CHAPTER THIRTY

11 0 0
                                    

🌷🌷🌷

IBINAGSAK NI Ashley ang katawan sa kama. Katatapos lang ng kasal ni Alex at Anna. Nasa hotel na siya. Pero kahit na abala siya sa kasal ng pinsan ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari kanina. Ginugulo ng lalaking iyon ang kanyang isipan.

Sino ang lalaking iyon? Bakit kamukhang-kamukha niya si Lorenzo?’

Bumangon siya at kinapa ang kanyang phone na nasa bag. May nais siyang malaman at alam niya kung sino ang makakasagot sa kanya pero natigilan siya ng maalala na hindi niya pala alam kung anong pangalan ng lalaking nakabangga sa kanila. Muling napahiga si Ashley.

She can’t sleep after this. Her curiosity is kicking her. Tumayo siya at hinubad lahat ng suot. She needs to wash out what she thinking at the moment. She tokes a shower and head out. Gusto niyang alisin sa kanyang isipan ang lalaking iyon. Nais niyang kalimutan kahit saglit ang mukha ng kanyang asawa. Hindi kasi mapalagay ang kanyang puso sa tuwing nakikita niya isipan ang mukha nito. He is not her husband. Matagal ng patay si Lorenzo.

Pumunta sa dalampasigan si Ashley. Tumatama ang malakas na hangin sa kanyang mukha. Malamig iyon at nanunuot sa kanyang balat. She loves the breeze of the air. It makes her calm. Naglakad-lakad lang siya habang tinitingnan ang karagatan. Maliwanag naman ng mga sandaling iyon dahil sa mga ilaw na galing sa hotel at resort.

Nang magsawa ay umupo si Ashley.

‘How long you going to be like this?’ tanong niya sa sarili.

She is already at her late twenties. Tinutulak na siya ng ama na mag-asawang muli ngunit hindi pa siya handa. Kaya nga nais ng kanyang ama noon na ipakasal siya kay Alter dahil sa pag-aakalang malungkot pa rin siya sa pagkawala ng asawa. Tanggap na niya na wala na si Lorenzo at hindi na ito babalik pa pero may mga sandali na hinihiling niyang sana ay kapiling pa rin niya ito.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Ashley. Suddenly she feels so empty. Mula ng mawala ang asawa ay ganoon na yata ang puso niya. Something is missing. Na may butas sa puso niya at kahit anong gawin niya ay hindi mawala. Hihiga na sana si Ashley ng may narinig siyang naglalakad. Mabilis siyang napalingon. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino iyon. Ilang beses siyang napakurap.

“Ahmm.. Miss, it’s not safe here. Maari kang magkasakit kung hihiga ka sa buhangin,” wika ng lalaki.

Hindi nakapagsalita si Ashley. Parang hinila ang dila niya at hindi niya magamit. Nakatitig lang siya dito. His face that makes her heart beat faster. It’s making her crazy. Nais niyang tumayo at ihakbang ang mga palapit dito. She wanted to run and hug him. Telling him how much she misses him. This man standing in front of him is look like her husband. The man she ever loves.

“Miss…” Ikinaway ng lalaki ang kamay sa mukha niya.

Ilang beses na napakurap si Ashley. Nakapantay na pala sa mukha niya ang lalaki. May pag-aalala sa mga mata nito. Agad na umiwas ng tingin ang dalaga. She can’t show her emotion to a stranger like him. Tumikhim si Ashley. Naririnig niya kasi ang lakad ng tibok ng kanyang puso. At kapag ganoon ay nais na magpanic ng kanyang isipan.

“Thank you for reminding me.” Tumayo siya. Hindi niya ibinabalik ang tingin sa lalaki.

“You’re welcome. Are you okay? You look pale.”

“I’m fine. Malamig lang kasi ang hangin. I’m going back to my hotel now.” Naglakad na siya para iwasan ang lalaki.

It’s not good. Her heart is not in good condition. Kailangan niya munang pakalmahin ang kanyang puso at sarili. Ayaw niyang gumawa ng kakaiba sa lalaking ito dahil ang tanging tumatakbo lang sa isipan niya ng mga sandaling iyon ay ang yakapin ito.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu