CHAPTER FORTY-THREE

10 0 0
                                    


🌷🌷🌷

LOVE? PAANO ba masasabing mahal mo ang isang tao? Ashley doesn't know it until she meets her husband. Lorenzo Daniel Madrigal. He shows her what love is.

Kapag nagmahal ka hindi lahat ng oras ay laging masaya at maliwanag. It's human nature to be expose with different kind of pain. Simula ng minahal niya ang asawa ay naranasan niyang masaktan at lumuha. At kapag totoong mahal mo pala ang isang tao lahat ay gagawin mo para dito. Kahit ang mga bagay na hindi mo na-isip na kaya mong gawin.

But too much love is not a healthy one. Ashley realizes that moment that their love has no foundation. Ilang buwan silang naging magkasintahan bago nagpakasal at nagsama din sila sa maikling panahon. They love each other but they don't barely know each other that much. Mabilis ang lahat at hindi man lang niya pinag-isipan. Thinking about everything, she is not matured enough that time. Masyado siyang nagpadala sa emosyon niya at sa kagustuhang makasama ito. Sa takot niyang mawala ito sa buhay niya ay agad siyang nagpakasal dito.

"I love you, Ashley. I know by my heart that I love you. So please, don't dissolve our marriage. Let's work this out. This time I will be a better husband. I'll make up for all the pain I cause you. So please, please... Give me one more chance." Puno ng paki-usap na wika ni Lorenzo.

Ashley keeps on looking at Lorenzo. His sad eyes are saying that he really wanted us to be together. That he is begging her.

Ashley clears her throat. Para kasing may bumabara doon. "I'm sorry but I can't give you that. Let's end everything here, Lorenzo." Tumayo na siya.

She already made up her mind. It's better for them to be separated. Their marriage has no chance. Sasaktan lang nila ang sarili nila. Sa mga nangyari sa kanila noon at pahanggang ngayon ay nagpapatunay lang na hindi sila ang para sa isa't-isa. They are not meant for each other.

Lalabas na sana siya ng mabilis na hinawakan ni Lorenzo ang kanyang braso. Nagulat siya sa dumaloy sa kanyang katawan kaya mabilis niyang ibinawi ang kanyang braso na hawak nito. Nanlaki ang kanyang mga mata na tumingin sa asawa. Hinawakan din niya ang kanyang braso. Bahagya pa siyang umatras dito dahil napansin niyang napakalapit ng lalaki. She is not scared of anything but she is scared to be near with him.

"Ashley, I won't hurt you this time. So, please give me a chance. Just this one. I do be---"

"I can't. I can't give you that chance, Lorenzo." Bahagya niyang itinulak ang asawa.

Nilampasan niya ito at nanatili naman si Lorenzo sa kinatatayuan. Mukhang hindi nito inaasahan na tatanggi sya. Sinamantala naman iyon ni Ashley na kunin ang kanyang bago at naglakad papalit sa pinto pero ng hawakan niya ang siradora ay narinig niya ang isang malakas na ingay. Napatingin siya kay Lorenzo at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang kamay nito na nasa pader. May umaagos doon na dugo.

"Lorenzo..." Hahakbang na sana siya ng muling sinuntok ng asawa ang pader.

"Don't come near me, Ashley. I don't want to see you pity me. Kung nais mo talagang wakasan itong pagsasama natin ay wag kang magpapakita ng kahit anong emosyon sa akin." Puno ng sakit na wika nito.

"Lorenzo..." Napahawak si Ashley sa kanyang bibig. Unti-unting pumatak ang kanyang mga luha.

Nasasaktan siyang makita ito sa ganoong sitwasyon. Is he really doesn't want to dissolve their marriage that much? Talaga bang mahal siya nito kahit wala itong naalala sa nakaraan nila?

Bigla siyang nag-alangan at hahakbang na sana siya palapit dito ng bumukas ang pinto ng opisina. Mabilis siyang nilapitan ni Anna at hinawakan sa braso. Habang si Lj ay lumapit kay Lorenzo.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon