CHAPTER EIGHTEEN

6 0 0
                                    

🌷🌷🌷

NAGISING SI Ashley sa tunog ng phone niya. She lazy pick-up her phone at the size table of her bed but when she saw who's calling her. Agad na nawala ang antok sa kanyang katawan. Sinagot niya ang tawag na may ngiti sa labi.

"Good morning, my lady." Malambing na bati ng lalaki sa kabilang linya.

"Good morning, my evil prince." Humiga siyang muli at pinakatitigan ang kisame ng kanyang condo.

Isang mahinang tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya. "How's your sleep? Are you still in bed?"

"I sleep well. And yes, I'm still tie up with my lovely bed."

"That's good but I guess you already need to get up. It's already six o'clock in the morning. You don't want to be late with your work. Traffic panigurado papunta sa opisina niyo ngayon."

Dahil sa sinabi ng kanyang kasintahan ay mabilis siyang napabangon at napatingin sa kanyang bed side clock. Tama nga it. It's already six o'clock in the morning. At kung hindi siya gagalaw ay mahuhuli siya sa opisina. Ngayong araw siya tuturuan ng kanyang ama. Tama na daw kasi ang training niya sa ibang parte ng kompanya nila. Kailangan na daw niyang matutunan ang pasikot-sikot ng Cazza Pilar. Mabilis naman daw siyang matuto kaya madali na lang daw pag-aralan ang iba.

"I need to go. Dad will kill me." Tumayo na siya sa kama niya.

"Okay, my lady. Good luck for you today."

"Thank you, my evil prince. See you later?" She is hoping that they can meet later.

"Yes. Magkita na lang tayo sa usual na lugar. I miss you already, my lady." Malambing na sabi ni Lorenzo.

Napahinto si Ashley sa pagpasok sa banyo. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi niya. Agad ding bumilis ang pintig ng kanyang puso. Nagwawala na naman iyon. Lorenzo never miss a day without doing such thing to her heart.

"I miss you too, my evil prince."

"I know. I love you."

"I love you too." Siya na ang pumatay ng tawag dahil sobrang kinikilig na siya ng mga sandaling iyon.

Tumili siya ng malakas bago pumasok ng banyo para maligo. She have a busy day but she already start it with a smile and it is because of her flirty boyfriend. Yes, her boyfriend. Hindi siya makapaniwalang nobyo na niya ang kaibigan. Wala pa silang pinagsasabihan ng kanilang relasyon maliban kay Tita Ivy. Hindi niya iyon matatago sa matanda dahil alam nitong umamin siya kay Lorenzo. At saka, lagi ng nakabantay sa kanya ang body guard na kinuha nito. Sa malayo lang ang lalaki at hindi pansin minsan pero alam niyang may nakabantay sa kanya. Hindi na siya tumutol pa dahil alam niyang iyon ang gusto ni Tita at para din naman sa kaligtasan niya.

Naging mabilis ang bawat galaw ni Ashley. Ang usual na make up routine niya ay binago niya. Sobrang traffic sa Edsa at baka ma-ipit siya kapag hindi niya binilisan. Kahit na may sarili siyang kotse ay hindi pa rin iyon rason para hindi siya gumalaw ng maaga. Kailangan niyang maging magandang halimbawa sa kayang magiging tauhan.

Hindi nga siya nagkamali. Na-ipit nga siya sa traffic sa Guadalupe. Well, gumagalaw din naman pero inabot pa rin siya ng ilang minuto. She arrives at the office thirty minutes before eight. Marami ng staff ang nandoon. Tuloy-tuloy siya hanggang elevator kahit na pinakatitigan siya ng mga tao doon. Kilala na din naman siya ng ilang staff ng Cazza Pilar. Pumupunta din naman siya doon kapag pinapatawag siya ng ama.

Narating niya ang top floor ng walang kasabay sa elevator. Walang nais sumabay sa kanya. Alam naman niya ang tingin ng tao sa kanya at wala siyang paki-alam doon. Nang marating ang opisina ng ama ay agad siyang sinalubong ang sekretarya nito.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora