CHAPTER THIRTY-NINE

8 0 0
                                    

🌷🌷🌷

ABALA SI Lorenzo sa pagbabasa ng mga papeles. Ilang linggo na siyang nakabalik sa Madrid Empire at kailangan niyang maging pamilyar sa lahat. Nang malaman niya na ang totoo pa lang niyang pangalan ay Daniel Lorenzo Madrigal ay agad niyang tinanong ang pamilyang kumupkop sa kanya. Sinabi ng mga ito na maaring siya nga ang namatay na anak ng may-ari ng sikat na airlines sa bansa. Sa tulong ni Shy at Shakeys, na siyang nagsabi sa kanya ng totoo niyang pagkatao ay lumapit siya sa totoong ama. They conduct a DNA test and he found out the truth.

Siya nga si Lorenzo Madrigal. Mabilis siyang tinanggap ng ama at kapatid. Kina-usap din siya ni Dennis patungkol sa asawa na si Ashley. Sa kapatid niya nalaman na kasal pala siya sa babae. At dahil doon ay napagtagpi-tagpi niya ang lahat. Kung bakit lumapit sa kanya ang babae. Dennis gives him the wedding photo. Pinaki-usapan niya ang kapatid na wag sabihin kay Ashley na alam na niya ang totoo dahil siya ang magsasabi sa babae. Nabanggit din kasi ng kapatid na naging best friend nito si Ashley kaya niya nakilala ang babae noon.

And everything is history. He confronted Ashley in everything. Nasaktan siya ng magpanggap ito na walang alam. Hindi man niya lubusan kilala ang babae dahil wala pa rin siyang naalala mula sa kanyang nakaraan pero alam niyang inalaman nito ang totoo niyang pagkatao. Nasisigurado niyang alam nitong siya si Lorenzo Madrigal. At kung pagbabasihan ang huling sinabi nito ay nasisigurado niyang alam na siya talaga ang namatay nitong asawa.

Up until now he doesn't know what to feel after knowing the truth. Ngunit iisa lang ang alam niya. Nasaktan siya ng sabihin ni Ashley na ipapa-annul nito ang kasal nilang dalawa. Limang araw na din ang lumipas mula ng magka-usap sila sa resort pero pahanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na annulment paper. Maybe, Ashley changes her mind. He is planning to talk to her after everything is settled down on his part. Marami pa siyang kailangan gawin ngayong bumalik na siya sa pamamahala ng Madrid Empire.

Natigilan si Lorenzo sa pagbabasa ng biglang bumukas ng malakas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok ang namumuklang mukha ng kapatid. Nakasunod dito ang kanyang sekretarya. Napatayo siya bigla at salubong ang kilay na hinarap ang kapatid.

"Hey! What happen?" tanong niya sa kapatid.

Ngunit hindi siya sinagot nito. Malalaking hakbang ang ginawa nito at ubod lakas siyang sinuntok. Napa-upo siya ng wala sa oras. Susugurin pa sana ulit siya ni Dennis ng pigilan ito ng kanyang sekretarya.

"Sir Dennis, huminahon po muna kayo."

Napahawak siya sa nasaktang panga at hinarap ang kapatid. "Hey! What's that for?"

"You asking me that right now. Sinabi mo sa akin na kaka-usapin mo ng maayos si Ashley pero anong ginawa mo." Sigaw ni Dennis.

Nagtagpo ang kanyang kilay. "We talk. I ask her for a space." Tumayo siya at hinarap ng maayos ang kapatid.

"Really? Iyon ang hinihingi mo sa kanya." Kumalas sa pagkakahawak si Dennis sa kanyang sekretarya. "Na-intindihan ko kung hindi mo pa kayang balikan siya. Everything is new to you. Tapos hindi mo pa naalala ang lahat pero ang saktan siya ay hindi ko mapapalampas, Kuya."

Huminga siya ng malalim. Sininyasan niya muna ang kanyang sekretarya na lumabas. Agad naman itong sumunod. Nang makalabas ang kanyang sekretarya ay muli niyang hinarap si Dennis. Namumula pa rin ang mukha nito pero alam niyang makikinig na ito sa kanyang sasabihin.

"I really talk to Ashley. Sinabi ko sa kanya na kailangan ko ng space between us. That was after we talk. Five days ago, she came to our resort in Pangasinan. Nagkita kami doon at nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan sa pagitan namin pero hindi mo ako masisisi. Inaway niya si Shy. Walang ginagawa iyong tao pero sinaktan niya. Natulak ko siya ng pinilit ko silang paghiwalayin. She told me that she will file an annulment. Ngunit hanggang ngayon ay wala siyang pinapadala." Paliwanag niya.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now