CHAPTER TWELVE

4 0 0
                                    

🌷🌷🌷

PAPUNTA SA KANYANG KOTSE si Ashley ng mapansin niya na may pinagkakaguluhan ang mg estudyanteng babae sa isang bahagi ng parking lot. Nagtagpo ang kilay niya. Sino naman kaya ang pinagkakaguluhan ng mga ito?

She is curious but she doesn't have time for that. Unang araw ngayon sa school at marami siyang gagawin pag-uwi ng mansyon. Nagsisimula na kasi siyang pag-aralan ang negosyo ng pamilya. She asks her father secretary to send her some documents. Of course, with her father consent, they let her have that private information. Nagustuhan nga ng kanyang ama ang ginawang desisyon.

She wanted to hold her father company. Bata palang siya ay alam na niyang sa kanya mapupunta ang pamamahala ng Cazza Pilar. Siya lang ang anak ng kanyang magulang. She is only child and the only person who can manage the company. Hindi naman pwede ang dalawang pinsan niya dahil may sariling kompanyang hahawakan ang mga ito.

Bubuksan na sana ni Ashley ang pinto ng kanyang kotse ng may narinig siyang tumawag sa kanya. Napahigpit ang kamay niya sa pagkakahawak sa bukasan ng kotse. Nakangiting si Lorenzo ang nakita niya ng tumingin siya sa pinanggalingan ng boses. She tried to hide her emotion.

"Excuse me, girls." Umalis ito sa pagkakasandal sa kotse nito at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanya.

Ashley watches him walk. Hindi nakakapagtaka na lapitin ito ng mga babae. Sa tindig pa lang nito ay talagang napakagwapo ni Lorenzo. Simple lang ang suot nito pero nakaka-agaw pansin.

'Kaya marami din siyang nalulukong mga babaae,' sabi ng kanyang isipan.

Bago pa natauhan si Ashley ay tuluyan ng nakalapit sa kanya si Lorenzo. Tumayo ito sa harap niya. May isang magandang ngiting naka-ukit sa labi nito. Hindi tuloy napigilan ni Ashley na mapatitig sa ngiting iyon.

"Tapos na ang klase mo ngayong araw?" May lambing na tanong nito sa kanya.

Tumungo siya bilang sagot. Hindi niya pa rin maalis ang tingin sa labi nito. Bakit kasi ang ganda ng ngiti ng lalaki? May kakaiba sa ngiti nito na hindi niya mapapaliwanag. Nang-aakit iyon at humahaplos sa kanyang puso. Ngayon niya lang napansin na maganda pala ang ngiti ng lalaki.

"Kung ganoon ay pwede kitang maayang magmeryenda?"

Doon ay parang natauhan si Ashley. Napakurap siya at napatingin sa mga mata ng binata. May ningning iyon at parang natutuwa sa nakikita. Ibinalik niya ang malamig na aura.

"May importante akong gagawin," aniya at binuksan ang pinto ng kanyang kotse.

Ngunit mabilis na napigilan ni Lorenzo ang kamay niya. Para naman napapasong binawi niya ang kamay dito. Napa-atras siya ng may naramdamang kuryenteng dumaloy sa kanyang kamay. Napalunok siya dahil iyon ang unang pagkakataon na nakadama siya ng ganoon sa isang simpleng hawak. Ibinalik niya ang tingin sa binata.

"Baka pwede mo akong pagbigyan, Ashley. Gusto kong makabawi sa ginawa kong kamalian sa iyo noong nakaraang linggo. I know what I did is wrong. I already apologies to Timothy Navarro but he said that I should say sorry to you instead. You are the one who most offended with my action." Malungkot ang boses na wika nito.

"You talk to Kuya Tim?" Gulat niyang wika.

"Yes! I'm sorry."

Hindi siya nagsalita. Pinakatitigan niya lang ang binata. Mamaya pa ay isang malalim na paghinga ang ginawa ni Ashley.

"If Kuya Tim accept your apology then it's alright with me. Let forget it." Wala na din naman siyang magagawa pa.

She doesn't want to stay mad to someone. He said his apology to Kuya Timothy and it's enough for her. At saka, biglang pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ni Kuya Timothy na maaring may gusto sa kanya si Lorenzo kaya nito nagawa ang bagay na iyon. Gusto niyang tuldukan na kung anong meron sila ng binata. She doesn't want to get involve with him anymore.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now