CHAPTER TWENTY-SEVEN

9 0 0
                                    

🌷🌷🌷

NAKATINGIN SA LARAWAN nilang mag-asawa si Ashley. It's there wedding photo. Iyon ang larawan nila na siyang pinakapaborito niya. She loves that photo because it screams that Lorenzo is her husband and will be there for her but now, everything disappears. Wala na si Lorenzo, wala na ang taong mahal na mahal niya.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Ashley bago ibinalik sa pagkakapatong ng larawan. Iniikot niya ang mga mata sa loob ng bahay. Ang bahay na siyang sumaksi sa pagsasama nila ni Lorenzo. This house that full of memories. Kahit napakasaglit lang ng pagsasama nila ni Lorenzo ay maraming ala-alang iniwan sa kanya ang nasirang asawa. All those memories will linger to her mind and heart. Naglakad papunta sa sofa si Ashley at niyakap ang throw pillow. She closed her eyes.

At pagpikit ng kanyang mga mata ay isang mukha ang kanyang nakita. Hindi napigilan ni Ashley ang pagdaloy ng kanyang luha sa kanyang mga mata. Muli niyang naramdaman ang isang matalim na bagay na humihiwa sa kanyang puso. Napahigpit ang pagkakayakap niya sa unan. Kailan ba matatapos itong nararamdaman niyang sakit. She feels like she is alive but dead.

Napamulat si Ashley ng may pumatong na isang tila sa kanyang mukha. Napatingin siya sa taong naglagay noon.

"Stop crying, Ash." Malungkot na wika ni Alex.

Umayos siya ng upo. "Anong ginagawa mo dito, Alex?"

"I'm here to pick you up. Ngayon ang graduation mo, di ba?"

Umiwas siya ng tingin. Oo nga pala, ngayong araw siya magtatapos ng kolehiyo. Ngayong araw siya aakyat at kukunin ang diplomang pinaghirapan niya ng apat na taon pero ano pang silbi ng pag-akyat niya kung wala na ang taong nangakong sasamahan siya sa araw na iyon.

"I don't want to come," aniya sa pinsan.

"Ash..." May pagtutol sa boses ng pinsan.

"Can you leave me alone, Alex? I want to be alone." Ipinatong niya ang paa sa sofa at niyakap ang kanyang tuhod.

Ayaw tumigil na naman ng kanyang mga luha. Alam niyang mamaya ay mamaga ang kanyang mga mata pero wala siyang paki-alam. Patuloy sa pagkirot ang puso niya at gusto niya iyong mabawasan pero alam niyang hindi ganoon iyon kadali. Her heart is in pain again and she doesn't know when it going to stop.

"Ashley, you know I can't leave you like this. We are worried of you."

"I'll be alright. I just want to be alone and cry on my own. You don't need to worried. I won't do crazy thing." Mas niyakap pa niya ang kanyang tuhod.

Isang malalim na paghinga ang narinig niya sa pinsan. Mamaya pa ay may naramdaman siyang pagyakap sa kanyang likuran.

"We are here for you, Ash. Nandito kami para damayan ka sa sakit na nararamdaman mo. Alam kung hindi madali pero sana ay kayanin mo. Hindi lang para sa sarili mo kung hindi para narin sa mga taong nasa tabi mo at minamahal ka. We are always be there for you no matter what happen. You can cry at our shoulder, Ashley. Nandito kami na mga taong mahal na mahal ka." Humigpit ang pagkakayakap ni Alex sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa. Umiyak lang siya ng umiyak habang yakap ni Alex. Sa pag-iyak niya binuhos ang sakit na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Sobra-sobra siyang nasasaktan. She wants to be numb but her heart refuse to do so.

"If you don't want to come to your graduation, then it's fine. Just let me be with you today. I can't leave you like this. Hindi ko kayang iwan ka na nagdurusa at nasasaktan. We can't let you suffer alone." Iniharap siya ni Alex.

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Alex. Hinawakan nito ang kanyang pisngi at inalis ang kanyang mga luhang dumaloy.

"Gusto mo bang pumunta ng farm?"

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now