CHAPTER TWO

8 0 0
                                    

🌷🌷🌷

NAGLALAKAD papuntang parking lot si Ashley. Katatapos lang ng klase niya at may pupuntahan siyang importanting tao. Napapangiti si Ashley kapag naalala niya kung sino ang taong nais niyang makita ng mga sandaling iyon. Papasok na sana siya ng kanyang kotse ng tumunog ang phone niya. Kinuha niya ang nag-iingay na aparato sa kanyang sling bag. Nagsalubong ang kilay niya.

“What do you want?” mataray niyang tanong. Pumasok na siya sa kanyang kotse habang hawak ang phone.

Tinapon niya lang ang bag sa likuran ng kanyang kotse.

“Where are you?” Hindi pinansin ng pinsan ang pagtataray niya.

“Sa school. Bakit ba?”

“I pick you up.” Matigas na wika ng pinsan.

“Why? I have my car, Alex.” Binuhay na niya ang makina ng kanyang kotse.

“Leave it there. May pupuntahan tayong importanteng tao.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Who?”

“Just come with me and stop questioning.” Inis na sabi ng pinsan.

“I won’t come. May pupuntahan din akong importante. It’s now or never. Bye.” Agad niyang pinatayan ng tawag ang pinsan.

Nasisigurado niyang namumula na ngayon sa inis ang pinsan dahil sa ginawa niya. Napangiti siya sa ginawa. Hindi siya naniniwalang may pupuntahan silang importanteng tao.  Kilala niyang maluko ang pinsan Gagawin lang siya nitong third wheel sa date nito. Wala siyang planong maging alalay ng pinsan.

Pina-usad na niya ang kanyang kotse. Tinahak niya ang isang daan na hindi pamilyar sa kanya. Using waze as her guide, she finally saw the man he wanted to see. Inihinto niya ang kotse sa harap nito at ibinaba ang salamin ng kanyang kotse. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya dito.

“Hi, handsome.” Nilakipan niya ng landi ang boses.

“Stop it.” Inis na sabi ng lalaki.

She chuckles at his remark. Hindi pa ba talaga nasasanay ang lalaking ito sa kanya. “Talaga bang isasama mo ako sa bahay ng magulang mo? Baka iba ang isipin nila patungkol sa atin, Dennis.”

Sinamaan siya ng tingin ng binata. “May magagawa ba ako. I lost on our bet. Kasalaman mo din naman kapag nabahiran iyang pangalan mo.” Tinalikuran na siya ng lalaki at sumakay ng kotse nito.

Hindi niya napigilan ang isang ngiti sa kanyang labi. Masarap talagang asarin ang binata. Ilang buwan na niyang kaibigan ito at tinuturing na niyang best friend ang binata. Kilala na din ito ng mga pinsan niya na ikinasiya ng mga ito dahil isa daw himala ang pagkakaroon niya ng kaibigan. Sa pagiging mataray at suplada niya, wala daw tatagal na kaibigan niya.

“Kaya ang sarap mong asarin eh.” natatawang wika niya.

Sinundan niya ang kotse ni Dennis ng umusad iyon. Ang sabi ng binata ay nasa Las Pinas ang mansyon ng ama nito pero hindi doon tumutuloy ang lalaki. May sariling bahay ang kaibigan sa Antipolo at nakapunta na siya doon minsan. Maganda ang bahay ni Dennis na namana pa sa Lolo nito. It may be an old-style house but it gives her the homie feeling.

Nang pumasok sila sa subdivision ay napahanga siya sa lugar. Napakalawak ang bawat pagitan ng mga bahay doon at walang matataas na pader. Tanging mga halaman lang ang nagsisilbing harang. Hindi lang iyon magaganda din ang style ng bahay. Isang American style house ang hinintuan nila ni Dennis. Ipinarada lang nito ang kotse sa daan. Ganoon na din ang ginawa niya.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon