CHAPTER SPOILER TWO

24 1 1
                                    

“Hello, Ashley. Nandito ka pala?” narinig niyang tanong ni Lorenzo.

“She is here to disturb me again.” Natatawang wika ni Dennis.

Nagtaas siya ng tingin at sinamaan ng tingin ang kaibigan. Napasimangot siya sa sinabi nito. Ngumiti lang at umiling si Dennis. Tumingin ito sa kapatid na nakatingin pa din sa kanya.

“Kuya, pupunta na lang ako sa opisina mo mamaya. Tatapusin ko na lang ang mga kailangan kong permahan na mga papeles."

Tumingin si Lorenzo sa kapatid. “Okay. Let’s talk again before the meeting. I don’t want Mr. Soriano to get the approval of the board for this project.”

Tinunguan lang ni Dennis ang kapatid nito. Alam niyang pinapaalis na ni Dennis ang kapatid pero mukhang wala pang balak si Lorenzo dahil ibinalik nito ang tingin sa kanya.

“May kailangna ka kay Dennis. Maari ko bang malalam?”

Natigilan si Ashley sa magalang na pagkakatanong nito. Parang ibang tao ang kaharap niya ng mga sandaling iyon. Sinulyapan niya ang kaibigan. Nakapamasid lang ito at naghihintay ng sagot mula sa kanya. Nais niyang tuloy singhalan ito. Akala ba niya ay ayaw nitong maging malapit siya sa Kuya nito, bakit hindi siya nito tulungan. Tumikhim siya at sinalubong ang tingin ng lalaki.

“I’m asking him to be my model. May gaganapin kasing Summer Runway sa school. Kailangan ko ng model para sa gagawin kung damit,” sagot niya.

“Really?”

“Yes.”

Tumingin si Lorenzo kay Dennis. May naglalarong mapanuksong ngiti sa labi nito. Nagtatanong din ang tingin nito sa kapatid.

“And I told her I’m not doing it. Masyado akong maraming ginagawa para pagbigyan siya,” wika ng kaibigan.

“Kung ganoon ay wala ka makuhang maging modelo mo?” Tanong ni Lorenzo ng bumalik ang mga tingin nito sa kanya.

“Sad to say, yes.” Inis siyang tumingin sa kaibigan.

Tumawa lang si Dennis at ibinalik ang tingin sa papeles na binabasa kanina. Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Walanghiya talaga ito. Hindi man lang nito matulungan ang kaibigan.

“I can be your model.”

Sabay silang napatingin ni Dennis kay Lorenzo. May ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kanya.

Ito? Magiging model niya?

🌷🌷🌷

Hope you will like Ashley love story.

HanjMie

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon