CHAPTER FORTY-EIGHT

14 0 0
                                    

🌷🌷🌷

TITA IVY PROMISE HER THAT THEY WILL help her to convince her family. Alam na daw nito ang tungkol sa kanila ni Lorenzo. Wala naman daw kasing nakakaligtas dito. At inaasahan na din naman niya iyon. Kahit noon pa man ay alam na talaga nito ang lahat ng nangyayari sa kanila. Tita Ivy won't speak unless they volunteer. She said that whatever she decides, she will be there to support her.

Nakangiting sinalubong siya ng yakap ni Lorenzo ng bumaba siya ng lobby ng condo na tinutuluyan niya.

"How're your weekdays?" tanong ni Lorenzo.

"It was fine," sagot niya. "How about you?"

"It was okay but it will be more okay if I see you every day." Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya.

Napangiti siya sa sinabi nito. "But you know how busy we are. I don't want to compromise our healthy. Alam kong pagod ka na din sa trabaho."

Kumalas siya sa pagkakayakap kay Lorenzo. It's been a month since he got out from the hospital. Bumalik na din ito sa pagtatrabaho at magdadalawang linggo na rin. Pero bago ito bumalik sa trabaho ay madalas niya itong dalawin sa Antipolo. She will come there after her work. Mabuti na lang talaga at may bahay si Alex malapit doon kaya doon siya tumuloy sa loob ng dalawang linggo. Pinayagan siya nito sa kanyang kagustuhan.

"I know you listen to me. Thank you, my naughty prince." Binigyan niya ng halik sa labi ng asawa.

Ngumiti si Lorenzo at kinintilan din ng halik ang labi niya. They didn't care if they are in a public area. They love each other. Sa tagal ng panahon na nawalay sila ay wala na silang paki-alam sa mga tao. Mamatay ang mga ito sa inggit.

"Are your parents really coming?" tanong ni Lorenzo.

"Oh!" tumungo siya.

Muling bumalik ang kaba sa kanyang puso. Ngayong araw nila haharapin ang magulang niya. Napagkasunduan nilang harapin ito ngayon. Inabot din ng isang buwan ang paghihintay nila dahil na rin sa kondisyon nito. Lorenzo still can't remember their past. Slowly they accept it and said that they need to move forward. Sinabi din naman kasi ng doktor na kung ang druga na iyon ang dahilan ng pagkawala ng ala-ala nito ay maari talagang hindi na talaga maalala pa ni Lorenzo ang lahat. Maliban na lang kung may antidote daw.

They ask Sasha for help but she said that she had been trying to find the cure. As of now, she can't help them. Tinanggap na lang talaga nila ang lahat.

"Are you scared?" tanong niya sa asawa.

Hinawakan ni Lorenzo ang kanyang kamay at mahigpit iyong hinawakan. Naglakad sila palabas ng condo niya.

"I'm scared. I can't deny it. Alam kong galit sa akin ang mga magulang mo. Sinaktan kita pero haharapin ko pa rin sila. They are your parents and we need their approval. Kailangan kitang formal na makuha sa kanila." Huminto si Lorenzo sa tapat ng kotse nito. Sumandal ito sa kotse at inilagay ni Lorenzo ang kamay sa kanyang baywang

"I can't remember my past. Pero kung pagbabasihan ang mga kwento mo at ni Dennis. Hindi ako naging formal sa mga magulang mo. Pinakasalan kita ng wala silang alam. Kinuha kita sa kanila ng walang pagsang-ayon. I bypass your parents and it's not right. Na intindihan ko na ang ibig mong sabihan ng sinabi mo na gusto mong ipaalam muna sa mga magulang natin ang desisyon natin na magsama ulit. It's about respecting them.

It's about being formal to them. Magulang pa rin natin sila. Sila pa rin ang taong nagpalaki at nag-aruga sa atin. They deserve to know that everything happening to us. Hindi naman porket matanda na tayo ay hindi natin ipapaalam bawat desisyon natin. It's not about asking them what they want. It's about asking their own opinion and feeling as parents. Soon, we are going to have our own child. We will feel what they feel. Kaya ngayon palang ay dapat ilagay na natin ang sarili natin sa mga paa nila." Nakita niya ang isang ningning sa mga mata ng asawa.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now