CHAPTER THIRTY-EIGHT

7 0 0
                                    

🌷🌷🌷

HUMINGI NG TULONG si Ashley kay Drake Pittman. Alam niyang mabilis na mahahanap ng lalaki si Lorenzo. Hindi naman siya nagkamali dahil mabilis ngang nahanap ni Drake si Lorenzo at ngayon nga ay pupuntahan niya ang asawa kasama si Peter at Alter. Hindi na niya sinabi kay Alex at Kuya Timothy ang ginagawa dahil nasisigurado niyang pipigilan lang siya ng mga ito. At dahil mas kilala ni Peter at Alter si Drake sa mga ito siya nagpasama.

"Are you sure that you are going to talk to him?" May pag-aalalang tanong ni Peter sa

kanya.

"Yes. May karapatan naman siyang malaman na magkaka-anak na kami. At saka, maaring magka-ayos kami kapag nalaman niyang buntis ako." Umaasa siya na magkakabalikan sila ng asawa at maayos ang gusot sa pagitan nila kapag nalaman nitong buntis siya.

Hindi nagsalita si Peter. Napansin niya ang lungkot sa mga mata nito kaya ngumiti siya dito. Alam niyang nag-aalala ito para sa kanya at sa dinadala niya pero kaya naman niya ang sarili. She is Ashley Cortez. No one can stop her if she wants something.

Ayon kay Drake ay nasa Pangasinan si Lorenzo. Sa resort ng pamilya Cruz. May inaayos daw doon ang binata kaya hindi maka-alis ng resort. Ayon din ito ay may balak na ipasok ni Lorenzo sa Madrid Empire ang resort ng mga Cruz. She doesn't know every detail but she thinks that Lorenzo already accepted that he is her lost husband.

Nang marating nila ang resort ay ipinarada ni Alter ang kotse sa parking area. Sinamahan siya ng dalawa hanggang sa receptionist. Agad na ngumiti ang babaeng nandoon ng makita siya.

"Good afternoon, Ma'am. May I help you?"

"Nandito ba ang manager niyo?" tanong ni Peter.

"Si Sir Enzo po ba ang hinahanap niyo?"

"Yes, Miss. Can we speak to him?" Si Peter pa rin ang nagtanong sa babae.

"Let me speak first to his assistance. May I know who's looking for him?"

"Please tell him that Ashley Cortez is here to talk to him." sagot niya.

"Okay po, Ma'am." Dinampot ng babae ang telephone at may tinawagan. Mabilis naman ang pakikipag-usap ng babae at ngumiti sa kanya.

"I'm sorry, Ma'am. But Sir Enzo is currently busy right now. He has an important guest. If you want we can set an appointment for you but that will be next month. His schedule for this month is currently tight."

"This is impossible. He knows that you came here from Manila and that's what he is going to say." galit na wika ni Alter.

"Huminahon ka nga, Alter," wika ni Peter at hinawakan ang braso niya. "Miss, we really need to speak to him. Sabihin mo kay Mr. Cruz na hindi kami aalis dito hanggang di siya nakaka-usap. Either he makes time for us or we do something here."

"Sir, masya—"

"Tell him that this will be the last time I will talk to him. After this, I will never show up in front of him." pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na siya.

"Ashley!" sigaw ni Peter at mabilis siyang hinabol.

Hindi naman siya lumabas. Umupo lang siya sa sofang nandoon. Hindi siya aalis sa lugar na iyon hanggang hindi nakaka-usap ang binata. Kailangan niyang masabi ang lahat dito. At kung anuman ang magiging desisyon nito ay wala na siyang magagawa pa. It's up to Lorenzo now what will happen to their marriage life.

Sumunod sa kanya ang magkasintahan. Umupo din ang mga ito at hinintay ang kanyang asawa. Ilang minuto din siyang nandoon bago may taong humarap sa kanya. At kumulo ang dugo ni Ashley ng makita kung sino ang nasa harap niya ng mga sandaling iyon.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now