CHAPTER THIRTY-SEVEN

9 0 0
                                    


🌷🌷🌷

KINUHA NI ASHLEY ang nakalapag na larawan sa harap niya. It's indeed her photo with Lorenzo but how did it end up with him. It doesn't matter. Ang kailangan lang niyang gawin ngayon ay sabihin dito ang totoo.

"Did you come to me because I look like your husband? Iyon ba ang dahilan kaya mo binigay sa akin ang katawan mo ng gabing iyon?"

Napatingin siya sa binata. May munting kirot sa puso niya dahil sa tanong nitong iyon pero binaliwala na lang niya dahil alam niyang maaring maging ganoon nga talaga ang reaksyon ng binata. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya.

"Enzo, what you said is true." Nakita niyang napakuyom ang binata. Muli siyang napatingin sa mga mat anito. Napalabi siya bago muling nagpatuloy sa pagpapaliwanag. "I didn't mean to lie to you. I just want to know the truth. The investigator that I hired said that you lost your memory. Iyong pagkakita sa iyo ng pamilya mo at pagkamatay ng asawa ko ay halos tugma. Hindi ko mapigilan na maghinala. I come to you to get a sample of your DNA. And I saw that you're really my husband. Ika---"

"You think I won't believe you if you tell me. And done those behind my back, Ashley. Nagsinungaling ka para malaman ang totoo. Paano kung hindi ako ang asawa mo? Paano kung naging negative ang resulta? You will disappear like nothing happen." May bahid ng galit na wika nito.

"It's not like that." Depensa niya.

"It's what I see, Ashley." Kinuha nito ang larawan.

Umiling siya. "Hindi ganoon ang intensyon ko ng lumapit ako sa iyo. Kilala mo ako. Kahit sa maikling panahon na nagsama tayo, alam mo na ga---"

"I cannot remember my past yet, Ashley. Wala pa akong naalala sa nakaraan natin." Tumingin si Lorenzo sa larawan na hawak. "Nang makita ko ang larawang ito ay saka ko na pagtanto na kaya ka lumapit sa akin dahil kamukha ko siya. Naalala ko din na sinabi mong nakita mo nang muli ang asawa mo. Napagtagpi-tagpi ko ang lahat. I realize that maybe I'm your husband. Kaya lumapit ako sa kapatid ko. Dennis told me everything. He even shows me the DNA test."

Napahawak siya sa kayang bibig. Umiling siya. Alam na ng kaharap ang totoo. Kilala na nito ang totoo nitong pagkatao. Why did not Dennis tell her? Bakit hindi nito sinabi sa kanya ang lahat? Sa loob ng tatlong araw ay hindi man lang siya nasabihan ng kaibigan.

"I'm sorry. Wala naman talaga akong balak na itago sa iyo ang lahat. Humahanap lang ako ng tamang pagkakataon. Kung hindi lang nagkaproblema ang kompanya ay sasabihin ko din naman sana sa iyo. Lorenzo, I didn't mean to lie. Please believe me." Tumayo siya at lumapit dito.

Hinawakan niya ang kamay ng asawa. She feels guilty hiding everything from him. Wala siyang masamang intensyon.

"Dennis told me everything happen for the past seven years, Ashley. I'm sorry to put you through on that. I'm sorry if my father did that to you. Napabayaan kita at iniwan na nagluluksa. Alam ko na nagdusa ka sa pagkawala ko. Kung ma-ibabalik ko lang ang lahat. I will come back to you and hug you tight."

Nagtaas siya ng tingin. Lumukso ang puso niya. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi at nag-ningning ang kanyang mga mata.

"Lorenzo, kung ganoon ay hin---"

"Let's get each other space, Ashley."

Natigilan si Ashley sa sinabi ng binata. "What?"

"Let's not see each other for a while. Sa loob ng pitong taon ay maraming nagbago sa buhay natin. Alam kong wala kang naging kasintahan mula ng mawala ako pero baka wala naman na talaga ako diyan sa puso mo at nais mo lang n---"

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now