CHAPTER THIRTY-ONE

7 0 0
                                    


🌷🌷🌷

"ARE YOU OKAY?" Malakas na sigaw ang narinig niya mula kay Enzo.

Doon lang natauhan si Ashley at naramdaman ang hapdi sa kanyang kamay. Napatingin siya doon. Hahawakan na sana ni Enzo ang kamay niya ng unahan ito ng lalaking kanina pa niya kasama sa mesa.

"Kailangan magamot agad ito kung hindi magkakaroon ito ng piklat. Tara samahan na kita." Hinila na siya ng lalaki bago pa siya nakapag-react.

Walang nagawa si Ashley dahil nagulat pa rin siya ng makita ang nag-aalalang mukha ni Enzo. Alam niyang hindi dapat siya umasa lalo pa at hindi siya sigurado na ito nga ang asawa niya. Nakarating sila sa isang sulok ng restaurant kung saan may maliit na lababo. Agad na tinapat ng lalaki sa tubig ang kamay niya.

"You should be careful you know," anito.

"Thank you." Tanging nasabi niya.

Tumingin siya sa lalaki. This guy in front of her is handsome. Matangkad ito ng kunti sa kanya. Maganda din ang katawan na sigurado siyang alaga ng ehersisyo. Magulo ang buhok nito nahalatang kamay lang ang ginawang suklay. His eyes are like a regular Pilipino. Brown na brown iyon. Hindi ganoon katangos ang ilong nito ng lalaki pero bumagay naman sa mukha nitong hugis diamond. Mapula ang labi. Pero ang nakaka-agaw pansin ay ang mahaba nitong pilik-mata. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking ganoon.

"If you stare at me like that, I might think that you have a crush on me." May himig ng pabirong wika nito.

Dahil sa sinabi ng lalaki ay hinatak niya ang kamay. "I can do it alone." Malamig niyang wika.

Narinig niya ang mahinang tawa ng lalaki. Hinayaan siya nitong ibabad ang kamay niya sa tubig pero hindi naman ito umalis. Sumandal lang ito sa dingding at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.

"Anong pangalan mo, Ms. Clumsy?"

Tumingin si Ashley sa salamin para tingnan ang lalaki. Mataman din pala itong nakatitig sa kanya. Umiwas siya ng tingin at pinatay ang gripo. Kumuha siya ng tissue na pinunasan ang kamay niya. Hindi niya pinansin ang lalaki pero mabilis siya nitong pinigilan sa braso ng hahakbang na sana siya. Mabilis niyang binawi ang braso dito. Binigyan niya ang lalaki ng masamang tingin.

"Hey! It didn't mean anything. I just want to know your name." Itinaas lang ng lalaki ang dalawang kamay na parang sumusuko.

Inirapan niya ito at iniwan. Mabilis naman itong nakasunod sa kanya.

"You know, if you have a crush on my future brother-in-law, I will stop you. Hindi ako mananahimik sa isang sulok. I don't want to see my older sister crying." Bulong ng lalaki.

Napahinto sa paglalakad si Ashley at hinarap ang lalaki. Naiinis siya sa sinabi nito. Anong karapatan nitong pagbantaan ang isang tulad niya? Mukhang hindi nga siya kilala ng lalaking ito. Inilahad niya ang kamay dito.

"Ashley Samantha Elizabeth Cortez-Dela Costa. That's my name. You can't threaten me, Mister." Inis niyang wika.

Tumaas ang isang sulok ng labi ng lalaki. "So, makakaharap ko pala in person ang isang Ashley Cortez. Shake Felix Gregorio, I'm a soldier." Tinanggap ng lalaki ang pakikipagkamay niya dito.

"I don't care." Mabilis niyang binawi ang kamay dito.

"So, you really have a crush on Enzo."

"I don't have. He just looks like someone I know. That's all. If you don't mind, I get my stuff at the table." Tinalikuran na niya ito.

Naglakad na si Ashley pabalik sa mesang inakupa kanina ngunit natigilan na siya ng makita kung sinong naka-upo doon. Napahinto siya ng makita kung paano tumawa si Enzo habang nakatingin sa babaeng kasama. They look so happy. Iyong ngiti ni Enzo ay masasabi niyang kagaya ng ngiti ni Lorenzo kapag kasama siya. May munting kirot sa puso ni Ashley. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng kanyang damit.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon