CHAPTER SIX

5 0 0
                                    

🌷🌷🌷

      ASHLEY WON'T accept her defeat. Hindi isang tulad ni Lorenzo ang makakatalo sa kanya. She all plan everything while in vacation with her cousin. Isang plano ang na-isip niya at alam niyang walang magagawa ang isang tulad ni Lorenzo. Kung akala nito ay hindi siya lalaban pagkatapos ng ginawa nito ay nagkakamali ang binata. She will fight back.

Napatingin si Ashley sa mataas na building. Iyon ang main building ng Madrid Empire. At doon nag-oopisina ang lalaking gusto niyang bigyan ng leksyon. Lumabas siya sa taxi pagkatapos magbayad. Tumingin siya sa paligid. Maraming papasok ng building. Halatang mga empleyado doon. Sumabay siya sa mga ito para hindi siya maharang ng dalawang security. Mabuti na lang at pwede na siyang pagkamalang empleyado doon. Sumabay siya hanggang elevator. She easily blinds in.

Sa dulong bahagi ng elevator siya at nakinig sa usapan ng mga empleyado doon. Ang alam niya ay hindi doon ang main office ng hinahawakang kompanya ni Dennis.

"Nakita mo ba kahapon ang bagong nobya ni Sir Lorenzo?"

Pagkarinig sa pangalan ng lalaking pakay ay naging alisto ang pandinig ni Ashley. Kailangan niyang makakuha ng impormasyon. Baka may magamit siya laban sa lalaki. Tatlong babae ang ngayon ay kasama niya sa elevator.

"Oo, nakita ko nga. Flavor of the month ni Sir Lorenzo ngayon ang artistang si Tina Vane Yap." Isang malalim na paghinga ang ginawa ng babaeng mahaba ang buhok.

"Isa siyang malaking sayang. Nagpapaluko siya sa boss natin na alam ng lahat na dakilang playboy," wika naman ng babaeng nakatali ang maikling buhok. Mataas ang takong nito dahil ito ang pinakamababa.

"Well, baka umaasa na siya ang magpapabago sa boss natin." Natatawang sabi ng babae na naka-skirt. Ito ang babaeng unang salita kanina.

"She wishes. Malabong magbago ang isang tulad ni Sir Lorenzo. At sa ugali ni Boss, isang palaban na babae ang kailangan nito para putulin ang dalawang mahaba niyang sungay." Natatawang sabi ng huling babaeng kasama ng mga ito.

"Sir Lorenzo, won't change for a woman." Deklara ng babaeng mahaba ang buhok.

Tumaas ang isang kilay niya. Ganoon ba talaga ang tingin ng mga tauhan ni Lorenzo dito. Nakaka-awa naman ang binata. He had bad reputation inside his own company. Isinandal niya ang likod sa pader ng elevator at pinagkrus ang braso sa dibdib.

"Sinabi mo pa. Ngayon palang ay pinagdarasal ko na maging mabait ang langit kay Sir dahil kapag dumating na ang karma niya. Patay talaga siya."

"Bakit mo pinagdarasal? Sa dami ng niluko at pinaglaruan niya, tama lang na parusahan siya."

"Well, in free well din naman naging kasintahan ni Sir ang mga babaeng iyon. Hindi naman sila pinilit ng big boss natin. They know the consequences once they date him."

"You are right." Pagsang-ayon ng kasama nito.

"Hay! Kung may tao man akong hinahangaan sa magkapatid na Madrigal ay si Sir Dennis na iyon. Maliban sa masipag at matalino ay hindi pa playboy." Parang nanaginip na sabi ng babaeng mahaba ang buhok.

Nais niyang matawa sa sinabi ng babae. This girl has a crush on her best friend. Nakakalungkot man pero gusto niyang putulin ang kaligayahan at pantasya nito. Kinuha niya ang phone sa bag at tinawagan ang kaibigan.

"Hello!" Bati niya sa lalaki.

"Hey, napatawag ka?" tanong ni Dennis.

"Nasa building ako ng Madrid. I will meet your brother. We have unsettled business." Pasimple niyang sinulyapan ang tatlong babae.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now