CHAPTER TWENTY-ONE

5 0 0
                                    


🌷🌷🌷

NAPATINGIN SI Ashley sa lalaking katabi. Hindi ito mapalagay kay hindi niya mapigilan ang isang ngiti na sumilay sa kanyang labi. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang ganito ang kasintahan simula ng magkaroon sila ng relasyon. He always composed. Well, except noong tinanong niya ito tungkol sa engagement nito sa ibang babae. She reaches out for his hand. Marahan niya iyong pinisil.

"Hey! They are kind. Wag kang kabahan," aniya.

"This is my first time meeting them after you become my girlfriend, my lady." Sagot nito.

"I know. Be confident, okay."

Nasa mansyon sila ng mga Saavadra. Doon nila na isipan magpinsan na magkita at para pag-usapan ang plano sa pagpapakasal niya kay Lorenzo. Nagawa niyang mapapayag ang mga ito sa kanyang gusto. Well, si Alex lang naman ang pinilit niya. Wala siyang narinig na kahit anong pagtutol kay Cole. Sinuportahan lang talaga nito ang desisyon niya.

Nang makitang bumama mula sa pangawalang palabag si Cole at Alex ay mabilis silang tumayo ni Lorenzo. Ngumiti siya sa dalawang pinsan. Nakasimangot si Alex habang nakatingin kay Lorenzo habang si Cole ay walang emosyon ang mukha. He is like that. Always like that. Hindi na siya magtataka kung bakit takot nga ang kasintahan sa dalawa niyang pinsan.

"Umupo kayo." Itinuro ni Cole ang sofa ng makalapit ito.

Sumunod naman sila ni Lorenzo. Umupo sa tabi ni Cole si Alex ng hindi inaalis ang tingin kay Lorenzo. Alam niyang tutol pa din ito pero dahil si Cole na ang nagsalita ay wala itong magawa. Si Cole pa rin kasi ang pinakamatanda sa kanila.

"I... I introduce myself first to y---"

"No need. Hindi naman kailangan ang pormal mong introduction, Mr. Madrigal. Gusto naman malaman kung anong plano mo sa pinsan namin." Hindi maitago ang inis sa boses ng pinsan.

"Alexander..." Galit niyang sinita ang pinsan sa tono ng boses nito.

Ngunit hindi siya pinansin ng pinsan bugkos ay binigyan pa siya ng masamang tingin. Hindi talaga ito magpapa-awat. Tanging kay Cole lang naman ito sumusunod. Huminga siya ng malalim at nakipagsukatan ng tingin sa pinsan. Hindi siya aatras dito kung iyon ang inaakala nito. Natigilan si Ashley ng may humawak sa kanyang kamay. Napatingin siya sa kasintahan.

"I want to marry Ashley. Alam kung hindi tama ang pagkakataon dahil magtatapos pa lang siya ng pag-aaral pero kung pahihintulutan niyo ay nais ko talaga siyang pakasalan. I love her and I seeing myself with her in my old age." Seryusong sabi ni Lorenzo.

Tumaas ang isang kilay ni Alex habang si Cole ay sumandal lang sa upuan. She is hoping that Cole will speak. Ito lang kasi ang makakatulong sa kanya. Isang salita lang nito ay wala ng magagawa pa si Alex.

"Seeing yourself getting old with her? Ganoon ka kasigurado kay Ashley?" tanong ni Alex sa kasintahan.

"Yes!"

"Kung ganoon ay sabihin mo iyan sa ama mo para itigil niya ang pagpapakasal mo kay Dela Costa." May paghahamon na wika ng pinsan.

"Alex, that's to much." Sigaw niya sa pinsan.

"What's too much, Ashley? Kung mahal ka niya ay ipaglalaban ka niya sa ama niya. What's too much about that?"

Hindi siya nakapagsalita. Alam niyang sinusubukan lang ni Alex ang kasintahan. Umiral na naman ang pagiging over protective nito. Hindi naman niya ito masisi. She is the only female cousin. Tanging siya lang ang malapit nitong pinsan bago dumating sa buhay nila si Cole. Kaya naman minsan ay hindi niya ito masisisi kung bakit ganoon ito umasta. Para na din kasing kapatid ang turing nito sa kanya. At siya pa ang pinakabatang pinsan nito.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now