CHAPTER FORTY-NINE

17 0 0
                                    

🌷🌷🌷

ASHLEY CAN'T BELIEVE that after so many years she will get married again. Her dream wedding is coming very soon. Well, dalawang linggo na lang at kasal na niya. She remembers the day that Lorenzo's father asking her to remarry his son on the church. Isang simpleng garden wedding lang kasi ang unang kasal nila ni Lorenzo at wala pa doon ang kanilang mga magulang. Kaya naman ngayon na sa simbahan na sila ikakasal ay talagang pinaghandaan nila.

Kasama niya ng mga sandaling iyon si Anna at tinitingnan nila ang cake. They going to finalize the food today. Hindi makasama sa kanya si Lorenzo dahil may pupuntahan ito at si Kuya Timothy. Nitong huling buwan ay naging malapit sa kanyang pinsan ang asawa. Lorenzo tried to be friendly and close to Kuya Timothy since she tells him that Kuya Tim is very special for her.

"What do you think about this?" Ibinigay sa kanya ni Anna ang isang plano ng pagkain.

"Anong tawag po dito?" tanong niya sa manager ng restaurant na kukunin nila.

Ang restaurant na iyon ay pagmamay-ari ni Kaze Wang. Isa iyon sa mga branch ng restaurant nito. Kaya alam niyang ibibigay ng mga ito ang nais at gusto.

"It's easy chicken breast with creamy mushroom sauce. It's a healthy dish recommended by the chief." Sagot ng manager.

Kinuha niya ang isang hiwa at nilagay sa plato. Hiniwa niya muna iyon dahil may kalakihan bago tinikman. Napatungo siya ng malasahan ang pagka-creamy noon.

"Cole will surely love this," aniya.

"I think so." Tumingin si Anna sa manager. "Please, include this on the menu."

Nilagyan ni Anna ng check ang dish na iyon sa listahan. Isa sa mga reference nila ang healthy food dahil kasama nila ng araw na iyon si Cole. Nakakuha ng one day permit si Anna para sa pansamantalang paglabas ng kulungan ni Cole. She uses her influence to do what she wants. Walang nagawa ang pagtutol ni Cole. Hindi niya pakakasalan si Lorenzo kung wala ang pinsan. Tinakot niya ito kaya nito pinirmahan ang dokumento na ginawa ni Anna.

Of course, Anna helps her also. Walang laban sa kanilang dalawa ni Anna ang pinsan. Ginawan na din niya ng paraan para may ma-isuot ito. Cole will absolutely be there. It's her wedding day. Isang beses lang siya ikakasal sa simbahan kaya gusto niya ay nandoon ang importanteng pinsan.

Iilan lang sa mga kaibigan niya ang pupunta. Of course, her friend. Tisha, Angela and Celina will be there. Ilang buwan din silang hindi nagka-usap ng mga ito. Nagulat pa ang mga ito ng sabihin niyang ikakasal na ulit siya sa dating asawa. She really hides everything to everyone. Kaya ng ilabas sa pahayaan ang pagpapakasal ulit nila ni Lorenzo ay nagulat ang lahat.

Pagkatapos ng food test ay umalis na sila doon ni Anna. Peter comes and he will be their driver. Hindi ito nakasama sa food test dahil may pinuntahan ito. Ibinaba lang talaga sila kanina at binalikan.

"How's the food test?" tanong ng pinsan. Seryuso itong nagmamaneho.

"It was fun but I can't eat anymore. I feel so full." Natatawang wika niya.

"Me too." Pagsang-ayon ni Anna na nasa likuran ng kotse.

Siya kasi sa unahan at katabi ng pinsan. Nakita niyang napatawa sa kanila si Peter. Kaya napatingin siya dito. Peter is really a handsome man. Napakaputi nito. Hindi lang iyon, napaka-amo din ng mukha nito. Hindi nakapagtataka na pinagkamalan itong babae minsan. Kung mahaba siguro ang buhok nito pwede na itong maging babae. Akala nga niya ay kasintahan nito ang babaeng lagi nitong kasama.

Nagulat pa siya ng malaman na kasintahan na pala nito si Alter. Naalala pa niya ng sabihin nito na ang lalaking nais ipakasal sa kanya ng ama ay kasintahan nito. She is literary on shock. Akala niya ang rumor lang iyon. Hindi niya akalain na totoo pala talaga. Alter and Peter are so in-love with each other. Alam niyang marami pang pagdadaanan ang mga ito. Lalo pa nga at wala pang pahintulot ang relasyon ng mga ito sa magulang ng pinsan.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon