CHAPTER TWENTY-NINE

7 0 0
                                    

🌷🌷🌷

NAIS SANA BUMALIK NI ASHLEY ng Pangasinan pagkatapos ng makita niya pero hindi niya nagawa dahil dami ng kanyang trabaho. Sunod-sunod din ang project ng Saturn Jewelries at Cazza Pier Accessories. Isa iyong collaboration ng dalawang sikat na jewelry at accessories maker ng bansa. Simula ng magkaroon ng collab ang kompanya nil ani Kuya Timothy ay lalong lumaki ang sales ng kompanya nila. They both earn because of that collaboration. Kaya naman pinagpatuloy na lang nila.

Hindi alam ni Ashley kung nagmamalik mata lang ba siya ng araw na iyon dahil hindi siya sigurado kung si Lorenzo ba ang lalaking nakita. Walong taon ng patay si Lorenzo. Nakita niyang inilibing ang katawan nito kaya paanong nasa Pangasinan. Maaring kamukha lang ng kanyang asawa ang lalaki.


"Ma'am Ashley, this the contract for Sell Pharmacy. Ito din po ang proposal na binigay ng The News Buzz Mag." Ibinaba ng kanyang sekretary na si Shayne ang isang folder.

"Thank you, Shayne. Can you also give me my schedule for the rest of the day?"

Marami siyang meeting ng araw na iyon. Iyon ang nasisigurado niya. Marami siyang kailangan ayusin lalo na ang malaking kompanya ang hawak niya.

"Here it is, Ma'am Ashley." Ibinaba ni Shayne ang isang planner.

"Thank you. You can go back to your work now."

Agad naman tumalina ang kanyang sekretarya. Ibinalak na niya ang atensyon sa mga dokumentong nasa harap niya. Being the CEO of Cazza Pilar is not an easy task. Madami siyang ginagawa at halos kunti na lang ang pahinga. Minsan kapag weekends ay nagtatrabaho pa siya. Pero kahit ganoon ay masaya pa rin siya. She makes her parents proud. Napatunayan niya kasi na siya ang nararapat na maging CEO ng Cazza Pilar. Iyong unang taon niya bilang CEO ay maraming tao ang tinanong kung kaya niya ba. Lalo na at hindi naman siya nagtapos ng business course.

Kaya naman nagsumikap siya na pag-aralan ang lahat. Mabuti na lang at nandiyan ang mga pinsan niya na todo suporta sa kanya. Sa mga ito niya natutunan ang ilang bagay tungkol sa pamamahala ng kompanya. At sa walong taon ay nagkaroon pa ng isang kompanya na bahagi ng Cazza Pilar, ang kanyang clothing brand. Ang Orenz Branding. Sa ngayon ay nandito pa lang sa Philippine Market ang brand niya at plano niyang pasukin ang Asian Market. Hindi siya titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto.

Natigil sa kakabasa ng dokumento si Ashley ng tumunog ang kanyang phone. Kinuha niya iyon at napataas ng kilay ng mabasa ang pangalan ng kaibigan. She answers the phone.

"Hello." Pormal niyang bati.

"Hello, Ms. Rich woman. Do you have a meeting later?" tanong ng babae sa kabilang linya.

"Huh! Let me check." Kinuha niya ang planner na binigay ng kanyang sekretarya. "I don't have one. Why?"

"Well, well, well... Let's bar hopping later."

Napangiti siya at napasandal sa swivel chair. "Are you bored? Or something bad happen, Selle?"

"Oh! You really know me. Nagkita na naman kami ng walang-hiyang ama ng anak ko. Pinaglalaban na naman niya ang legal rights niya. Gago siya. Pagkatapos niya kaming iwan ng pinagbubuntis ko ang baby namin." Hindi maitago ang galit sa boses ni Selle.

"Pinuntahan ka na naman niya sa kompanya mo?"

Celina Selle Yam Marquez is one of her friends. Nakilala niya ito sa isang event. She is a biggest fan girl ng Kuya Timothy niya. Natawa pa nga siya ng makilala nito ng personal si Kuya Timothy. Nagsisigaw ito at kilig na kilig ng mahawakan ang pinsan. Isa ito sa mga pinagtanggol ang Kuya Tim niya ng magkaroon ng issue ang pinsan. Selle owns the Selle Pharmacy. Maliit lang ang kompanya ng kaibigan. May tatlong branch ito pero proud siya sa kaibigan dahil nagsimula ito sa wala.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now