PROLOGUE

1.4K 32 0
                                    

Kalansingan ng mga nagtatamaang espada ang tanging naririnig sa paligid. Idagdag pa ang mga iyak ng kawawang nilalang na hindi kayang protektahan ang kanilang mga sarili.

Hindi ko alam kung paano umabot sa puntong ito ang kanina lamang ay masaya at tahimik na pamilihan.

Magkasama kami kanina ng aking kapatid upang mamasyal, ngunit kami ay nagkahiwalay ng magumpisa ng magkagulo. Madali lamang sanang akin siyang mahanap ako ay isang imbalido. Pinanganak na bulag at tanging ang kapatid ko nalang ang aking taga alalay at ang regalo niya tungkod.

"Ina! Ina!" iyak ng batang kalong ko ngayon. Hindi ko ito kilala, kanina ay naramdaman ko nalang na may bumangga sa aking binti at narinig ko ang kanyang iyak. Hindi ko na kailangan pang tanungin dahil alam kong parehas kami ng sinapit, napahiwalay sa kasama.

"Tahan na bata. Magiging ligtas din tayo." alo ko sakanya kahit na ako mismo ay hindi sigurado sa mga katagang binitawan ko. "Panginoon gabayan po ninyo sana kami."

Nagulat nalamang ako ng ang kaninang maingay na paligid ay tumahimik. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa aking noo dahil sa hindi ko na alam ang nangyayari, kinakabahan ako. Pinikit ko nalang ang aking mga mata, ngunit pagmulat ko'y muli akong nagulat. Nakakakita na ako, pero hindi pamilyar na lugar anv kinaroroonan ko ngayon.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita ko ang isang lumulutang na bagay, isa iyong bilog na napapalubilutan ng iba't ibang kulay ng sinag, nakakamangha ngunit natatakot parin ako dahil hiwaga parin sa akin king paano ako napunta dito at nakakakita.

Bumalik ang aking paningin sa lumulutang na bagay tmat parang may nag uudyok sa akin na ito'y lapitan at hawakan kaya naman ay aking ginawa. Ako labis na nagulat ng dumampi ang aking kamay rito dahil sa kuryenteng aking naramdaman. Ilalayo ko sana ang aking kamay dito ng ito na mismo ang nagkusang lumapit sa akin at pumasok sa aking dibdib.

Pagkapasok nito ay siya namang pagdagsa ng ibat ibang imahe, mali, isa itong memorya, at nakakapagtaka dahil napakapamilyar nito na hindi ko malaman. Nangmatapos ang pag-dagsa niyo ay siyang kasabay ng aking pagluhod at pagbabalik ng ingay sa paligid.

Nakita ko nalang ang duguan at wala ng buhay na katawan ng batang kalong ko lamang kanina. Naging abala ako sa pagproseso sa nangyari ng maramdaman kong may tumagos na matalim na bagay sa aking sikmura mula sa aking likoran, isang espada. Nasaksak ako ng kalaban.

Gamit ang memoryang pumasok sa aking isipan kanina, dali dali kong pinalabas ang isang espada sa aking kamay at wasiwas sa aking likuran. Narinig ko ang pagbagsak ng kalaban kaya naman hinugot ko na ang espadang ginamit pansak sak sa akin.

Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago ko pinagaling ang aking sarili. Kasabay nito ang paglabas ng nakakasilaw na liwanag ang lumabas mula sa aking katawan. Natigil ang mga naglalaban at napatingin sa aking kinaroroonan.

Pagkawala ng liwanag ay ang pagpalit ko ng anyo. Kung kanina nakasuot ako ng mahabang bestida napalitan iyon ng isang magandang baluti na purong puti.

Napangiti ako sa gaan ng pakiramdam. Hinawakan ko ng mahigpit ang hawak na espada at ako na ang nagsimulang sumugod. Lahat ng madadaan ag matatamaan ng aking espada ay iniwan kong wala ng buhay. Naging madali ang lahat sa akin. Habang nakikipaglaban hinanap ng aking mata ang aking kapatid hindi ko pa man nakita ang kanyang wangis ngunit sigurado akong siya'y makikilala kapag siyay nasilayan.

Sa malayong distansya nakarknig ako ng pamilyar na tinig, kaya dali dali akong tumakbo paroon. Hindi nga ako nagkamali kapatid ko ang sumisigaw kanina.

FATE : Amelia Celine (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon