CHAPTER TWENTY-SIX

8 0 0
                                    

🌷🌷🌷

ANAK, ANG MABUTI PA siguro ay magpahinga ka muna. Kalalabas mo lang ng hospital at hindi ka daw pwedeng ma-stress.” Nag-aalalang wika ng kanyang ina.

Napatingin siya dito. Nasa sala sila ngayon ng mansyon ng mga Saavadra. Lahat sila ay nandoon at naghihintay sa tawag ng pinsan na si Cole at Alex. Tumawag kasi ang mga pulis at sanabing nakita na ang kanyang asawa. Nais niya sanang sumama ngunit pinigilan siya ng pinsan. Wag muna siyang sumama at baka lalong makasama sa kalusuyan niya. Dahil sa sobrang stress ay bumigay ang katawan niya. Wala siyang nagawa dahil pinagtulungan siya ng dalawang pinsan at ng kanyang ama.

“I’m fine, Mom. Let’s wait for Cole and Alex. Gusto kong marinig ang balita tungkol sa asawa ko.” Pinagdikit niya ang dalawang kamay.

Tatlong araw ng pinaghahanap ng mga pulisya ang katawan ng kanyang asawa. At sa tatlong araw na iyon ay hindi siya makatulog kung hindi nakaka-inum ng pampatulog. Her doctor recommended the pills. Kailangan niyang magpapakatatag pero sa tuwing uuwi ang dalawang pinsan at sinabing wala pa rin balita ay nanlalamo siya.

May naramdamang malamig na bagay na pumatak sa kanyang daliri si Ashley. Napatingin siya doon. Isang patak ng tubig. Hinawakan iyon ng babae kahit nanlalabo na ang kanyang mga mata. Isang kabig at mahigpit na yakap ang naramdaman niya.

“Everything will be alright, my daughter. Mahahanap din natin si Lorenzo.” Hinagod ng kanyang ina ang kanyang likuran.

“Ashley, why don’t you drink this water first?” isang malambing na boses ang narinig niya.

Nakita niyang nakatingin sa kanya si Tita Ivy. Umuwi ito mula farm para samahan siya. Hindi pa ito nakakabalik ng farm simula ng tumuloy siya doon. Sinabi niya sa ama’t-ina na nais niyang sa mansyon ng mga Saavadra tumuloy pagkalabas ng hospital. Pinayagan naman siya ng mga ito. Pakiramdaman kasi niya ay nakakahinga siya sa mansyon kaysa umuwi sa condo nila mag-asawa.

Sinabihan niya din ang staff ng condo na kapag dumating ang kanyang asawa doon ay agad siyang tawagan. Umaasa silang lahat na buhay si Lorenzo at ligtas ito. Ayaw nilang mawalan ng pag-asa. Bundok ang kinabagsakan ng chopper at ang sabi ng mga pulis ay malabong makaligtas ang piloto. Kung sa tubig sana bumagsak ang chopper ay may pag-asa pang buhay ang asawa niya. She doesn’t want to believe those word. Naniniwala siyang buhay ang asawa at makakasama niya.

Isang malakas na pag-iyak ang ginawa ni Ashley. Mabilis na umupo si Tita Ivy at hinagod ang likuran niya.

“Ashley!”

“Tita, mommy, he is safe right. He promises to me that he will comeback. Sinabi niya na hindi niya ako iiwan. Namamahalin niya ako habang buhay. Mom, we made a promise. He can’t live me like this. Lorenzo wants to build a house for me and our kids. Marami pa kaming planong dalawa. Ilang buwan pa lang kaming kinakasal, Mommy. Sasamahan pa niya ako sa pag-akyat sa stage. Magkakaroon pa kami ng anak kapag sumapit na ako sa tamang edad. Hindi niya ako pwedeng iwan ng ganito, Mommy.” Sigaw niya.

Kinabig siya ng ina at niyakap. “He will be alright. Nahanap na din naman siya. Let’s pray and hope that he is safe, Ashley. Don’t cry, anak.”

“Malakas na tao ang asawa mo, Ashley. Malalampasan niya ito.” Hinagod naman ni Tita Ivy ang kanyang likuran.

“I can’t live without him, Mom. Mahal na mahal ko si Lorenzo. Mahal na mahal ko ang asawa ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin, Mommy. I want my husband. I want to see him and hug him.”

Ashley feels so hopeless. Wala siyang ibang nais ng mga sandaling iyon kundi ang makita ang asawa at mayakap. She misses his embrace. She misses his sweet smile, his sweet words and his cook. She badly needed him to be her side right now. Pakiramdam niya ay hinahati ang puso niya ng mga sandaling iyon. She wanted to be strong like what her cousin said but she can’t. Walang ibang nararamdaman ang puso niya kung hindi sakit at pighati.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Kde žijí příběhy. Začni objevovat