CHAPTER TWENTY-THREE

4 0 0
                                    

🌷🌷🌷

INILAPAG NI TITA IVY ang isang basong orange juice. Ngumiti siya sa matanda bago iyon kinuha. Umupo naman sa pang-isahan si Tita at nakangiting hinarap siya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Lorenzo. Anong nais mong itanong sa akin?"

Inilapag niya ang baso pagkatapos uminum ng juice. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. "Tita, totoo bang may pinsan kayong ang pangalan ay Paulo Rei Cortez?"

Natigilan si Tita Ivy pero agad din naman itong nakabawi. "How did you know about Paulo?"

"M-my Dad told me."

Ngumiti si Tita Ivy. "Akala ko talaga ay hindi na sasabihin sa iyo ni Renzo ang tungkol sa pinsan ko. Buong akala ko ay ibabaon na lang ang lahat sa limot."

"Sinabi ng ama ko dahil nalaman na niyang nagpakasal ako kay Ashley. I told him."

"You are so brave, Lorenzo. I guess you already know about your mother's affair with my cousin."

"Noong una ay hindi ko alam kung sino. Hindi naman kasi sinasadyang marinig ko na sinusumbat ng aking ama ang pakakaroon ng ibang lalaki ni Mommy. I didn't know it was your cousin." Yumuko siya.

"Kung sakali bang nalaman mo ng mas maaga. Liligawan mo ba si Ashley?"

Nagtagpo ang kanilang mga mata ni Tita Ivy dahil sa sinabi nito. May ibig sabihin ang mga tingin nito sa kanya. Tumikhim siya para alisin ang humarang sa kanyang lalamunan. Hindi siya umiwas ng tingin sa matanda.

"Maybe but..." Yumuko siya at naalala ang unang pagtatagpo nila ni Ashley. "... if my heart falls to her. Susundin ko pa rin ang puso ko. Ashley... Ashley is my happiness, Tita. She brought the best in me. Binago niya ang pananaw ko sa pag-ibig. I'm not a perfect man for her. Marami akong babaeng niluko at sinaktan pero binigyan niya pa rin ako ng pagkakataon na mahalin siya at mahalin niya. Alam kong hindi ako ang nararapat kay Ashley. She deserves the best and it's not me but still, she gives me love that I don't know at first. She is my everything in this world."

Nakatingin siya sa mga mata ng matandang Cortez habang sinasabi ang mga salitang iyon. Iyon ang totoong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. He is very in-love with Ashley. At hindi siya nagsisisi na ibinigay dito ang kanyang puso. Mahal niya ito at handa siyang iwan ang lahat para sa kasayahan niya.

"I'm happy to hear that from you, Lorenzo. Ngayon ay panatag na ako na magiging masaya ang pamangkin ko sa piling mo. I want Ashley's happiness. It all matters to me." Iniabot ni Tita Ivy ang kanyang balikat.

Gumanti naman siya ng isang magandang ngiti. Tita Ivy has this vibe that he can't explain. Napakagaan kasi ng loob niya sa matanda. When she comes to his wedding and told him to take care of Ashley, he feels not threatened. It's like he has a mother who reminds him.

"Lorenzo, whatever happen between my cousin and your mother. Hindi niyo kasalanan ni Ashley. Wala kayong kinalaman doon. Hindi kayong dalawa ng pamangkin ko ang magbabayad sa kasalanan ng matatanda. Tandaan niyo ni Ashley. I'm here for both of you."

"Thank you, Tita. Ang totoo niyan kaya po talaga ako tumawag at nakipagkita sa inyo dahil may nais akong itanong," aniya.

"Ano iyon?"

"A-alam niyo ba kung anong nangyari kay Mommy at T-Tito Paulo?" He wanted to know something. At alam niyang ang mga ito lang ang makakasagot.

Hindi nakapagsalita ng ilang sandali si Tita Ivy. Tumingin lang ito sa kanya ng mataman at pinag-aralan ang kanyang mukha. Alam niyang binabasa nito ang emosyon sa kanyang mga mata. Mamaya pa ay ngumiti ito.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon