CHAPTER NINETEEN

22 0 0
                                    

🌷🌷🌷

SA BUONG DURASYON ng pag-uusap nila kasama ang mag-amang Dela Costa ay hindi nagsalita si Lorenzo. Ayaw niyang ibuka ang bibig dahil galit pa rin siya sa ama sa ginawa nitong desisyon. He hates that he is controlling his life. For making decision without asking him. Alam niyang kapag magsalita siya ngayon ay mag-aaway sila at ayaw niyang gawin iyon sa harap ng mag-amang Dela Costa.

Tinitigan niya si Cathness. Mukhang alam nito ang plano ng ama pero tahimik lang ang babae at nakayuko. Hindi niya alam kung anong iniisip nito. Is she okay with the plan? Napakuyom siya. Sana ay hindi tama ang na-isip niya. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng dalawang matanda. Napatingin naman ang mga ito.

"Dad, can I go now with Cathness?"

Nakita niya ang pagtataka sa mukha ng babae pero hindi niya iyon pinansin. May nais siyang malaman mula dito.

"Bakit hijo? May gusto ka bang sabihin kay Cathness na hindi namin pwedeng malaman?" tanong ni Tito Jeffrey.

"Well, I want to know more about my future wife. Wala naman sigurong masama doon, Tito Jeffrey." Nakipagsukatan siya ng tingin sa matandang Dela Costa.

Hindi niya ma-itago ang inis na nararamdaman. Wala na siyang paki-alam kung anong isipin nito. Mas iniisp niya ang future niya kasama ang babaeng ito. Hindi niya iyon nakikita. Mas nakikita niya ang sarili na kasama si Ashley. Ito ang gusto niyang makasama habang buhay.

Unang umiwas ng tingin ang matanda. Hinarap nito ang anak na tahimik lang. "Is it okay to you?"

"Yes, Dad. Tama din naman po siya. We need to talk and know each other." Pagsang-ayon ni Cathness.

Lihim siyang napangiti sa sinabi ng babae. Hindi naman pala ito mahirap pasunurin. Mukhang takot ito sa ama. Maaring iyon ang dahilan kung bakit ito pumayag sa ganoon. Alam na niya kung paano makawala sa plano ng ama.

"Okay." Tumungo si Tito Jeffrey at hinarap siya. "Ingatan mo ang anak ko. Take her home to my mansion."

"Okay, Tito." Tumayo na siya at ganoon din si Cathness.

"Lorenzo." Tawag ng kanyang ama ng hahakbang na sana siya.

Napahinto siya at napatingin dito. Isang nagbabantang tingin ang ibinigay nito sa kanya. Alam niya ang nais nitong ipahiwatig. Tumaas lang ang isang sulok ng labi niya.

"Don't worry, Dad. You know who I'm going to marry," aniya at tinalikuran na ito.

Wala siyang balak na pakasalan ang babaeng napili nito. Iisang babae lang ang nais niya at si Ashley Cortez iyon. Wala siyang paki-alam sa sasabihin nito. Gagawin niya ang gusto. Sabay silang lumabas ng restaurant ni Cathness. Wala silang imikan dalawa.

Pagdating nila sa kanyang kotse ay hindi niya ito inalalayan na makasakay. He is not planning to be gentleman with her. Walang rason para gawin niya iyon. Hindi ito ang babaeng dapat niyang pag-alayan ng ganoon niyang ugali. Tahimik lang sila hanggang sa makarating sila sa isang restaurant na di kalayuan sa mansyon ng mga ito. At kagaya kanina ay hindi niya din inalalayan ang babae. Kahit sa pagpasok ng restaurant ay hindi niya ginawa.

Inasikaso sila ng waiter. Sa dulong bahagi ng restaurant sila umupo. Iyong hindi mapapansin ng kahit sinong tao. Pagka-upo nila ay nag-order na lang sila ng desert. Kumain na din naman sila kanina. Pagka-alis ng waiter ay agad niyang pinakatitigan ang babaeng kasama.

"I will be straight to the point. What do you feel about this arrange marriage?"

Hindi nagsalita si Cathness. Uminum lang ito ng tubig. Nais ma-inis ni Lorenzo. He needs to know her opinion before he said what his. Kailangan niya ng koordinasyon nito para makalabas sa planong kasal na iyon.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant