CHAPTER TWENTY-FIVE

8 0 0
                                    

🌷🌷🌷

“I BE HOME AFTER THIS,” wika niya sa kay Ashley.

“Bakit ikaw pa ang hahatid kay Alex sa farm ni Tita? May sarili naman piloto ang kompanya nila.” May bahid ng inis na wika ng asawa.

“You know your cousin. At saka, wala naman ito sa akin. Pinsan mo naman si Alex eh.”

Hindi niya mapigilan na ngumiti dahil sa sinabi ng asawa. Ashley is being over protective towards him. Ayaw daw nitong tinitingnan siya ng mababa ng mga tao. Kumalat na kasi ang ginawang pagtatakwil sa kanya ng ama dahil sa ginawang pagtangging pagpapakasal sa isang Dela Costa. Wala naman siyang paki-alam sa sasabihin ng ibang tao pero hindi ang asawa.

Walang nakaka-alam na nagpakasal siya kay Ashley. Ginawa ng ama ni Ashley ang lahat para hindi iyon kumalat. Na-intindihan naman niya kung bakit. Masyado pang bata ang asawa at baka kung anong isipin ng mga tao. Pinapanatili naman nila ng asawa ang pangako nila. Hindi muna sila magkakaroon ng anak habang nag-aaral ito. Nagkasundo sila na pagtungtung pa ng twenty-seven years old si Ashley bago sila magkaroon ng anak. Ayos naman sa kanya iyon. Nais pa rin kasi niyang maranasan ni Ashley ang ginagawa ng mga babae sa edad nito.

Hindi niya itatali si Ashley sa isang resposibilidad kahit na kasal na sila. Sana na nila isipin ang isang bagay kapag dumatin ang tamang sandali.

“Alex is pain in my a**. Tinuruan mo na siya kung paano magpalipad pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya marunong. Kung hindi ba naman siya bobo.”

Tunawa siya ng mahina dahil sa sinabi ng asawa. Hindi talaga magkasundo ang dalawa. Madalas na mag-away ang asawa at si Alex. Napapakamot na lang sila ni Cole ng ulo sa tuwing maririnig ang bangayan ni Ashley at Alex. Parang bata ang asawa kapag si Alex ang kasama. Noong una ay tinanong niya si Cole kung paano niya natatagalan ang ganoong ingay. Sinabi lang nito na nasanay na ito. Ayaw dina naman kasi nitong maki-alam sa ganoong eksena ng dalawa. At dahil laging ganoon ay dalawa ay nasanay na siya at natatawa na lang.

“Come on, my lovely princess. Pampanga is just a minute away from Kingstate. I be back in a flash.” Tumingin siya sa pinto ng rooftop ng bumukas iyon.

Alex is wearing a simple shirt and black maong pants. Pupunta ito ng farm dahil may kailangan itong pag-usapan negosyo kay Tita Ivy. Nakakagulat na iyon ang suot ng lalaki.

“My lovely Princess, I need to go. Your cousin is already here. See you later.”

“See you later, my naughtier princes. I love you.”

Isang napakagandang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “I love you too.”

“Please, fly safely.”

“I will. Bye.” Hindi na niya hinintay pa na tumugon ang asawa.

Pinatay na niya ang tawag. Binuhay na niya ang makina ng chopper. Nakikipag-usap pa naman si Alex sa sekretarya nito. Mukhang may iniutos ang lalaki. Nang sumakay sa chopper si Alex ay agad nitong isinuot ang headseat.

“Hey!” Itinaas niya ang isang kamay.

“Hi! Si Ashley ang ka-usap mo kanina?” tanong ni Alex.

Mukhang napansin nito na may ka-usap siya sa phone. Ang talas ng mga mata ng pinsan na ito ni Ashley. Napakaseryuso pa nito na siyang hindi halata kapag kasama nito ang dalawang pinsan. Ibang-iba kasi ang ugali nito kapag si Ashley at Cole ang kasama.

“Yes.” Sagot niya.

“Ang babae talaga na iyon. Ano na naman sinabi niya?” May pagmamaktol na sabi ni Alex.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon