CHAPTER ELEVEN

3 0 0
                                    

🌷🌷🌷

MAKANGITI SI ASHLEY habang nakatingin sa mga batang nagkakantahan at naglalaro sa malawak na palaruan sa bahay ampunan na iyon. Pinagmamasdan niya ang mga ito at binaliwala ang binatang nakatayo di kalayuan sa kanya. Ramdam niya ang ma-init na tingin sa kanya ni Lorenzo. Hindi pa rin siya makapaniwala na nandoon ang lalaki. Na tumutulong din ito sa bahay ampunan na iyon.

Ipinakilala ito kanina sa kanya ni Mother Princess. Nagpanggap siyang hindi kita kakilala at mukhang naki-ayon din naman sa kanya si Lorenzo dahil hindi ito nagsalita pa. Nalaman niya na mag-iisang taon na palang nagbibigay ng financial na tulong ang binata. Bilang din sa mga kamay ang pagpunta nito doon kaya hindi sila nagkakasabay.

Napakurap ng ilang beses si Ashley ng may lumapit sa kanyang isang batang babae. Ngumiti siya dito.

"Yes, Yanny? May kailangan ka baby girl." Yanny is five years old.

Naalala niya pa noong una itong nakita sa bahay ampunan na iyon. Mag-aapat na taon pa lang ang bata at marami siyang nakitang pasa sa braso nito. Ayon kay Mother Princess ay inaabuso daw ang bata ng ama kaya nagdesisyon na lang ang ina nito na ibigay ang bata sa bahay ampunan. Nagtatrabaho ang ina ni Yanny at walang mapag-iwanan sa bata kung hindi ang ama nito. Walang kamag-anak ang babae at hindi naman nito pwedeng iwan na lang kung kanino ang bata. Pagkatapos ibigay ang bata sa bahay ampunan ay hindi na muling nagpakita pa ang ina nito. Wala na rin naging balita ang mga madre.

"Ate, laro po tayo." Hinawakan ni Yanny ang kamay niya at hinila siya.

Sumunod naman siya dito. Hinila siya ng bata sa may swing. Umupo ito kaya pumisto siya sa likuran. Nang masigurado na maayos na ang pagkaka-upo ni Yanny ay saka niya tinulak ang swing. Napangiti siya ng marinig ang mahinang tawa nito. Masaya siya kapag nakikitang ganoon ito. Naalala niya kasi dito ang pinsang si Peter. Hindi man sinasaktan ni Tito si Peter physically pero verbally ay Oo. Para sa kanya ay mas masakit iyon. Tumatatak kasi iyon sa isipan ng tao at maaring dalhin hanggang sa pagtanda.

Natigilan si Ashley ng may taong tumayo sa isa ding swing. Nakita niya si Lorenzo na kasama ang isang bata. Tinutulak din nito ang swing kagaya niya. Mahina siyang tumikhim para alisin ang bumara sa lalamunan niya. Iniiwas niya din ang tingin dito. Iyong mga tingin niya ay hindi niya kayang salubungin. Hindi niya alam kung bakit hindi niya kayang labanan ang tingin nito. Noon naman ay kaya niyang makipagsukatan ng tingin sa ibang lalaki.

'Well, hindi kasi bumibilis ang tibok ng puso mo kapag tumitingin ka sa kanila. At wala kang paki-alam kung paano sila tumitig sa iyo. Hindi kagaya ngayon ni Lorenzo na para kang natutunaw at hindi mapalagay.' Kistigo ng kanyang isipan.

She tried to swipe that thought. Wala dapat siyang paki-alam sa lalaking iyon. Isa lang itong lalaki at kagaya din ito ng iba. Inihinto niya ang pagtulak ng swing ni Yanny. Ipinantay niya ang sarili dito.

"Gusto mo bang maglaro tayo ng iba, Yanny?"

"Anong gusto niyong laruin, Ate Ashley?" Inosenting tanong ng bata.

"How about we build a castle there?" itinuro niya ang sandbox. Kunti lang ang batang naglalaro doon.

Mas maraming lalaki sa bahay ampunan na iyon at karamihan sa mga ito ay naglalaro ng football at basketball. Malaki ang bahay ampunan na iyon pero hindi karamihan ang mga batang nandoon. May nga inaampon na din kasi sa mga ito. Kung may pumapasok ay may umaalis din.

Tumungo si Yanny na siyang ikinasiya niya. Nais niya kasing lumayo kay Lorenzo. She is not comfortable that he is near with her. Hinawakan niya ang kamay ni Yanny at naglakad na sila papunta sa sandbox. Nang makarating sila doon ay agad na naglaro silang dalawa ng bata. Nagpapasalamat siya at hindi sumunod si Lorenzo.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now