CHAPTER THIRTY-TWO

8 0 0
                                    

🌷🌷🌷

NASA BALCONY NG tinutuluyang kwarto si Ashley at nakatutok sa kanyang laptop ng may narinig na pagkatok. Nagsalubong ang kilay niya. She is not expecting anyone. Kahit room service. Inilapag niya sa mesa ang kanyang laptop at pumasok ng kanyang kwarto. Binuksan niya ng maliit ang pinto. Tumaas ang kilay niya ng makita kung sino ang nasa labas ng kanyang kwarto.

"Hi." Nakangiting bati ng lalaki.

"May kailangan ka?" tanong niya dito.

"Well, I'm here to ask you out. Napansin ko kasing hindi ka lumalabas ng kwarto mo. Wala din akong masyadong ginagawa. Baka gusto mong samahan ako?" Ngumiti sa kanya si Enzo.

Biglang pumasok sa kanyang isipan ang dahilan ng pagpunta niya doon. Tumikhim siya.

"Well, wala nga akong ginagawa at hindi ko din naman alam kung anong pwedeng pagka-abalahan. A tour won't hurt."

"Then... Let's go." Inilahad ng lalaki ang kamay nito.

"Ahm... wala bang magagalit kung sasamahan mo ako?" Na-alala niya ang kasintahan nito.

She maybe suspected that Enzo is Lorenzo but she doesn't want to hurt someone. Hindi siya pumunta doon para manira ng relasyon. She is not like that. Hindi pa naman niya napapatunayan na ito si Lorenzo. Wala pa siyang karapatan kay Enzo.

Nagkunod ng noo nito. Binigyan din siya ng nagtatanong na tingin.

"Your girlfriend. Hindi ba siya magagalit kung sakaling samahan mo ako?" tanong niya.

"Ah... Si Shy?" Mukhang nakuha ng binata ang ibig niyang sabihin. "She is not here. Lumuwas siya ng Maynila kasama ang kapatid niya. At saka, hindi iyon magagalit."

Gustong tumaas ang kilay niya. Hindi niya alam pero may pagtutol ang puso niya. Maybe because she also a woman. Kahit naman kasi may pagtingin siya sa isang lalaki ay wala siyang planong mangagaw at manakit ng ibang tao.

'You need his hair, Ashley. You need to move your ass.' Kistigo ng isang bahagi ng kanyang isipan.

"Okay. Can you wait for a while? Mag bibihis lang ako," aniya.

"Okay. I can wait. Take your time." Tumalikod na ang binata para sumandal sa pader.

Isang maliit na ngiti ang ginawa ni Ashley bago sinarhan ang pinto. Mabilis siyang nagbihis. Itinali na lang niya ang mahabang buhok at nagsuot ng sombrero. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng binata. Mas mabuti na iyong handa siya. Pinili niyang magsuot ng puting t-shirt na may print ng pangalan ng brand niya at pinaresan ng maong short. She tuck-in her white shirt. Sandals with straps around her legs for her feet. Kinuha niya ang blue sling bag niya at nilagay ang kanyang phone at wallet bago lumabas ng kanyang kwarto.

Nang humarap siya kay Enzo pagkatapos isara ang pinto ng kanyang kwarto ay nakita niyang mataman na nakatingin ang binata sa kanya, lalo na sa kanyang mahabang binti. Nakadama tuloy ng pagka-ilang si Ashley. Gusto niyang pagsisihan na nag-short siya. Her legs are expose.

Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng binata. Napatingin naman ito sa kanyang mukha at mukhang natauhan sa ginawa. Isang ngiti ang binigay nito.

"Let's go."

"Y-yay! Let's go." Na-utal nitong sagot. Mukhang kinabahan ito dahil nahuli niyang nakatingin sa kanyang legs.

Hindi na niya iyon pinansin pa at na-una ng naglakad. Mabilis naman sumunod sa kanya ang binata. Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Nararamdaman niya ang tensyon sa pagitan nila ni Enzo. Ashley knows that something is different inside of her. Gusto niya iyong baliwalain pero hindi niya magawa. Napakalakas ng hatak ni Enzo sa kanya. Ibang-iba ang nararamdaman niya. At ang nararamdaman niya ngayon ay masasabi niyang katulad noong walong taon. Mga panahon na kasama niya pa ang asawa. Iisang tao lang ang nagbibigay ng ganoong tensyon sa katawan niya at ngayon niya ay nagaggawa ng taong katabi niya.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now