CHAPTER FORTY-FOUR

10 0 0
                                    


🌷🌷🌷

ASHLEY AND TIMOTHY WAS IN the roof top when they saw a car at the gate. Nagsalubong ang kilay nilang dalawang magpinsan. Wala silang inaasahan bisita. Anna already goes home together with Alex. Marami daw gagawing trabaho ang dalawa at maagang papasok ng opisina. Malayo din kasi ang mansyon sa main office ng Kingstate. Bumukas ang gate at nakita nila ang plate number ng sasakyan.

"Is that Jacob? Hindi ba at ang sabi niya ay pupunta siya ngayon ng headquarters." Nagtatakang tanong ni Kuya Timothy sa kanya.

Nagkibit balikat siya. Umalis silang dalawa ni Kuya sa harang ng roof top at bumaba para salubungin si Jacob. Naabutan nilang binubuksan ni Inay Lucing si Jacob. Sinalubong nila ang tao.

"Jacob, it's already late. Why are you here?" tanong ni Kuya Timothy. "And why are catching your breath like you didn't ride your car?"

Tumayo ng maayos si Jacob bago pinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Kuya Timothy. May takot sa mga mata nito.

"I have bad news."

Naging alerto sila bigla ni Kuya Timothy. "What happen?"

"Late this afternoon, someone saw Dennis Renzo Madrigal shot. Nasa ospital siya ngayon at critical."

"What?" nanlaki ang mga mata niya. Binundol siya ng kaba.

Hinawakan agad siya sa balikat ni Kuya Timothy. "What happen? Sinong may gawa noon kay Dennis?"

"Wala pang lead ang mga polisya. Basta na lang may nakakita sa kanya ng maligaw ang isang sasaktan sa lugar. He was outside his car. At habang papunta ako dito ay tumawag sa akin si Lj. He asks me if Lorenzo was in the scene but according to the person saw Dennis, he was alone."

"Oh my god!" napahawak siya sa labi niya.

"Bakit natanong iyon ni Lj?" Si Kuya Timothy na ang nagtanong sa kay Jacob.

"Dahil si Dennis ang sumundo kay Lorenzo sa DL Law Firm kanina at ang daan na tinatahak nila ay ang madaling daan pa-uwi sa bahay ni Dennis."

Napahawak siya kay Kuya Timothy ng biglang manginig ang kanyang tuhod. Sumisikip ang kanyang dibdib kaya napahawak doon ang isang kamay niya.

"Ashley, hold to yourself." Inalalayan siya ni Kuya Timothy na maka-upo sa sofa. "Inay Lucing, pwede pong kumuha kayo ng tubig?"

"Sige, senyorito." Patakbong pumunta ng kusina ang matandang katulong.

Habol ni Ashley ang kanyang paghinga ng mga sandaling iyon. Naninikip ang kanyang dibdib. Muling bumalik sa kanyang isipan ang nangyari pitong taon na. Ang araw na nalaman niyang nag-crash ang chopper na dinadala ni Lorenzo. Unti-unting pumatak ang kanyang mga luha.

"It's all right, Ash." Niyakap siya ni Kuya Tim habang hinahagod ang kanyang likuran.

Ngunit para ng baliw na walang naririnig si Ashley. Her heart is breaking, her mind is in chaos. Ayaw gumana ng matino niyang isipan. Those memories of the past keep in flashing and messing with her mind. Lalong lumakas ang pag-iyak niya.

"Ashley, Lorenzo will be alright. We will find him. Okay? So, you need to calm down." Puno ng pag-aalalang wika ni Kuya Timothy.

"Tim, you know who possible do this to Lorenzo. Everyone already knows that he is alive. Maaring nakarating na din sa kanya kaya ginawa niya ito," wika ni Jacob.

"I know. It possible be." Nagtaas ng tingin si Timothy. "Can you make a call to Patrick? Sabihin mo itong hinala natin. I make Ashley calm down first."

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu