CHAPTER TWENTY-FOUR

5 0 0
                                    

🌷🌷🌷

"YOUR FATHER LOVES YOUR MOTHER." Iyon ang pa-ulit ulit na naririnig ni Lorenzo sa kanyang isipan.

Kahit na naka-uwi na siya sa penthouse nila ni Ashley ay iyon pa rin ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman.

'Ang alam ko ay nagkita ang ina't-ama mo sa isang event at agad itong nagustuhan ng ama mo. He did everything to get your mother but your mother only loves my cousin. Kahit na walang nagawa ang ina mo ng ipakasal ito sa ama mo ay nagpatuloy pa rin ang pag-iibigan nila. I know my cousin and your mom is at fault for having an affair but you can't blame them. They love each other and your father stole the happiness they deserve.'

Kahit saan tingnan ay mali talaga ang ginawa ng ina na makipagrelasyon sa ibang lalaki habang kasal pa rin sa kanyang ama. Hindi iyon tama. At hindi din tama ang ginawa ng ama na sapilitan ikasal ito ang kanyang ina. Parehong nagkamali ang kanyang magulang at sila ang nasasaktan ni Dennis dahil doon. Ngayon ay sila naman ni Ashley ang nagkakaganoon.

'History repeat now but this time, you choose the one you love. Mas matapang ka sa ina mo Lorenzo. Sana ay wag mong sasaktan ang anak ko.'

Tama ang sinabi ng ama ni Ashley. History repeats at all. Sa pagkakataon na iyon ay sila naman ni Ashley pero hindi niya hahayaan na magdusa ang asawa ng kagaya ng kanyang ina. Hindi siya makakapayag na pareho silang masaktan ni Ashley dahil sa kanyang ama.

"Hey! Are you okay?"

Napakurap si Lorenzo ng marinig ang tanong na iyon. Nagtaas siya ng tingin at nakita ang magandang mukha ng asawa.

"Hey! Kanina ka pa?" Ibinuka niya ang dalawang braso.

Agad naman nakuha ng asawa ang ibig sabihin dahil yumakap ito sa kanya at umupo sa kanyang kandungan. Naka-upo siya sa mahabang sofa ng sala. Ang penthouse na tinutuluyan nila ay regalo ni Alex sa kanila ni Ashley pero may balak sila ng asawa na lumipat ng bahay. They don't want to live in that place ang rise their child on small space. Ngayon ay nag-iipon siya para makabili ng lupa sa isang subdivision at patayuan ng sarili nilang bahay.

Napangiti siya ng makita ng malapitan ang mukha ng asawa. Ashley is very beautiful woman. Hindi siya makapaniwala na mahuhulog ang loob niya dito. Napakabilis ng lahat sa pagitan nila pero hindi niya pinagsisihan ang lahat. All he saw in his future is with her. Ito lang ang babaeng mamahalin niya ng ganoon.

"How's your day?" Inihawi niya ang mga buhok nitong tumakip sa mukha nito.

"Tired. Umikot kami sa mga branches ng jewelry store ng kompanya. I check if everything is alright and in right place." Isinandal ng asawa ang ulo sa kanyang dibdib.

Niyakap niya ng mahigpit ang asawa. "Handling a big company like Cazza Pilar is not an easy job. Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong hawakan ang kompanya ng pamilya niyo?"

Nagtaas ng tingin si Ashley. Isang napakagandang ngiti ang sumilay sa labi nito. "Kahit nakakapagod ay masaya pa rin ako, my evil prince. I never been happy in my life. Lalo pa ngayon at kasama kita. Nawawala ang pagod ko kapag ganitong yakap mo ako."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Masaya din ako, my princess wife."

Muling inihilig ni Ashley ang sarili sa kanyang dibdib. Lorenzo's heart jump with joy. Napakasaya niya ng mga sandaling iyon. Dahil sa ginawa niyang pakikipag-usap sa ama ni Ashley ay may kung anong nawala sa kanyang puso. The fear that creap in his heart because of the past makes him anxious. Natatakot siya na baka iyon ang maging dahil ng pagkawala ng kanyang asawa sa tabi niya. Natatakot siya na mawala sa buhay niya si Ashley.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now