Samiyan. Kung hindi dahil sa angkin nitong kapangyarihan ay hindi ito uupo bilang pinuno.

Taglay nito ang kapangyarihang pagkasira at pagpatay, na siyang kinatatakutan ng Samiyan maging ng kapwa niya demonyo, ngunit ang impornasyong ito ay hindi pa naitatala sa kasaysayan dahil ang tanging taglay na kapangyarihan ng mga naging pinuno ay tanging kapangyarihang itim, ito ang kanunaunahan.

Tama ang iniisip ngayon ng mga Samiyan, ang bagong pinuno ngayon ng mga Demonyo ay hindi na tulad ng mga sinauna, maging ang kanyang pinamumunuan. Nagbago ang kanilang mga wangis mula sa pagiging nakakadiri at hindi maipintang itsura, ngayon ay mas naging maayos na ang mga ito ngunit hindi parin mapapantayan ang mga laki nilang nilalang. Naging mas matalino at makapangyarihan din ang mga ito dahil nadin sa tulong ng kanilang Pinuno. Hindi tulad dati na basta basta nalang sila sumusugod kapag may nakikitang Samiyan, ngayon pinag iisipan na ng mga ito ang kanilang hakbang para maging matagumpay ang kasamaang kanilang nais.




Tahimik lamang silang naghihintay sa magiging sagit ng kanilang pinuno, dahil sa takot. Kahit pagsama samahin pa ang kanilang kapangyarihan hindi nila ito matatalo. Dahilan kung bakit ito naging kanilang Pinuno.

"Soon." saad ng isang napagalamig at nakakatakog na boses.

Maging ang mga nakapaligid sa kanya ay ramdam ang nakakatakot na presensya ng kanilang pinuno. Likas na sa kanila amg pagiging masama ngunit kapag kaharap o kasama na nila sa iisang kwarto ito ay masyado malakas ang negatibong presensya nito na nagbibigay takot sa nakapaligid.

"Is there any progress in our recent attack?" kapagkwan ay tanong nito sa kanyang mga general na kasama niya sa pagpupulong.

"Kinalulungkot na balita, Panginoon, ngunit masyadong malakas ang kanilang panibagong pananggalang, hindi nila ito masira." nakayukong ulat ng General na nagtanong kanina.

FATE : Amelia Celine (Completed ✔)Where stories live. Discover now