CHAPTER FORTY-SEVEN

15 0 0
                                    


🌷🌷🌷


"ASHLEY, HOW ARE YOU?" ang tanong na iyon ni Cathy ang nagpagising sa kanya.

Napakurap siya at napatingin dito. Nakatayo na pala ito sa harap niya. May ngiti sa labi nito. Para naman siyang natauhan. Ngumiti din siya sa asawa ng kaibigan.

"Ahm... para kay Lorenzo at Dennis." Itinaas niya ang dalang bulaklak at prutas.

"Oh! Thank you. Hindi ko akalain na mag-aabala ka." Kinuha ni Cathy sa kanya ang bulaklak. Tinulungan naman ni Mary Ann ang ina nito. Kinuha nito ang basket na puno ng prutas.

"How are they?" tanong niya kay Cathylyn.

Pinilit niyang maging casual kahit nagwawala ang puso niya ng mga sandaling iyon. Nararamdaman niya kasi ang mainit na tingin ng asawa. Kahit hindi niya ito lingunin ay alam niyang nakatingin ito sa kanya ng mga sandaling iyon.

"They are doing good." Ngumiti siya dito.

Ngumiti na din ito. Tumingin ito sa likuran niya bago tumikhim. Ibinalik nito ang tingin sa kanya pagkatapos.

"I think Dennis need to scroll around. Puntahan muna namin ang Ate Cathness ko." Umalis sa harapan niya si Cathy at nilapitan ang asawa.

Sinundan niya ito ng tingin. Nagtagpo ang mga mata nila ni Dennis. May panunuksong tingin itong ibinigay sa kanya. Umiling na lang siya dahil alam niya kung para saan iyon. Tinulungan niya si Cathy na mailagay sa wheel chair si Dennis. Tinamaan kasi ng bala ang hita nito kaya hindi pa nito ma-igalaw ng maayos ang mga paa. Tumulong na din si Mary Ann.

"Thank you, Ashley." Narinig niyang wika ni Dennis ng maayos na itong naka-upo.

"We just scroll around. Ikaw na muna ang bahala kay Kuya Lorenzo," wika ni Cathy bago si Lorenzo naman ang hinarap. "Kuya, we just leave you with Ashley."

"Okay." Sa unang pagkakataon ay narinig niyang nagsalita si Lorenzo.

Lumabas na pagkatapos ang pamilya ni Dennis. Sinundan niya ang mga ito ng tingin. Dennis seems so happy with Cathy. Hindi niya akalain na makakatagpo ito ng babaeng mamahalin nito. Akala niya ay hindi agad ito makakapag-asawa dahil na rin sa malamig nitong pag-uugali sa mga babae.

Isang malakas na tikhim ang nagpalingon sa kanya kay Lorenzo. Isang ngiti ang sumilay sa labi ng asawa. Hindi tuloy niya napigilan ang pamumula ng mukha. Why he so handsome even on hospital gown? Kahit nasa thirties na ito ay hindi pa rin kumukupas ang gandang lalaki nito. Lorenzo can still attach woman.

"How's you feel?" tanong niya dito at naglakad papunta sa dala niyang prutas.

"I'm doing good now. Hindi na ganoon kasakit ang sugat ko. How about you? Are you still busy with your company?" sunod-sunod na tanong ng asawa.

"I'm doing good. Marami pa rin akong trabaho sa kompanya. Cazza Pilar is a big company. It's not easy to handle," sagot niya sa tanong nito.

Sinimulan niyang tingnan ang mga prutas na dala.

"Do you want apple? Ipagbabalat kita," aniya.

"Apple will do. Thank you." Ilang sandali bago nakasagot si Lorenzo sa tanong niya.

"Okay. Just wait for a while." Lumapit siya sa maliit na lababong nandoon at hinugasan ang mansanas.

Nasa isang private room si Lorenzo. Hindi naman iyon kasing laki ng VIP room na laging kinukuha ng pamilya nila kapag na-oospital sila pero maayos naman ang lugar. Hindi nga amoy hospital ang kwartong iyon.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now