CHAPTER TWENTY-EIGHT

21 0 0
                                    

🌷🌷🌷

GO OUT AND HAVE FUN. Iyon ang sinabi sa kanya ni Tita Ivy ng minsan siyang dinalaw nito sa opisina. Niyaya din siya nito na pumunta ng farm ngunit mariin siyang tumanggi. Wala kasi siyang balak na pumunta kahit saan. Mas nais pa niyang magkulong sa opisina at abalahin ang sarili sa trabaho. Kahit kasi papaano ay nakakalimutan niya ang sakit kapag abala siya. She knows it not right but she can’t stop.

She can’t let go of everything. Pakiramdam niya kapag wala siyang ginagawa ay may kulang sa kanya. Naalala niya ang katutuhanan na wala na ang asawa sa kanyang tabi. Ilang buwan na bang wala si Lorenzo. Two months? She lost the count. Ayaw din naman niyang magbilang dahil nasasaktan lang siya.

“What should we eat?” tanong ni Alex.

Kasama niya ng mga sandaling iyon ang dalawang pinsan. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya sinugod ng mga ito sa kanyang opisina at sapilitan na sinama. Cole and Alex are both busy with their business. Ngayon pareho-pareho na silang nagtapos ng pag-aaral at nakatuon na ang atensyon sa negosyo ng pamilya, hindi na sila madalas na nagkakasama. Madalas lang ay nagpapadala ng mensahe ang mga ito para sabihin sa kanya na kumain.

“Trixie told me about this new restaurant in BGC. It’s a restaurant with a different cuisine. Let’s try.” Sagot ni Cole.

“Really? Mahilig talaga sa food ang girlfriend mong iyon. Buti di iyon tumataba.” Pabirong wika ni Alex.

Hindi nagsalita si Cole. Napatingin siya sa pinsan. They know that Cole is dating Trixie. Ilang taon na din na magkasintahan ang dalawa.

“Can you turn on the waze?” tanong na lang ni Alex kay Cole dahil alam nitong hindi sasagutin ng pinsan ang tanong nito.

Cole is Cole. He will never change. Hindi nagtagal ay narating nila ang lugar na sinasabi ni Cole. May iilang tao na din doon at nasisigurado niyang mayayaman ang kumakain sa lugar na iyon. Kung pababasehan ang lugar masasabi nga talaga nila na hindi lang simpleng restaurant ang lugar.

Agad silang na-assist ng waiter kahit na wala silang reservation. Sakto daw ang punta nila dahil may bakante daw. Inalalayan siya ni Cole na maka-upo habang si Alex ay agad na tiningnan ang menu.

“What do you want, Ashley?” tanong ni Cole pagkalipas ng ilang minuto nilang pagkaka-upo.

She is reading the menu like her two cousins. Korean, Thailand, Chinese, Filipino, and Japanese food get her attention. Mayroon din naman Italian at western food pero wala kasi siyang hilig doon. Nagbibigay na ng order ang dalawa ng may tumawag sa pangalan ni Cole.

“Cole, you are here?”

Sabay silang napatingin sa bagong dating. Agad na napangiti si Ashley ng makilala ang lalaki na ngayon ay nakatayo sa tabi ni Cole. Agad na tumayo ang pinsan at niyakap si Kuya Timothy. Ilang buwan din nilang hindi ito nakita. Abala daw ito sa nagsisimulang career sa showbiz at sa negosyo ng Saturn Jewelries. Ito na kasi ang Presidente ng kompanya. Narinig din niya kay Cole na ito ang nag-dedesign ng ilang jewelries ng kompanya.

“What are you doing here, Kuya?” Masayang tanong ni Cole.

“I’m with my friend. Magkasama yata kayong tatlo?” Napatingin sa kanila si Kuya Timothy.

“Hi Kuya Tim,” bati ni Alex.

“Na-isipan lang namin ni Alex na kumain sa labas. Hinila lang namin itong si Ashley.” Umupo na si Cole.

Umupo na din sa katapat niyang upuan si Kuya Timothy.

“Is it okay that you join us, Kuya? Iyong mga kasama mo?” tanong niya dito.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon