CHAPTER SEVENTEEN

4 0 0
                                    

🌷🌷🌷

WALA NA SIYANG narinig kay Dennis pagkatapos niyang sabihin dito ang nararamdaman sa Kuya nito. It may be not direct confession but she knows that Dennis gets her truly feels. Alam niyang kaka-usapin pa rin siya ng kaibigan patungkol sa Kuya nito at handa naman siyang sagutin ito ng totoo. After all, he is her friend.

"Thinking something?"

Nagtaas ng tingin si Ashley ng marinig ang tanong na iyon ni Tita Ivy.

Nasa mansyon siya ngayon ng mga Saavadra. Nang sinabi ni Cole na lumuwas ng Maynila ang ina nito ay agad siyang pumunta ng mansyon para maka-usap ang matanda. She misses her.

"It's nothing po, Tita." Nasa library sila sa third floor. May hawak siyang libro at ganoon din si Tita Ivy.

"Ashley, kilala kita anak. May gumugulo diyan sa isipan mo. Care to share to me?"

Inilapag ni Ashley ang hawak na libro at tumingin kay Tita Ivy. Talaga ngang kilala siya nito dahil alam nitong may bumabagabag sa kanya ngunit nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba dito ang lahat. Iyong huling pag-uusap nila ay sinabihan siyang layuan niya si Lorenzo dahil hindi ito nakakabuti sa kanya. She tried to follow those because she doesn't want her to be disappointed with her.

Tumikhim si Ashley para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. "Tita... I... I think I'm fallen to someone."

"Really?" May isang ngiti na sumilay sa labi ni Tita Ivy. "Who's the lucky guy? Are you planning to introduce him to us?"

Hindi siya nakapagsalita. Yumuko lang siya. Kinagat niya muna ang labi bago nagsalita. "His... his name is... Lorenzo Madrigal."

Wala siyang narinig na kahit anong salita mula kay Tita Ivy. Kahit singhap ay wala siyang narinig. Nagtaas ng tingin si Ashley para makita ang reaksyon nito. Isang magandang ngiti ang nakasilay sa labi ni Tita Ivy. Tumayo ito at lumapit sa kanya.

"You really love him?"

"Hindi pa po ako ganoon kasigurado, Tita." She said honestly.

Tita Ivy eyes spark upon hearing what she said. "What do you feel when you are with him? Tell me, Ashley. Ano bang nangyayari dito sa puso mo sa tuwing kasama mo siya?" Itinuro pa ni Tita Ivy ang kanyang puso.

"My heart is loud and crazy. He makes me smile and happy. I feel so special when I'm with him. Pakiramdam ko ay ibang tao ako kapag kasama ko siya. I don't know, Tita. But everything is new to me. What I feel to Lorenzo is very new to me." sagot niya.

"Oh! Ashley!" Hinawakan ni Tita Ivy ang kamay niya at pinisil.

"Tita, aren't you disappointed with me? Sabi mo sa akin noon ay dapat ko siyang layuan dahil hindi siya nakakabuti sa akin. Are you mad at me?" May pag-aalalang tanong niya.

Umiling si Tita Ivy. "Why should I?"

"Because..."

"I know you follow what I said, Ashley. Kagaya ng sabi ko, kilala kita. Pero talagang minsan may mga bagay tayong hindi pwedeng ipilit. May mga bagay tayong hindi inaasahan na mangyari sa buhay natin. I'm disappointed but happy for you. Ang nag-iisang dalaga ko ay natuto na din na magmahal. Masaya ako dahil may nagpatibok na din ng puso mo."

"Tita..."

"I won't stop your happiness, Ashley. Buhay mo iyan. Kaligayahan mo ang nakataya. Wala akong ibang hiling sa inyong apat kung hindi ang kasayahan niyo. Ang makitang magmahal kayo ng taong pipiliin niyo. I want you to fall to the person your heart choice."

"Thank you, Tita." Niyakap niya si Tita Ivy. She feels so relief knowing that Tita Ivy approved her love to Lorenzo.

"I'm always here for you, Ashley. Para na kitang anak." Hinagod ni Tita Ivy ang kanyang likuran.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon